Chapter 1 Baguio, Here We Come!

15.5K 199 7
                                    

Maraming nagsasabi ng ang same sex relationship daw ay di nagtatagal. Mali daw ang ganitong klase ng pagmamahal. Lalake sa lalake? Babae sa babae? Kasalanan daw yun sa diyos.

Ang pinagtataka ko lang... Kailan pa naging mali ang magmahal? Kailan pa naging mali ang diyos sa kanyang nilikha?

Tao lang rin kami, nagkakamali. Pero ni minsan, di ko pinagsisihan na ganito ako... Isang tomboy...

I'm Sky Villareal. Only daughter (dati yun! SON na ngayon!) of Rafael and Wilna Villareal.

If my last name is familiar to you... well, my family is the owner of Real Hotel, the largest hotel in the country.

They say that I'm so lucky to be part of the Villareal clan. Pero hindi lang nila alam.

Di tanggap ng parents ko na ganito ako. That's why I don't feel like I'm one of them.

Bata pa lang ako, alam ko na kung ano talaga ako.

Gusto kong magsuot ng mga damit panlalake. Komportableng komportable na ko sa t-shirt, shorts o di kaya'y pantalon lang.

Hanggang nag 18 ako... Ganun na ganun pa rin yung pananamit ko. Nung ng debut ako 4 months ago, nagpa party si mommy. Napakaraming tao ng gabing yun.

They expect me to wear a gown in front of these people???! NO F***ING WAY!!!

So ang ginawa ko, tumakas kami ng mga kabarkada ko. Pumunta kami ng Baguio at dun kami ng celebrate ng birthday ko.

Galit na galit si mommy sakin that time. But... who cares!!!!???

Bilang parusa, inilipat ako ni mommy ng University.

Actually...this is the 7th time na inilipat ako ng school simula pa nung high school. So, sanay na ko!

At first, I thought na magiging boring na naman ang buong semester ko sa University na to gaya ng mga naunang schools... Bakit dito pa? Pero parang itinadhana talaga kung bakit dito ako ipinatapun ng mommy ko. Parang may magandang resulta rin pala ang paglipat ko rito... because I met her.

Ganito nagsimula ang lahat.....

.

4 months ago....(March 28)

.

I can feel the vibration of my phone under my pillow.

11 missed calls...

Maya maya pa nag ring ulit ang phone ko.

"Hello..." halata sa boses na bagong gising. Pero sa totoo lang, di ko talaga gustong magising ng araw na yun.

"Happy Birthday bestfriend!!!" bati ng babae sa kabilang linya.

"Hauh??! Birthday?? Ngayon na ba yun?" tanging nasagot ko dahil ito yung araw na pinaka iniiiwasan ko. Ang debut ko!

"Sky... Don't tell me na nagkukulong ka na naman sa room mo... It's your birthday!"

"Exactly!!! Fara, it's better na magkulong nalang ako dito kaysa sa pagsuotin ako ni mommy ng gown sa harap ng maraming tao!!"

"Yeah... I know... You have a strict no ruffles policy."

"Sige! Mang asar kapa... " naiirita kong sagot.

"Fine... pero talaga bang di ka pupunta sa party? Sky remember... mommy mo ang pinag uusapan natin dito. Kapag sinabi niya, makukuha niya."

Tama naman ang sinabi ni Fara. Iba yung mommy ko.

"You're right. Nasusunod lahat ng gusto niya. Pero bestfriend, nakakalimutan mo yata kung sinong kausap mo... She might get whatever she wants and she can control all the people around her... but not me..."

"So... what's your plan? Ilang oras nalang magsta start na yung party." tanong ni Fara.

Nang mga oras na yun, may kung anong bumulong sakin ng isang napakahenyong ideya! Isang napakapilyong ideya!

"Tawagan mo si Zayn at Colt... Sabihin mo magbabakasyon tayo..." halata sa boses ang isang pilyong plano.

"What?! Vacation? Where? Anong bang pinagsasabi mo?"

"Fara naman! Ayaw kong magmukhang katawa tawa sa harap ng maraming tao! I'm 18 now! Ibig sabihin di ko na kailangan ng permission ng parents ko sa kahit na anong gagawin ko!" desperadong sagot ko

"What if tita Wilna will find out? Eh di lagot tayo??!"

"Tatakas tayo... Huwag ng maraming tanong pa. Tawagan mo sila pagkatapos daanan niyo ako dito sa bahay."

Sabay baba ng phone.

Inayos ko lahat ng gamit at kailangan ko at inilagay lahat sa isang backpack.

After 45 minutes... Nag text na si Fara na naghihintay na raw sila sa harap ng bahay. At sinilip ko sila sa bintana ng kwarto ko. At nandoon na nga sila.

Lumabas ako ng kwarto ko. Napakaingat sa bawat hakbang. Mabuti na nga lang at wala na si mommy sa bahay that time. Nauna na kasi sila doon sa venue.

Isa sa mga nakakainis kapag marami kayong katulong, napakalaki ng chance na mahuhuli ka pag gusto mong tumakas gaya ng ginagawa ko ngayon.

Mabilis akong bumaba ng hagdan. Nagmamasid sa paligid. Daig pa ang kriminal kung makapagtago. Sinilip ko ang gate.

Napaka swerte ko talaga! Dalawang tatamad tamad at tutulog tulog na security guard ang kinuha ng mommy ko.

Dahan dahan kong binuksan ang gate. Halos pigil hininga ko yung ginawa. At sa wakas! Nakalabas na rin ako.

Tumakbo ako papunta sa kotse ni Zayn. Pagkasakay ko ay agad niyang pinaharurot ang kotse.Masasabi ko na isa yun sa pinaka exciting na nagawa ko sa buong buhay ko. Ang tumakas sa sarili kong birthday party!

"Sky... tubig oh..." sabay abot ng bote ng tubig ni Fara.

"Thanks..."

"So... Anong plano niyo matapos nating itakas 'tong mokong na 'to?" isang baliw na tanong galing kay Colt.

Nakatingin sila sakin. Naghihintay yata ng sagot.

"Zayn... Sa Baguio tayo..."

Sagot ko sa napakalaking question mark sa mukha nila.

Bigla inihinto ni Zayn ang kotse.

"Wait! Seryoso ka? Baguio?"

"Guys, magbabakasyon lang tayo dun ng ilang araw. Dun nalang rin natin e celebrate yung birthday ko! And besides, all of us need a break, right?" Sagot ko habang nakangiti.

"Pano ang mommy at daddy mo? Pano kung malaman nila yung ginawa natin?" kabadong tanong ni Zayn.

"Guys...Chilaxxx!!! At saka hindi naman to ang unang beses na sinuway ko ang mommy ko at alam na alam niyo yan... So don't worry! Let's go!"

"Sky is right! Kailangan rin nating mag relax paminsan minsan... Let's go!!!" pagsang ayon ni Colt.

Di nagtagal ay sumang ayon naman ang lahat.

Kaya...................... BAGUIO!!! HERE WE COME!!!!

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now