19 - STOP-ER

18 1 0
                                    

Brielle Aiko's POV

“Kain ka muna, hija.” sabi ni tita sakin habang nandito kami sa dinning area.

Ngumiti ako sa ina nina Isla at Adam. “Salamat po.” tugon ko bago inumpisahan ang pagkain.

Umaga ngayon at nandito na nga ako kina Isla. Buti na lang at mababait talaga sina tito at tita dahil wala silang complain na nandito ako. Pero ngayon, lumilinga-linga ako sa hagdan at may hinahanap.

‘Looks like he's not here..’

“You went here in the middle of the night. Hindi ba nag-aalala ang Daddy mo? Alam ba niya na nandito ka?” kapagkuwan ay tanong ni tita.

Natigilan ako saglit at napalunok bago pilit na ngumiti. “Uh... H-Hindi po eh...” sabi ko.

“What? You should call him.” tita said.

Umiling na lang ako bago umiwas ng tingin. “Kapag nalaman niya kung nasaan ako, pababalikin niya ako sa bahay at ilalock na naman... Hehe.” sagot ko.

“Why would he do that?” tita asked again.

I was about to answer when Isla spoke. “Duh! Na-find out lang naman ni tito na may gusto si Brielle kay Kuya eh kilala mo naman si kuya, Mom!”

Nanlaki na lamang ang mata ko at gulat na napatingin kay Isla. “I-Islaaaa!” kabang-kaba ko nang sambit bago napatingin kay tita, she looks shocked.

Fuck! Nakalimutan kong madaldal nga pala ang isang ito. I should have stopped her mouth sooner. What can I do right now?!

Siya na mismo ang nagtakip ng kaniyang bibig. “Oops! Masyado yata akong madaldal. Pero tama yung narinig mo, Mom. Brielle like--- no... Actually, she loves kuya since she was in high school.” sabi niya at nagpatuloy sa pagkain na parang wala lang.

Napahawak na lamang ako sa pisngi ko dahil sa pag-iinit nun. Nabalot na rin ng sobrang hiya at kaba yung sarili ko. Hindi tuloy ako makatingin sa Mom nila ngayon. I'm just thankful that their Dad is not here kung hindi, baka mega na yung nararamdaman kong kaba...

“I-I didn't know that you like my son... But is that true, hija? Brielle?” kapagkuwan ay tanong ni tita.

Dahan-dahan at natatakot na lamang akong napatingin sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata niya at naghihintay ng sagot ko. Natiim ko na lamang ang labi ko bago napatungong tumango-tango... Ano kayang magiging reaksyon ni tita? Magagalit kaya siya? Madidismaya? Ano?

“And that was the reason why you're here? Because you escaped from your Dad to see Adam?” she asked again.

Mariin ko na lamang na pinikit ang mata ko bago pinagdikit ang palad ko. Tumingin ako kay tita at nagsusumamo.

“Tita, please don't tell Dad that I'm here. I love Adam kaya hindi po ako makakapayag na paglayuin kaming dalawa kahit pa walang nararamdaman sakin si Adam. Tita, for the mean time lang naman po ako. Sasamantalahin ko lang yung pagkakataon na nasa states si Dad before he finds out that I disobeyed him. Please. Please...” I begged.

Pagbuntong hininga na lamang akong tinignan ni tita bago napailing. “Tsk. Mga kabataan talaga ngayon. Palagi na lamang sinasaway ang kanilang magulang.” sabi niya at tinignan muli ako. “Let's eat first.” sabi niya sakin.

Nalulungkot na lamang akong napatingin sa pagkain ko bago nilingon si Isla. Nagpeace sign lang siya sakin at nagpatuloy ulit sa pagkain. Pakiramdam ko tuloy sa sandaling ito, malalagot na ako. Pero hindi ko pa nakikita si Adam mula kagabi na makarating ako dito eh!

Dangerous Love (Love Series #10)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ