15 - CHANCE

24 0 0
                                    

Brielle Aiko's POV

Unti-unti kong minulat ang mata ko nang maramdaman ang sinag ng araw na mukha ko. Masakit ang ulo na bumangon ako mula sa pagkakahiga ko. Matapos yun ay nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwartong ito.

‘Where am I?’

That's the first question popped up in my mind. Umalis ako sa kama at dahan-dahan na tumayo. Tsk. Siguradong marami na naman ang nainom ko kagabi. I was about to walk out of this room nang bigla na lamang akong may naalala. At ang alaalang yun ay sapat na para tumigil bigla ang mundo ko...

"Wait... You look familiar... I think I know you! Ah... Ikaw nga pala yung dahilan kung bakit ako nasasaktan nang hindi mo alam."

"Why aren't you speaking? Talk to me, my source of heartbreak... Please."

Bigla na lang akong napatakip sa bibig ko at napuno ng sobrang hiya sa sandaling ito. Si.. Si kuya Adam at ako? The fuck! It was just a dream, right? Right?!

Bigla na lamang akong napaupo sa sahig at parang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sandaling ito. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Kapagkuwan ay napahawak na lamang din ako sa labi ko. Fuck... I didn't kiss him right? I mean, panaginip lang talaga yun? Diba? Diba? Diba?!

Kagat labi na lamang akong dahan-dahan na lumabas ng kwartong ito at nilibot ang paningin ko. Halos nakaupo na rin ako at parang naggagapang huwag ko lang makitang nandito siya. Hindi ko talaga alam kung nasaan ako at anong gagawin ko.

Nakatingin lamang ako sa sahig hanggang sa dalawang paa ang tumambad sa harapan ko dahilan para mapatigil na lamang ako. Sunod-sunod akong napalunok bago kinakabahan na napatingala para makita kung sino ito. Para na lamang akong naestatwa sa pwesto ko nang makitang siya nga ito...

"Fine! Let me be one of your women. Use me for your satisfaction. I don't care if I'm too young. Psh! Do that with me. But do that only with me this time. Basta.. sakin lang. Sakin na lang... Tapos.. mahalin mo na rin ako. Hahaha!"

Bigla na lamang akong napaatras. Ang blangko pa rin ng tingin niya sakin. Halo-halo ang nararamdaman ko. Kinakabahan. Natatakot. Para ngang nanginginig na ako eh. Lalo pa at naaalala ko ang mga sinabi ko at ang paghalik ko sa kaniya. Hindi ko na din tuloy alam kung hiya ba ito o talagang naninikip yung dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.

Kapagkuwan ay lumuhod siya at nagkapantay kaming dalawa. Unti-unting nawala ang pagiging blangko ng emosyon niya. Parang.. Parang naging maaliwalas kahit papaano.

“Gising ka na pala. Pero bakit ka naggagapang?” tanong niya sakin.

Napalunok na naman ako at hindi makapagsalita. Naaalala ko na naman ang mga sinabi ko.

"I miss you, Adam. I miss how you smile and wink. I miss how you smirk cooly. Your sharpening and teasing eyes... I even miss the way you call me 'baby girl'..."

"Call me 'baby girl' again, please... Make me your baby girl again. Let me be your baby girl again... But this time, as your woman. Your one and only woman..."

Sa sandaling yun ay unti-unti kong naramdaman ang pangingibabaw ng luha ko.

‘Ang tanga-tanga ko naman sa part na yun...’

Kapagkuwan ay naglahad siya nang kamay sakin at mas lumapit. “Come on. Get up---”

“No!” halos pasigaw ko nang sambit at biglang napalayo sa kaniya.

Kita kong natigilan siya. I don't know. I felt scared so sudden. Agad kong pinunasan ang luha ko dahil nagpatak na pala ito. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumayo. Malalim akong huminga at tumalikod sa kaniya. I don't want him to see me crying again because of him. I was drunk last night. I was stupid. Tsk!

Dangerous Love (Love Series #10)Where stories live. Discover now