BLAME IT ON THE RAIN

2.7K 72 6
                                    

SYNOPSIS

In order to form a battery in baseball, it needs two person— a pitcher and a catcher. Two person who will trust and understand each other. Also, in order to form the word love, it needs two person that are connected to each other. A battery formed in an unexpected situation.

Sa mundong tanggap ang iba’t ibang kasarian, pagmamahalan sa pagitan ng magkaparehong uri, at ang positibong pananaw ng mga tao, mas malayang naipapahayag ang nararamdaman ng bawat isa.

Isang first year college student na si Yulo Castro, isang pitcher na pumunta sa Aixon University para lang maging pitcher ng Aimers Baseball Team. Lumayo sa mga kaibigan para tuparin ang pangarap niya at sundan ang isang catcher na naging inspirasyon niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakatagpo siya ng isang estudyanteng magpapahulog sa kaniyang loob na si Ice Tan, isang third year at ang catcher ng Aimers Baseball Team na may masamang pinagdadaanan.

Ang istoryang mabubuo, ang unang kabanatang parte nito ay tatahakin ang simula sa isang sand baseball field. Isang istoryang susubukin ang pasensiya ni Ice Tan sa mga taong nakakasalamuha ni Yulo Castro. Isang pitcher na ang mitt lang ng catcher ang planong tamaan ngunit tumagos ito hanggang sa pusong nakabukas at malugod na pinapasok. Pilit na inaangkin kahit hindi pagmamay-ari. Pilit na itinatanggi at pilit na ikinukubli ang nararamdaman para lang manatili sa tabi ng minamahal. Saan kaya aabot ang pag-aangkin ni Ice sa hindi niya pagmamamay-ari?

Sa isang sitwasyong hindi inaasahan ay malugod na ipinagtapat ni Ice ang tunay na nararamdaman niya para kay Yulo at nang tinanggap ni Yulo, nagsimula na naman ang panibagong kabanata ng kanilang istorya. Dalawang lalaking magkaiba ang ugali, pag-iisip at pakikitungo ay nahulog na lang sa isa’t isa.

Sa mundong hindi maiiwasan ang problema, isang relasyong susubukin ng nakaraan makakaya kayang ipaglaban? O susuko at bibitiw na lang para sa huli walang sisihan?

“Wanting him isn’t bad especially when I have the rights to do so.”

Blame it on the Rain [B×B]✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz