Epilogue: The Tale of Arth Online

2.6K 236 262
                                    

Warning: Label ba kamo?

jashareen, ble :P HAHAHAHAHA

-epilogue-
____________________

18 Years after the Disappearance of Arth Online...

HINAWI KO ang palad sa mesa at naglaho ang hologram. The class has ended. Students are rushing outside their classrooms, excited na gawin ang mga plano nila after school. I quietly headed outside at nilapitan ang naghihintay na Arthur at Felicity.

"Finally! Natapos na rin ang class mo!" napalingon ako nang marinig ang nababagot na boses ng kuya ni Felicity na si Forrest.

I glared at him. "What is furry boy doing here?"

"Susunduin tayo para sa gathering nina Mama." Felicity sighs. "Nag world war 3 na nga kami kagabi dahil ang kulit nilang dalawa ni Mama!"

"Naa-awa talaga ako kay Tito Hex at si Tita Feure pa napakasalan niya." Arthur comments.

Hindi ako sumali o sumang-ayon dahil wala naman akong paki-alam sa pamilya nila.

"But they are very sweet around each other, kahit na sakit sa ulo si Mama." depensa ni Felicity.

"Ang saya nga ng bangayan nila lagi." tawang-tawa si Forrest.

I blankly stared at him. Talaga bang college na 'to? Ang ingay-ingay kasi. He looks and acts like his mom.

"Bestiessss!"

Mabilis akong umilag sa paparating na yakap ni Risu, ang aking pinsan. It's such a wonder how she is adopted but is exactly Tito River's mini-me. Ngumuso siya nang ang mayakap na lamang ay hangin.

"That's mean, Soleis!"

Tumango ako. "Mm."

Tumingin si Forrest sa relo. "Okay, so si Vysmir na lang hinihintay. Nasaan na ba ang lalaking 'yon? Wengya. Parang ang ama niya lang na pagong kung kumilos!"

Napakalakas ng boses nito. Hindi niya man lang napansin na nasa likuran niya na si Vysmir. This is why I don't call him Kuya. He doesn't act like one.

Ngumiwi si Felicity dahil sa bunganga ng kapatid. Risu chuckles and Arthur face-palms.

"What did you say about Dad?"

Natigilan si Forrest at nawala ang saya sa mukha niya sa isang iglap. Vysmir's cold voice is very scary, at ito ang isa sa mga dahilan kung bakit popular siya sa school. It's a weird thing but I don't really care. Forrest's mouths forms into a grim line. Napalunok siya. Ayan, karma.

Forest blinks. "Please sabihin niyong hindi si Vysmir ang nasa likod ko."

Vys raises a brow.

"Siya." wika ko.

Forrest gives me a 'really' look na sinagot ko ng sariling 'whatever' look. In a second, his nervous face is replaced with determination and fighting spirit. Umikot siya paharap kay Vys. Alam kong isang bangayan naman ang sisimulan niya kaya hinatak ko na ang likuran ng kaniyang t-shirt. Forrest chokes in pain.

"Hindi ba't pumunta ka dito para sunduin kami? Bilisan mo na."

Forrest sighs. "Fine. Will you go on a date with me, then?"

Arthur frowns. "Hoy."

Risu glares at Forrest while Vys kicks the back of his knee. Napadaing siya at inaya na lang kami papunta sa parking lot.

Welcome, Player: Grand QuestWhere stories live. Discover now