25 - SO DANGEROUS

21 1 0
                                    

Adam Wyatt's POV

Nakatingin lamang ako kay Brielle na walang imik na nilalagay ang mga paperworks sa table ko. Seryoso ang kaniyang mukha at hindi ko mabasa ang iniisip niya. Matapos yun ay tumingin siya sakin.

"May ipapagawa ka pa ba, Boss?" malamig niyang tanong sakin.

Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago bumuntong hininga. "Let's talk, baby girl---"

"Kung wala na, babalik na po ako sa quarter ko." pagputol niya sakin at matapos yun ay tinalikuran na ako.

Napatayo na lamang ako at agad na sinundan siya. Nagtungo ako sa harapan niya. Napatigil naman siya sa paglalakad at malamig pa rin akong tinignan. Hindi ko na siya nakausap pa kagabi dahil deretsong bumaba siya. Hindi ako inimikan. Hindi ko rin naman alam ang gagawin ko mula nung makita ko ulit si Andrea after two years. I don't have any fucking excuses but I will never take this situation. Me and Brielle, not talking.

"Baby girl, let's me explain." mahinahon kong sabi sa kaniya.

"Explain? Your eyes were enough to find the answer." sabi niya at matapos yun ay nilampasan na ako.

Agad ko namang nilingon niya. "I didn't mean to be like that yesterday. I was shocked. Naghalo-halo yung nararamdaman ko.." sabi ko sa kaniya.

Napatigil na lamang siya sa paglalakad at hinarap ko. "Gaya ng ano? Bumalik ba yung nararamdaman mo sa kaniya nung makita ulit siya? Natulala ka, para kang nawala sa sarili, Adam! It's like seeing her again after two years made you feel what you felt for her before." she exclaimed. "What should I do, Adam? I didn't even know that she was Andrea. I'm doomed... I don't know what to do." sabi niya sakin at napasabunot na lang sa sariling buhok.

Nahihirapan akong lumapit sa kaniya. Kita kong nasasaktan siya ngayon.

'Kahit naman ako, hindi ko alam kung bakit nagkaganun ako. Pero sigurado akong wala na akong nararamdaman kay Andrea.'

"I don't have any feelings for her anymore. Lahat ng ginawang panloloko niya sakin, bumalik nung makita ko ulit siya..." sabi ko sa kaniya at lumapit ulit.

Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos-haplos yun. Umiiwas siya at bahagyang inaalis ang kamay ko sa mukha niya pero hindi ko hinayaan.

"I'll fix this. Give me a chance, baby, please... Talk to me." I said to her.

Sinalubong niya ang tingin ko. Nakikiusap ko namang tinignan siya. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya at inalis yun. Tumungo siya at marahas na huminga.

"I can't forget your emotion last night..." sabi niya at umiling. "Paano ka ba niya niloko, ha?" tanong niya sakin.

Napatigil naman ako at naalala ang batang karga niya kahapon. That was maybe the result of her cheating. It's true that she was pregnant and cheated on me back then.

"She told me that she cheated on me honestly.. and got pregnant." I answered.

Matapos yun ay siya naman ang natigilan at nabibiglang napatingin sakin. "G-Got pregnant?" nagugulat niyang tanong.

Dahan-dahan naman akong tumango. "She first told me that. Magiging masaya na sana ako kasi akala ko ako yung ama.. pero sinabi niyang she cheated on me." sabi ko.

Napaawang na lamang ang labi niya at parang naninigas na napaatras sakin. Matapos yun ay napahawak na lamang siya sa ulo niya at napatakip sa bibig niya. Naglakad siya hanggang sa lampasan ko at nilingon ko naman siya.

Dangerous Love (Love Series #10)Where stories live. Discover now