21 - FULFILLED

22 0 0
                                    

Adam Wyatt's POV

Nandito ako ngayon sa opisina kaharap ang ama ni Brielle. Nakababa lamang ang tingin ko pero ramdam na ramdam ko ang talim ng titig nito sakin. I've waited for this day to come at ako talaga mismo ang sumadya patungo dito sa mansion nila. Ngayon, desidido na ako. Sigurado na ako...

'Hindi lang si Brielle ang siyang gagawa ng lahat para sakin. Gagawin ko din ang lahat para sa kaniya.'

Tumingin ako sa kaniya. Aaminin kong nakakatakot talaga ang awra niya. Mas nakakatakot kaysa saking ama. But he's a good father. Maraming beses ko na yung naobserbahan sa kaniya. Yun nga lang, hindi niya rin hahayaan na mapunta sa kung kanino lang ang mga anak niya...

"What are you doing here?" he asked.

Malalim na lamang akong napahinga. "I'm here to ask for forgiveness, Sir." I said and kneeled down.

Binaba ko ang tingin ko.

"For almost a month past, hindi ganun kaayos at kaganda ang naging tagpo namin ni Brielle. Aaminin kong nasaktan ko na po talaga siya. I want to ask for forgiveness for that. For that month past, I can prove to you, Sir, that I changed myself. I'm changing for myself and for Brielle. Sir, if you forgive me, I will really prove you that this time, I'll be a deserving one for Brielle, Sir. I will do anything for her." I sincerely said.

Matapos kong sabihin yun ay nakakabinging katahimikan ang pumaloob saming dalawa. For the almost month past, I've realized something after I met Brielle again. Because of that, I learned to changed myself again. Hindi ko akalain na sa loob ng mga araw na yun, unti-unti akong nagbago... Ngayon, ang kailangan ko na lang talaga na patunayan ay.. totoo ako sa nararamdaman ko kay Brielle. Papatunayan ko yun kahit anong mangyari.

"What if I didn't forgive you?" he suddenly asked.

Natigilan naman ako pero malalim pa rin akong napahinga. "I will still prove myself, Sir, until you finally forgive me and accept me for your daughter." I said.

"I don't believe in words, hijo." sabi niya at tumayo. "Sinabi mo lang naman sakin na papatunayan mo ang sarili mo para kay Brielle. But you can't even tell me that you love her. Basically, you don't love her." he said.

"But I'm falling for her, Sir. At hindi ko na yun mapipigilan pa." sabi ko.

"Hindi kaya sinasabi mo lang yan dahil nandyan ang anak ko para sayo? Sinasabi mo lang yan kasi pakiramdam mo, nasa anak ko ang lahat ng kailangan mo. Paano kung biglang mawala siya sayo?" tanong niya sakin.

Napatungo na lamang ako. "Hindi ko po siya hahayaang mawala sakin. Yes, I need her. That's because of what I feel for her. I need her because I'm falling for her, Sir. Kapag isa pa siyang nawala sakin, hindi ko na alam..." sambit ko.

Hindi ulit umimik si Mr. McGrey. Nananatili naman akong nasa baba ang tingin at hinihintay na magsalita siya.

"2 years."

Natigilan na lamang ako nang biglang sabihin niya yun. Nabibigla akong napatingin sa kaniya at hindi alam ang sasabihin. Malamig siyang nakatingin sakin. Para niya akong pinapatay sa titig niya. At kitang-kita naman yun. It would be hard for me to gain tito's trust...

"I will give you two years to prove yourself. Hindi ako ganun kadaling magbigay ng tsansa, hijo. Kapag hindi pa lumilipas ang dalawang taon at nasaktan mo ang anak, hinding-hindi ko na hahayaan na mapunta pa siya sayo. Hindi lang yun, magpaalaam ka na rin." madiin niyang sabi.

Dangerous Love (Love Series #10)Where stories live. Discover now