05 - ACHES

31 0 0
                                    

Brielle Aiko's POV

“Are you sure that kuya didn't touch you? Don't let him touch you, okay? He will not take you seriously. You know that. Okay? Keep a one meter distance from him.”

Napahilot na lamang ako sa sintido ko at tinigil ang pagtatype ko sa computer. Bored kong tinignan si Isla na kanina pang nandito sa tabi ko. Paulit-ulit na sinasabi ang bagay na yun. Ilang oras na rin ang nakalilipas at hindi pa siya naalis. Para ngang binabantayan niya ako at hindi man lang nagtatrabaho.

“Tss. Kanina mo pa yang sinasabi. I don't think he will do that to me, Isla.” I said.

Marahas siyang huminga. “Hays. I'm just worried about you, Brielle.” she said.

“You know what, I will not apply here if you didn't tell me.” I said.

“I know. It was my fault. Naisip ko lang naman na if ikaw yung magiging sekretarya niya, hindi ka niya gagalawin. Kasi friend's still matter. You know but..”

Malalim na lamang akong napahinga at hinarap siya. “I don't think he will do that to me. Please, tama na. It's uncomfortable to talk about. Kapag narinig pa tayo ni kuya Adam...” mahina kong sambit sa kaniya.

“Whatever. I'm just worried about you because---”

“You should go back to your quarter, right?” mabilis ko nang pagputol sa kaniya.

Napangiwi na lamang siya. “I see.” tatango-tango niyang sabi. “Ayaw mo pa ring pag-usapan yun in public. But you know, Brielle, secrets can't be keep forever. And I know how you work hard if you can't keep it any longer. But you should take care. Take care yourself from kuya. Punta na ako sa opisina ko.” sabi niya at matapos yun ay umalis na.

Napabuntong hininga na lamang at napatitig sa screen ng computer. Secrets can't be keep forever. She knows me well even it has been a years past. Konti na lamang akong napangiti as I think about kuya Adam... Tsaka sa sinabi sakin ni Isla.

‘He won't do that to me..’

And even if ever, I won't let him do that to me. I'm not like the other girls. I'm not a pushover anymore.

Pinagpatuloy ko na lamang ang trabaho ko hanggang sa maglunch. Napatingin ako sa telepono. He didn't call me yet. Maybe he doesn't need something.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko dala-dala ang bag ko at umalis sa quarter ko upang magtungo sa cafeteria ng building na ito. Nagtungo na ako sa elevator at pinindot upang bumukas yun. Bago pa man ako makasakay ay may presensya akong naramdaman sa tabi ko at halos makalimutan ko na ang paghinga nang makitang si kuya Adam ito. Agad akong napaiwas ng tingin dito.

‘Shit! Calm down, Brielle.’

Mabilis akong sumakay sa elevator nang bumukas yun. Sumunod naman siya at kami lang dalawa hanggang sa tuluyang magsara ito. A silence filled us. Hindi ako makapagsalita at hindi ko rin naman alam kung dapat ba akong may sabihin. It's damn awkward. Nakakabinging katahimikan kaya naman halos mapaigtad na ako nang magring bigla ang cellphone ko. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa kabang yun. Si Theo ang tumatawag kaya naman sinagot ko.

“H-Hello..”

“I'm here outside. Let's eat together.” he said.

“H-Ha?” sagot ko.

“Hintayin kita dito.” sabi niya.

“O-Okay.” sabi ko bago binaba ang cellphone.

Napalingon ako kay kuya Adam. Sa harapan lamang naman siya nakatingin. Napaiwas na naman ako sa sandaling ito.

‘Bakit ba ang tagal bumukas ng elevator? Hindi na ako makahinga dito.’

Dangerous Love (Love Series #10)Where stories live. Discover now