20 - YOU'RE MINE

23 1 0
                                    

Brielle Aiko's POV

I was just walking tonight back to mansion. But I feel numb. I don't feel anything. Nakatingin lamang ako sa kawalan habang nakakrus ang braso. Natutulala na parang ewan... I've never thought that that was what his ex did to him to be like that. I couldn't tolerate. I can't accept that fact. She made him like that. Adam has been living in the dark space and couldn't find a way out...

Napalunok na lamang ako habang nakatingin sa kaniya matapos niyang sabihin yun. Kahit pigilan ko, hindi maiwasan na mangilid agad ang luha ko. Oo, napakaiyakin ko talaga minsan. Malalim na lamang ang pinakawalan kong paghinga bago pilit na ngumiti sa kaniya.

“D-Do you still.. love her?” I asked.

“I don't know.” he said.

It's neither yes or no but his 'I don't know' feels 'yes' answer. Tiim ang labing tumango-tango na lamang ako bago tumingin sa kawalan. Malalim ulit akong huminga...

“A-Ano bang ginawa niya sayo? Bakit kayo nagbreak?” tanong ko.

“Back then, I only play women by giving them kisses. Make them fall in my sweet words. Pero never humantong na dinadala ko sila sa isang kwarto upang gawin sa kanila ang mga bagay na ginagawa ko since 2 years ago...” he said.

Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at tinitigan lang siya. Sa kawalan siya nakatingin habang nakikita ko ang lalim ng paghinga niya.

“Until I've met Andrea, and I was like.. felt something about her until I fell in love with her. At ganun din siya. Parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa. Because of her, I've changed myself. Tumigil ako sa pagiging playboy. I focused only on her. Because of her, parang nakumpleto yung kulang sakin. As in, I really loved her that I didn't have any clue na mawawala din pala siya sakin someday.” sabi niya at mapait na ngumiti bago napatungo. “In the end, she cheated on me. Andrea cheated on me after what happened to us. Like what I did before to all girls threw on me in the end. Yung mga kagaguhan ko, sinalo ko. I even ate my own words. Those words I've said before because of her. And it turned me to be like that. I became worse and dangerous at all..” he said.

Konti na lamang at babagsak na yata ang luha ko sa sandaling ito. Pinipigilan ko lang sa mapapagitan ng malalim na paghinga. Nakatingin lamang ako sa kaniya. Sa totoo lang, para talagang iniipit ang puso ko. Tinutusok at paulit-ulit na sinasaktan habang nakatingin sa kaniya...

Lumingon siya sakin. “Nung malaman kong may nararamdaman ka nga sakin, hindi ako galit. Hindi ako nagalit nung oras na yun. You know.. what I felt was fear.” sabi niya dahilan para matigilan ako. “Fear, because that day.. I saw your love as a dangerous one, Brielle. I'm not the only one who's dangerous, Brielle. You are, too. I'm scared of your dangerous love... I scared to get hurt again but this time, by your dangerous love..” he said to me.

Natigilan na lamang ako hanggang sa tuluyan ko nang naramdaman ang pagbagsak ng luha ko. Sa sandaling yun ay bumagsak din ang kaniyang luha kaya nag-iwas siya ng tingin sakin. Nasasaktan akong lumapit sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. Hindi ko alam na yun ang bagay na yun samantalang yun din naman ang nararamdaman ko.

“You know what kind of man I am, Brielle. I'm afraid that I might just hurt you or you might just hurt me in the end also like the way she did.” he said.

Dangerous Love (Love Series #10)Where stories live. Discover now