10: Yips

542 37 7
                                    

CHAPTER 10: Yips

Yulo’s Point of View

“A baseball field?” tanong ko kay Alyssa habang nakatingin ako sa field. Malawak, malinis at napakaganda. Hindi na ako makapaghintay na maglaro dito.

“Yes. Magbihis ka na dahil magbabayad lang ako.”

Tumango ako bago tuluyang pumunta sa banyo malapit sa field. Nandito kami ngayon sa hindi ko alam na lugar. Mas kabisado pa ni Alyssa ang syudad kaysa sa akin. Kahit na nakakainis ay ayos lang ang mahalaga ay nakasama ko siya ngayon. Magkano kaya ang bayad ng field na ’to?

Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at tumungo ang field. Nakita ko si Alyssa na nakasuot na rin ng uniform na may tatak na AL, ang team namin no’ng highschool ay Allisyri  Baseball Team kaya napangiti ako habang inaalala ang mga sandaling iyon.

“Parang kailan lang no’ng magkasama tayong naglaro.” Masaya ko siyang inakbayan.

Tinanggal niya ang kamay ko saka seryoso akong tiningnan at binigyan ako ng isang baseball. “We are not here to enjoy.”

Napangiwi ako saka umupo sa upuan. “Alam ko naman ’yon.” Hindi ko lang talaga mapigilan ang saya ko.

“You’re now suffering from yips. Alam mo naman na mabilis ka lang makararanas ng gano’n.”

Napayuko na lang ako. Yips is one of the greatest problem of a pitcher pero iba ako sa ibang pitcher. Sanay na sanay na ako sa yips pero kailangan ko pa rin ng tulong ng iba, ang maganda nga lang ay hindi na ako namomroblema kagaya ng dati. Nakaka-frustrate kayang magkaroon ng yips.

“Mind to tell me the whole story?”

Ito ang dahilan kung bakit kami nagkita ni Alyssa kaya kailangan ko talagang sabihin sa kaniya ang totoo para malaman kung ano ang dahilan.

“Coach Zad said that I’m the starting pitcher and Kotaru will be the catcher. At pagdating sa field, hindi naman ako kinabahan dahil hindi ikaw ’yong batter.” Napatango-tango siya kaya pinagpatuloy ko ang pagkukwento. “Maganda ang simula ko. First inning to the third inning pero sa fourth inning, tumagilid ang sitwasyon. Hindi ko alam kung bakit.” Napapakagat labi na lang ako sa inis. Hindi ko alam kung bakit naging gano’n. Ang plano mo ay mag-pitch sa buong game pero nasira ’yon dahil sa problemang dumating na lang ng hindi ko alam.

“Kailan nagsimula ang pagtagilid?”

Nakikinig ba talaga si Alyssa sa kwento ko? “Simula ng fourth inning.”

“Ano ang nangyari sa dugout noong nag-change?” seryosong tanong niya kaya napaisip ako.

Walang nangyari dahil lahat ay abala. Ang iba ay naghahanda na sa kanilang mga bat samantalang si Jinnrick ay natutulog lang sa gilid ng dugout dahilan para mapagalitan siya ni Coach. Hindi ko rin alam kung paano siya naging relief pitcher. Imposible namang iyon ang dahilan dahil tumatawa lang ako at si Romel sa sitwasyon.

“Walang nangyari! Ano naman ang—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla kong naalala ang isang pangyayari. Bakit ko ba ’yon nakalimutan?

“You’re blushing. What happened?” Uminom siya ng dala niyang tubig. “It’s about the catcher named Ice, right?” Tinaasan niya ako ng kilay sabay lunok sa ininom niya.

“Inabutan niya lang ako ng isang basong tubig at sabay sabing—”

“Nice pitch.” Patuloy ni Alyssa saka ngumisi sabay inom.

Kahit ang init ng mukha ko ay nagawa ko pa rin itong dugtugnan. “M-my pitcher.”

Napaubo si Alyssa kaya mabilis akong napatakbo at hinagod ang likdo niya. “Ayos ka lang ba? Hindi naman ako hihingi ng tubig kaya magdahan-dahan ka lang.”

Blame it on the Rain [B×B]✓Where stories live. Discover now