"Ahm, kasi..."



"Kasi?? Bilisan mo."



"Gusto kong matutong mag-drive. Gusto ko rin ng kotse, kahit second hand lang pero kung pwede sana BMW, mayaman ka naman eh. Sige na." Pagpapa-cute ko.



"Drive drive ka dyan. Hindi. Delikado. Takaw diagrasya ka pa naman. Kung gusto mo ihahatid sundo na lang kita tsaka kung bibilhan man kita ng kotse. Kung lang 'wag kang mag-expect. Bibilhin ko na 'yung brand new, wala akong tiwala sa second hand at masyadong malaki ang sahod ko para bumili ng cheap na kotse." Pagmamayabang nya. Patuloy akong nangulit pero paulit-ulit lang din ang sinasabi nya na takaw disgrasya daw ako eh hindi naman!



"Kuya. Thank you." Pag-iiba ko na lang ng usapan. Hindi naman na sya sumagot at ginulo lang buhok ko sabay ngiti. Alam kong tinanggap nya ang thank you ko kaya hinayaan ko na lang syang lumabas ng kwarto.



Tuwing dadalaw si Kuya sa bahay may dala sya palaging steak dahil paulit-ulit kong hinihingi sa kanya kahit pa magaling na ako binibilhan pa rin nya ako. Pumapasok na ulit ako at hinahatid nya ako kahit alanganing oras. Sinabi ko na kasing turuan na lang nya ako mag-drive pero ayaw nya.



"Mag-text ka kung malapit na off mo, susunduin kita." Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng hospital. Sa NICU ako ngayon at hindi ko pa nakikita si Leo, baka nasa lobby lang sya o sa ER.



Tumungtong ang Lunch hour, diretso ako sa canteen para kumain. Hindi kami magkasabay ng shift ni Nicca kaya mag-isa lang ako, hindi rin pala pumasok si Leo dahil sinumpong daw ng katamaran, palibhasa ay rich kid kaya kahit walang gawin sa buhay hindi sya magugutom.



Paorder pa lang ako nang hablutin niya ang braso ko at sapilitan akong pinaupo. Hindi naman na ako pumalag dahil nasasanay na akong palagi syang nakikita dito sa hospital dahil madalas nyang hiramin si Maureen kay Kuya Justin.



"Ano?" Walang emosyon kong tanong sabay tingin sa wrist watch ko.



"Wala. Gusto ko lang ibigay sa'yo 'to." Inabutan nya ako ng isang bento box. May lamang kanin, fresh vegie salad, tuna, fried chicken breast, slice ng apple at may pasunod pang Prune juice.



"Para saan?" Tinulak ko pabalik sa kanya ang bento box pero tinulak din nya pabalik sa'kin.



"Para kainin malamang." Barumbadong sagot nya.



"Alam ko para kainin. Alangan namang para dalhin ko sa Or at operahan." Umirap ako. Tinitigan ko sya ng masama nang makita ko syang nagpipigil ng ngiti. "Hahampas ko sa ulo mo 'to kapag hindi ka umayos." Pagbabanta ko.



"Chill, baka mahigh blood ka eh low blood ka pa naman." Tumawa naman sya ngayon kaya hinampas ko sa ulo niya ang plastic na bote ng Prune juice. "Aray! Joke lang napakaseryoso mong tao!"



"Mabuti nang seryoso kaysa naman sa'yo, sa sobrang gago mo wala nang sumeseryoso sa'yo, tanga." Singhal ko.



"Parang hindi tayo nagkaseryosohan dati ah." Ngumisi siya na ikinairap ko lang. "Kainin mo na 'yan. Friendly gift lang 'yan baka bigyan mo ng malisya."



"Malisya mo mukha mo." Sagot ko at dinampot ko na ang kutsara at tinidor. Marami nang bumibili at ayaw kong pumila kaya eto na lang, masarap naman.



"Kahit masungit ka... ang cute mo pa rin..."



"Ano? May sinasabi ka ba?" Kunot noong tanong ko pero ngumiti lang sya at umiling. Nagkibit balikat naman ako nagpatuloy lang sa pagkain habang pinapanood naman nya ako.



Love In The Clouds | ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ