EPILOGUE

49 0 0
                                    

THANK YOU SO MUCH, MY BELOVED READERS, FOR REACHING UNTIL THE VERY END OF LOVE SERIES! SOBRANG SAYA KASI FOR ALMOST ONE YEAR, NATAPOS KO ANG SERIES NA GINAWA KO, AT DAHIL SA INYONG MGA BELOVED READERS KO. SANA NAGUSTUHAN NIYO AT MAABANGAN PA ANG IBANG ISUSULAT KO.

HERE'S NOW THE LAST EPILOGUE OF LOVE SERIES,

Agad akong nagsalin ng alak nang makaupo dito sa stool chair. Hindi ko inimikan si Isla at nagpatuloy lang sa pag-inom ko. Matapos maubos ang laman ng isang baso ay pabagsak ko itong nilapag sa mesa at marahas na huminga. Mahigpit ang hawak ko dun habang pinipigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.

“Okay... What's the problem, Brielle?” kapagkuwan ay tanong ni Isla sakin.

Ilang segundo lamang akong nakatitig sa basong hawak ko habang pinipigilan ang sarili ko na maiyak. “S-Si Adam..” sabi ko.

“What about kuya?” she asked.

Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya habang naalala ang nangyari, ang mga nangyari sa isang linggong lumipas. Parang binibiyak ang puso ko. Ayoko man isipin pero yun ang tumatatak sa isipan ko. We've been in a relationship for two years. In fact, today is our 2nd anniversary but.. hindi man lang siya nagparamdan.

Tuluyan ng bumagsak ang luha ko sa sandaling ito. “He's with another woman...” sabi ko at napatungo na lang habang inaalala ang mga nakikita ko sa loob ng isang linggo.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng opisina ni Adam ay nakita kong may kausap siyang babae. Parehas napatingin ang dalawa sakin at tumayo agad si Adam.

“Baby, nandito ka na pala.” yun ang bungad niya.

Dahan-dahan naman akong tumango bago tumingin sa babaeng ito. “Yes. I'm here already.” I said.

“Oh.. anyways, Mr. Brown? I'll get going now. See you tomorrow sa dinner natin.” that woman said bago naglakad at lampasan ako.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng opisina bago ko nilingon si Adam. Lumapit ako sa kaniya.

“Who's that?” I asked.

“Oh. It's Ms. Fatima. Just an investor.” tugon niya.

“And.. you have a dinner tomorrow?” I asked.

Tumango siya. “Yes.” sagot niya.

Natigilan naman ako at pinakatitigan siya ng ilang segundo. Napalunok na lamang ako.

‘Right. Investor lang.’

Malalim na lang akong huminga bago ngumiti sa kaniya. “Alright.” sagot ko bago nagtungo sa visitor's chair.

---

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Adam. Kadadating ko lang kasi dito sa kaniyang opisina and he isn't here. Ilang ring ang lumipas bago siya sumagot.

“Hello, Brielle?” bungad niya.

“Nasaan ka?” tanong ko.

“Oh... Right... Uhm, kasama ko si Ms. Fatima. We're currently eating.” sabi niya.

Natigilan na naman ako at napalunok. “Y-You were eating together for three times... Mahalaga ba yang pinagmi-meeting-ngan niyo?” tanong ko sa kaniya.

Dangerous Love (Love Series #10)Where stories live. Discover now