Special Chapter 7: A Valentines Special

2.3K 188 108
                                    

-special chapter seven-
____________________

"HINDI NGA!" umalingawngaw sa buong cafe ang medyo malakas na boses ni Feure (Feyre). Medyo namumula ito. "G-Ganito kasi 'yon..."

"Fe. Mag-iisang oras na ako dito at hindi pa nakakamove ang story mo mula sa first meeting niyo ni Hex." bagot na tugon ni Reverie (Solace).

"Akala mo ba madali lang sa'kin?!"

Sinamaan ni Reverie ng tingin ang babae. "Bilisan mo na. Kailangan ko pang i-meet si Rae."

Isang ngisi ang sumilay sa bibig ni Feure. Ngunit bago pa ito makapagsalita ay may inilagay na tinapay ang isa nilang kasama sa bibig niya.

Irusu sighs. "Sabihin mo na nga. Bakit ba kasi ako nandito? Sabi mo may bibilhin ka lang." bintang niya kay Reverie.

The girl rolls her eyes. "May binili naman ako. Pagkain. Besides, River is busy."

"Ayoko sa mga chismis."

"E'di umupo ka na lang diyan at uminom ng kape!" singhal ni Feure sa kaniya. "Hindi ko din gusto ang presensiya mo dito!"

Hindi na sumagot si Irusu at inabala na lamang ang sarili sa iniinom. Sinipa ni Reverie ang paa ni Feure sa ilalim kaya mahinang napadaing ang babae.

"Ano na?! So paano naging kayo ni Hex? Niligawan ka rin ba niya dito?"

"Kasi... medyo may past naman talaga kami ni Hex. I mean, dito ha! Hindi naman sobrang deep no'n. Medyo magjowa lang pero hindi, alam mo?"

Umiling si Reverie. "Hindi. So ex niyo isa't-isa?"

"No! We kind of like shared a mutual feeling but did not act on it aside from little flirting." bigla siyang sumimangot. "May something pa kasi sa ex 'yon that time."

"Ano, hindi kayo? Pero magjowa kung mag-act?"

Ngumuwi si Feure. "Medyo?"

"Bakit naman?" kunot-noong tanong ni Reverie.

Isang batok tuloy ang natanggap niya mula kay Irusu. "May feelings nga sila pero hindi ayon sa sitwasyon. Nagmo-move on pa si Hex at hindi nag-act si Feyre kaya naiwan sila sa 'MU' na label kung saan madali lang ang iwanan."

"I still don't quite understand this 'MU' label. If you like each other, why not go on a relationship then?"

"Itanong mo nga 'yan sa sarili mo. Bakit naging kayo ba ni Hiraeth nang malaman mong gusto mo siya?!" singhal ni Feure.

Reverie gasps. "Gusto ko si Rae?"

Surprise forms in her face. Umawang ang labi niya at nanlaki ang mata. She can't believe what she just heard. Does she actually love Rae?

"Hindi mo alam?"

Gulat ding napatingin ang dalawa sa kaniya. They couldn't believe that she can't process her own feelings. Imposible naman sigurong gagawin ni Reverie lahat ng iyon kung simpleng kaibigan lang ang tingin niya sa lalaki.

"I like... Rae." bulong ni Reverie sa hangin.

Nagpatuloy sa pagkain si Irusu at Feure habang tinititigan ang kaibigan nilang kasalukuyan ay may realization. Kung pwede lang muling umingay na hindi maban, Feure would scream cheers and punish her palms for clapping.

Welcome, Player: Grand QuestWhere stories live. Discover now