22 - THINKING

20 1 0
                                    

Brielle Aiko's POV

“Oh my gosh, girl! Future sister-in-law mo na ba ako niyan?! Gosh, congrats sa inyong dalawa ni Kuya! Sobrang bilis niyo pero halata namang mahal na mahal ka na ni kuya ngayon.”

Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Isla habang naglalakad kami dito at naglilibot sa company. Dala-dala ko ang kape na kasalukuyan kong iniinom.

“I'm done taking it slowly. You don't have to take it slowly anymore because it feels like wasting your time only. Now, I'm going to go with the flow on our relationship. If it will work out or not. But I know we will... We can work out.” I said and faced her.

Tumango-tango naman siya sakin. “Isang Brielle lang pala ang magpapatino sa kuya ko...” sabi niya. “Thank you for loving my kuya, Brielle, even though he was like that. Kuya was just numbed because he didn't feel that someone's loving him truely.” sabi niya sakin.

Tumingin na lamang ako sa kawalan at nagpatuloy kami sa paglalakad. We have a label now. Kami na ni Adam. Napatingin ako sa glass window at tinanaw ang maliwanag na kalangitan. Naglakad kami patungo ni Isla dun.

Marahan akong huminga. “Adam is not hard to love. You just have to understand him. Kapag nakita niyang may nakakaintindi sa kaniya, siya mismo ang babago sa sarili niya.” sabi ko. “I did not do everything. I just made him feel that I'm just here whatever happens... I think that's enough.” I said.

“Aww. Ikaw na talaga. You're matured enough, Brielle, to handle things kaya for sure, kayang-kaya mo na ring ihandle si kuya. Tsk. You know what, as what I see in both of you, mas mukha ka talagang matured enough kaysa sa kuya ko. Hmp! Ikaw na lang ate ko. Ate Brielle.” sabi niya at niyakap ako.

Natawa naman ako. “Sira ka!” sabi ko at matapos yun ay sabay lang kaming natawa.

“Hey, Isla. Stop being clingy to my baby girl!”

Napalingon na lang kaming parehas ni Isla sa nagsalitang yun mula sa likuran namin. Nakabusangot ang mukha habang nakapamulsa si Adam na nalapit samin. Nawirduhan ko na lamang na tinignan siya hanggang sa binalot niya ang bisig niya sakin sa harap ni Isla. Nabibigla ko naman siyang tinignan habang napapatawa na lamang.

“H-Hoy!” sabi ko sa kaniya.

“Tss. Ako lang ang pwedeng yumakap sayo ng ganito.” sabi niya sabay halik sa noo ko. “Hanap ka ng ibang kayakap mo, Isla. Huwag ang girlfriend ko.” sabi niya sa nakababatang kapatid.

Dahil dun ay sinimangutan siya ni Isla. “Tsk! As if I'm gonna steal my friend from you. Brielle is my one and only true friend so I'm allowed to hug her!” mataray niyang sabi at matapos ay nagflip hair pa. “Makaalis na nga. Nakakabadtrip ka talaga, kuya.” sabi niya sabay talikod na samin.

Saka lang kumalas si Adam sakin nang makalayo na si Brielle. Tinignan ko siya at sinimangutan.

“Kailan ka pa naging ganiyan ka-seloso kahit sa kapatid mo? Hey, we're friends.” I said to him.

“You know that my sister is bisexual. Baka agawin ka niya sakin eh.” sabi niya.

Napaawang na lamang ang labi ko at matapos ay natawa. “Gago! Hahaha! Eh ano naman kung bisexual si Isla? I mean, matagal na yung friendship namin simula nung pagkikita namin.” sabi ko sa kaniya.

It was true that Isla is bisexual. Hindi lang halata kasi babaeng-babae pa rin naman ang ayos at pananamit niya. Mataray din ang boses niya.

Tinignan ko kung nasaan na si Isla pero nakasakay na pala siya sa elevator kaya naman binalik ko na ang tingin kay Adam at nginitian siya.

Dangerous Love (Love Series #10)Where stories live. Discover now