24: Bruises

317 23 5
                                    

CHAPTER 24: Bruises

Ice’s Point Of View

“NAKITA n’yo ba si Yulo?” Kanina pa ako nagtatanong sa bawat teammate na makasalubong at makita ko pero napapailing na lang ang iba.

Wala sa banyo, wala sa kwarto niya, wala sa field, at wala sa indoor field.

“Nasa cafeteria ang iba, baka nandoon siya.”

Tumango lang ako saka tinakbo ang daan papunta sa cafeteria. Naiinis ako dahil wala man lang akong nagawa kanina at hinayaan kong umalis si Yulo sa tabi ko. Dalawang beses na ito nangyari, kahapon at kanina. Tiyak na nakita niya ang paghalik ni Rachelle sa akin.

Damn that, Rachelle. Kapag nagalit si Yulo sa akin, hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa kanya.

Hindi na muna ako pumasok at sumilip lang sa loob. Kitang-kita ko si Yulo na seryosong kumakain habang nasa harap niya si Rachelle na may malawak na ngiti.

Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila pero halatang hindi ito gusto ni Yulo. I guess, Rachelle keeps on teasing Yulo.

Malakas na ibinagsak ni Yulo ang kutsara sa plato kaya nakagawa ito ng kakaibang ingay saka inis na tumayo at sinampal ng malakas si Rachelle. I can’t help myself to smirk. That’s my Yulo.

Kung pwede ko lang isigaw ang linyang: boyfriend ko ’yan!

“H-how dare you?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Rachelle habang nakahawak sa kanang pisngi niyang namumula.

“Nakakawalang gana. Hindi ako pumapatol sa babae maliban na lang kung kinakalawang ang ugali.” Inis na tumalikod si Yulo kaya agad akong napatago. “Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo sa kwen to mo pero ito ang mga sasabihin ko sa ’yo kaya makinig kang mabuti.”

I sneered. I don’t need to protect Yulo. He’s an idiot but he’s not weak. Napasilip na naman ako.
“Ang bastos mo—”

Galit na nilingon ni Yulo si Rachelle. “Una sa lahat, walang masama sa pagiging isang taong makasarili.” Yulo raised his two fingers. “Pangalawa, alam kong iligal ang underground battle o kung ano pa ang tawag diyan, alamin mo muna kung bakit niya ’yon pinasok bago ka humusga at pinakahuli sa lahat, ano bang klaseng kalawang ang nasa ugali’t utak mo at nangingialam ka ng buhay ng may buhay?”

Underground battle? Damn that Rachelle! May gana pa siyang ikwento ang nakaraan ko.

“Anong klaseng babae ’yon—ay!”

“Yulo, saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap?” tanong ko sa kanya kaya inis niya akong hinarap.

“Sa cafeteria, saka sinampal ko ang ex-girlfriend mo.”

“Bakit mo sinampal? Nagseselos ka ba dahil sa pagdating niya noong nakaraang araw?” Hindi ko na sinali ang halik kanina baka magalit siya.

“Hindi naman talaga maiiwasan ang pagseselos pero inilalagay ko ito sa tamang lugar. At isa pa, hindi ako magseselos sa ganoong babae dahil sa sama ng ugali.”

Nakangiti akong napayuko sa sagot niya. Lalo akong nahuhulog kay Yulo nito.

“At hindi selos ang dahilan kung bakit ko siya sinampal.”

“Ano ang dahi—”

“May test pa ako ngayon kaya magtanong ka na lang sa iba. Wala na akong oras magpaliwanag. Goodbye.”

Lumakad na siya papalayo kaya sumigaw ako, “I’m glad that we met, Yulo. And I’m glad that I fall in love with you.”

Lumingon siya saka ngumiti. “I am also glad. Thank you.” Namumula siyang napatakbo papalayo kaya napaupo na lang ako.

Blame it on the Rain [B×B]✓Where stories live. Discover now