Special Chapter 8: A Day With River and Irusu

3.1K 213 83
                                    

Happy 10k reads! Wow, mga twenty na special chapters ba ang gusto nating makamit? Wengya hahahaha.

Marami ang may gusto nitong pair hehe and may nagrequest ng chapter daw nila. Tapos nagmessage sa'kin si QuietAlarming kaya pumasok 'to sa mind ko, nyehe.

-special chapter eight-
____________________

BLANKONG TININGNAN ni Irusu ang posisyon ng kaniyang kasintahan. Unkomportableng nakaupo ito sa sanga ng kahoy. May hawak itong binoculars at mukhang sobrang pokus sa ginagawa.

Irusu jumped over the branch besides River. Mabuti na lang at mahina ang perception nito kaya hindi siya napansin. He narrowed his eyes to see what River was looking out for. Mas lalong nawalan ng emosyon ang itsura niya nang makita na si Halcyon iyon.

"Please don't tell me you've already fallen for the guy." nakahalukipkip niyang wika. "This is the fifth time you're stalking him."

Napasigaw si River at muntik nang mahulog. He struggled to balance the binoculars in his hand and to prevent it from falling. Binigyan niya nang masamang tingin si Irusu.

"Kay Halcyon? Like eww!" nakangiwing sagot nito.

"Oh. E, bakit?"

"I'm protecting my sister from him!" River huffed and went back to his binoculars. "Kanina niya pa sinusundan ang inosente kong kakambal. Paano na lang kung bigla niya itong kidnapin?"

Napabuntong-hininga si Irusu. Why is he acting like his sister did not land second in the GOG event? Isa pa, sa pagka-overprotective ng guild na mayro'n ito, kidnapping her is suicide.

"Your sister is strong."

Umirap si River. "My sister is also naive and dumb. Baka maligaw 'yan at gamitin ni Halcyon 'yon para gawin ang mga di kanais-nais."

Irusu rolled his eyes. Baka nga siya pa ang hindi gumawa ng hindi kanais-nais kapag hindi pa ito titigilan ni River. He looks like an obsessed brother with a sister complex. Napapaisip tuloy siya na baka naging magkakambal lang ang dalawa dahil sa itsura at hindi sa ugali. Maliban sa pagkaparehas nila ng dugo, siyempre.

"Whatever." tumalon pababa si Irusu kaya napatingin si River sa kaniya. "Did you forget anything?"

Kumunot ang noo ni River. Hindi niya maalala kung kailan lang siya naging makakalimutin.

"Parang wala naman."

"Ah." tahimik na tumango si Irusu. "Ge."

River frowned at the man's odd behavior. Napaupo siya ng tuwid at nakalimutan niya ang pagsunod kay Halcyon. Hindi niya talaga maalala kung may nakalimutan siya!

"Wala naman talaga. Ru! Ano ba ang nakalimutan ko?"

"Aba malay ko. Ikaw nga tinatanong ko, 'di ba."

Nang lumingon si Irusu ay kinabahan si River. Puno ng inis at galit ang mata nito. River was already panicking inside. Naalala niyang ganito ang ugali ng mga girlfriend niya noon kapag nakakalimutan niya ang anniversary o monthsary nila. Pero last month pa naman ang fifth anniversary nila.

Besides, River is usually the one throwing a tantrum when the greeting comes in late. Hindi niya din ito nakakalimutan dahil he treats like a grand celebration. Noong last month nga parang mababaliw na si Reverie dahil sa walang tigil nitong pag-alarm.

Welcome, Player: Grand QuestWhere stories live. Discover now