30 - THANKFUL

32 1 0
                                    

Brielle Aiko's POV

Nandito ako sa kusina ngayon kasama si tita, ang Mom ni Adam, habang nagluluto kami parehas. Actually, I'm here at their mansion. Inaayos ko ang paglalagay ng icings sa cake na ginawa ko. I'm very careful while doing this. Hindi ko hinahayaan na magkamali ako. I'm thankful I also learned bread and pastries so that's why I know how to bake.

A smile curved in my lips matapos kong ilagay ang pangalan sa top ng cake. "Happy 30th birthday, Boss..." mahina kong basa.

Lumapit sakin si tita at tinignan ang gawa ko. "The cake looks perfect. Siguradong magiging masaya si Adam kapag nalaman niyang ikaw ang gumawa ng cake para sa kaniya." sabi ni tita.

Napangiti naman akong nilingon siya. "Sana nga po magustuhan niya rin." I said. "At this hour, siguradong nasa trabaho pa siya." sabi ko.

Pumasok pa rin kasi siya sa trabaho and ako naman, kahapon ko pa sinabi sa kaniya na hindi ako makakapasok ngayon kasi may gagawin ako which are these that he doesn't know. Gusto pa nga niyang samahan ako pero buti na lang, naconvince ko siyang pumasok na lang. Siguradong iniisip niya ngayon na nakalimutan ko ang birthday niya.

"It's so sure." sabi ni tita. "Anyways, thank you, Brielle." sabi niya.

Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni tita. "Tita.."

She smiled at me. "Thank you for loving my son and for putting an effort to make him happy. Mag-iisang taon na rin kayong dalawa. Parang kailan lang, pilit kong sinasabi sa kaniya na tumigil na siya sa mga ginagawa niya pero hindi man lang siya nakikinig sakin. Pero simula nung magkamabutihan kayo ni Adam, unti-unti kong nakita ang pagbabago sa kaniya hanggang sa tuluyan ng nawala yung pagiging ganun niya. Kaya sobra akong nagpapasalamat sayo, hija. You helped my son to change himself. You made him feel loved. You made him better than ever." sabi niya sakin.

I felt softened after tita said that. Dahil dun ay napayakap na lamang tuloy ako sa kaniya. Ewan ko pero nangingilid ang luha ko. Masaya naman ako. Talagang nadadala lang yung emosyon ko sa sinabi ni tita.

"You're welcome po, tita. Thank you rin po sa pagtanggap niyo sakin para kay Adam." sabi ko.

Hinaplos-haplos ni tita ang likod ko. "There's no reason to not accept you for my son, hija. You're kindhearted, a lovable woman. A perfect woman for my son..." tita said at kumalas ng pagkakayakap sakin. "Mula nung maging kayo ni Adam, dun ko nakita na mas masaya siya.." sabi ni tita.

"Ako din naman po, tita. Mas naging masaya po ako nung naging kami na rin ni Adam sa wakas." tugon ko.

Sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko akalain na malapit na rin kaming mag-isang taon. At sa loob ng mga buwan na lumipas, nagawa naming harapin at lampasan ang mga pagsubok na dumating samin. And that even made us strong. Ganun naman talaga sa relasyon, kailangan harapin niyo ang mga pagsubok sa buhay.. para sa ikatatatag ninyo.

It took more than an hour after everything are prepared. Nakahanda na sa dining area lahat ng pagkain na niluto namin habang nasa gitna naman ang cake. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Adam. Ilang ring pa ang lumipas hanggang sa sumagot siya.

“Hey, baby girl. How are you? I'm sorry, I wasn't able to call you earlier. I got a lot of hectic schedules besides, I'm not with my motivation.” sabi niya sakin.

Konti naman akong natawa. “It's okay and I'm fine. That's why I called you. I know that you will be very busy today because of your meetings.” sambit ko. “Pauwi ka na ba?” tanong ko sa kaniya.

Dangerous Love (Love Series #10)Where stories live. Discover now