My heart pounded. I felt so overwhelmed for all the students who are watching my every move. Agad nila akong tinukso.

I lowered my head, bahagya akong nagtago sa likod ng aking mga kaibigan. Ang buong akala ko ay makakatakas na ako sa panunukso nila sa oras na lumiko kami sa maliit na corridor patungo sa basement. To my horror, the teasing got worse and I immediately found out why it did.

Pagliko namin, I quickly noticed someone familiar sitting on one of the wooden benches with his friends. At dahil may malalaking sliding window ang gilid ng corridor, kitang-kita pa rin kami sa labas ng mga estudyante.

"Uy, si Falcutila, oh! Baka gusto mong ihatid, Siervo!" one of the students suggested which earned a group of loud laughter.

Mabilis na uminit ang pisngi ko. I lifted my eyes when I felt my friends walked a bit faster. Tila lalong nairita si Erza sa mga panunukso sa aming paligid, she began to walk faster, kaya nagmadali din ang dalawa upang masundan siya, dahilan kaya medyo napag-iwanan ako.

"Falcutila, tingin ka naman dito! Yieee!"

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at binilasan ang paglalakad upang 'di tuluyang maiwan.

Napalingon ako sa bintana nang mapansin ang ilang estudyante na lumapit pa para mapansin. They smirked widely at me. Some even pointed where Aedion is, gusto akong lumingon doon. My pace slowed down a bit as I stared at them.

For years, I've been experiencing this kind of treatment from them. At first, it felt so awkward, embarrassing and overwhelming, lalo na kung marami sila tulad ngayon. Noong medyo nagtagal, it still felt embarrassing, pero nahaluan na iyon ng iritasyon. Pakiramdam ko kasi, ginagawa nalang nila akong katatawanan. Kaya nakakapagtakang, wala akong maramdamang iritasyon sa kanila ngayon. I even felt my lips twitched a little when they were convincing me in such a soft tone to glance at Aedion.

When they cheered loudly, napalingon ako sa gawi ni Aedion. I saw him stood up, gano'n din ang mga kasama niya. It looks like they were about to leave, para siguro sa susunod na klase.

Seryoso niyang sinukbit ang bag sa kaniyang balikat. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba sa kaisipang naiinis siya sa mga pang-aasar na natatanggap sa paligid kaya aalis. I swallowed hard.

A small smile slowly curved on his thin lips as he turned his heel to leave, leading his friends. Umuwang ang labi ko. My cheeks heated more.

Kung hindi pa ako nguling paulanan ng tukso ng mga kapuwa estudyante ay 'di ko pa mamamalayan na tumigil na pala ako sa paglalakad. I quickly shut my mouth and run towards the stairs, going down to the basement, where I was welcomed with another series of teasing.

Buong araw na malamig ang pakikitungo sa akin nila Rebecca at Erza. Mary tried to talk to me like usual, pero natitigilan din pag tinitignan siya ng dalawa sabay hila sa kaniya upang kausapin tungkol sa ibang bagay na hindi ako maka-relate.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko talaga sila maintindihan. Is it really such a big deal for them to treat me like this the whole day? 'Tsaka 'di naman talaga totoo ang mga nasagap nilang balita.

"Mauna na kayo. Dadaan muna ako sa faculty," I said.

Dismissal na at tahimik lang akong nakasunod sa kanila habang naglalakad patungo ng front gate. Huminto ako sa paglalakad nang masabi iyon. They glanced at me. Rebecca nodded a bit before quickly turning her back at me. Erza was busy with her cellphone and didn't spare me a look. Si Mary lang ang ngumiti sa akin at tipid na kumaway. I smiled back at her and waved too.

Sandali ko pa silang pinagmasdan, at nang medyo nakalayo na, saka ako pumihit upang bumalik sa dinaanan. Hindi naman talaga ako pupunta ng faculty. Wala pang text ang driver ko kaya nasisiguro kong wala pa siya doon sa harap. Isa pa, may nakita akong pasaway na estudyante kanina, babalikan ko lang upang pagsabihan. Bahagya akong natawa sa sariling naisip.

Orphic LoveWhere stories live. Discover now