"Of course pupunta ako! Pwede ba namang mawala si Mama?" Nakangiting sagot ko. Sabay-sabay naman silang ngumiti. Siguradong pagod ako nito pagkatapos dahil tatlo silang sasamahan ko, iisa lang naman ang school nila at si Ate Camille ang teacher nila.


Pagkatapos namin kumain ay sila na ang nagpatong-patong at naglagay ng mga pinggan nila sa lababo. Mabuti nang habang bata sila ay turuan ko na para hindi sila mahirapan paglaki nila.


Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan isa isa ko silang pinaliguan at binihisan, matapos ako naman ang naligo at hinanda ko na ang higaan namin.


"Huwag malikot sa pagtulog ah, baka mahulog ka dyan Cymon nang hindi ko namamalayan." Mahigpit na bilin ko dahil doon sya sa kabilang dulo ng kama natutulog. Medyo kampante naman ako dahil hindi naman malikot matulog ang panganay ko, palaging si Cairo ang nakikita kong gumugulong kapag sumisilip ako sa kwarto nilang tatlo.


Mabilis na nakatulog ang bunso kong si Carley, siguro ay napagod 'to kakalaro buong araw. Halos pumipikit na rin ang mga mata ko pero kailangan ko pang hintayin na matulog si Cairo dahil sya na lang ang tanging gising.


Matapos ang kalahating oras ay nakatulog na rin sya pero nang nakatulog sya ay hindi naman na ako makatulog kaya bumaba na lang ako at kumuha ng maiinom.


Nadaanan ko ang malaking litrato ng Asawa ko katabi ang baby picture ni Ayah at ang isa pang picture ay magkasama silang dalawa. Maliit na nguti ang gumuhit sa mga labi ko at hinaplos ang larawan na magkasama silang dalawa.


"Miss ko na kayo..." Bumuntong hininga ako at napalunok nang mamuo ang mga luha ko. "Nakikita mo ba Hubby 'yung triplets mo?" Mahina akong tumawa. "Si Cymon ang hilig mag-alaga ng mga sisiw pero kapag lumaki na 'yung manok, ayaw na nya." Pagsisimula kong magkwento. "Si Cairo naman mukhang nagmana sa pagiging mahilig mo sa fried chicken. At si Carley, ang bunso natin, sobrang hinhin nya, kabaliktaran ata ng baby Ayah natin na makulit."


Bumaba ako para kumuha ng maiinom pero ito na naman ako, kinakausap ang abo ng mag-ama ko.


"Ayah anak, miss na miss ka na ni Mama..." Nanginginig ang boses ko nang banggitin ko ang katagang iyon. Noon ay sobra akong nangungulila sa mag-ama ko ngunit nang magtagumpay ang sperm implantation sa akin at dumating ang triplets ko, nabawasan ang sakit na dinadala ko.


Itinakda siguro ng Diyos na bigyan ako ng tatlong makukulit na supling para maging abala ako at mabawasan ang pangungulila ko. Hindi ko naman masasabi na tuluyan na akong naka-move on dahil nandito pa rin ang sakit na dala nang pagkawala ng mag-ama ko.


Hirap na hirap akong ipagbuntis ang triplets ko dahil triple ang sakit at ang hirap. May mga araw na halos hindi na ako tumayo mula sa higaan dahil sobrang sakit ng balakang ko. May mga araw na aliw na aliw ako habang pinapanood at pinapakiramdaman ang pagsipa nila sa tiyan ko.


Sinubukan ko ang normal delivery pero hindi ko pala kaya, cesarian ko ipinanganak ang triplets ko. Nag-iwan man ng marka, ang mahalaga ay ligtas at malulusog sila.


Katuwang ko sa pag-aalaga si Mama Isha at Papa Cole kapag nandoon kami sa kinalakihang bahay ng asawa ko at si Mama naman ang katuwang ko kapag nasa bahay kami. Si Kuya at Ate ang gumastos sa akin at sa triplets ko noong bagong panganak ako at hindi pa makakapagtrabaho.


Si Kuya Justin ang nage-effort na pumunta sa penthouse ni Cyrus kung saan kami nakatira para sa monthly check-up ng triplets ko. Mababawasan daw ang intindihin ko kaya sya na ang pumupunta sa bahay imbis na dalhin ko pa sa clinic nya ang mga bata.


Naging madali ang lahat sa tulong na rin ng mga taong nasa palagid ko at tinutulungan ako ng bukal sa puso. Sobra ang pasasalamat ko sa Diyos na kahit wala ang asawa ko ay patuloy niya akong binibigyan ng lakas para itaguyod ang mga anak ko. Patuloy niya akong binibigyan ng gabay sa tamang pagdedesisyon.


Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now