12: The battery

463 35 4
                                    

CHAPTER 12: The Battery

Ice’s Point Of View

NAGKUHA ako ng gatas sa refrigerator at tumungo sa grupong nagkukumpulan. Nakita ko silang gulat at nagtataka pero uminom lang ako ng gatas. “Tell me about the ghost who only appears every Monday, Wednesday, and Friday.”
Nandito ako ngayon sa cafeteria at alas nwebe na ng gabi at higit sa lahat ay wala pa silang balak na bumalik sa kani-kanilang kwarto.

“Ngayon lang kitang nakitang chismoso, Ice.” Umupo si Levi sa tabi ko habang umiinom ng mango juice. “Mahal mo na ba ang multo na ’yon?”

Siniko ko si Levi kaya napatawa na lang siya.

“Every 10:00PM nag-iingay ang multo.” Dilat na dilat pa ang mga mata ni Martin habang nagkukwento. “Iyon nga lang ay MWF. May schedule!”

Sinabayan na ng iba ang pagtawa ni Martin habang nakatingin na sa kanila si Kotaru ng masama at dali-dali itong tumungo papalabas.

“Wednesday ngayon, nandoon ang multo mo.”

Kahit na naiinis ay tumayo ako saka sinundan si Kotaru. Alam kong pupuntahan na naman niya si Yulo. “Where are you going? Malapit na ang curfew.”

Huminto siya sa paglalakad saka lumingon. “Nangingialam ka na ng ibang buhay, Ice Tan.”

Napangisi ako. Seryoso talaga siyang aagawin niya ang pwesto ko sa puso ni Yulo. Ang tanong, may pwesto ba talaga ako roon?

“Kotaru! May meeting tayo ngayon. Huwag kang tumakas kundi hindi kita tuturuan!” narinig kong bantang sigaw ni Levi kaya inis na bumalik si Kotaru sa cafeteria habang si Levi ay sumaludo at kumindat lang sa akin.

I shook my head because of how much Levi supported me. I slowly went to the vending machine then I hid myself. I saw Yulo’s arrival while still looking at an advertisement poster attached to the wall that was covering the box.

“Ayos!” masayang usal niya saka nag-pitch na. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kaniya pero napawi ito nang makita kong may kumausap sa kaniya na hindi ko kilala. At sino naman siya para pumasok sa teritoryo ng baseball club?

Patuloy lang sila sa pagkukwentuhan habang tumatawa pa. Narinig kong nagpaalam na ang lalaki at tumungo sa pwesto ko kaya napatago agad ako. Nang makita ko siyang nilagpasan ako ay agad ko siyang sinundan.

“Hey.”

Napalingon siya habang nakakunot ang noo niya. Wala akong sinayang na oras at hinila ang leeg niya saka idiniin siya sa pader. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakasakal ko pero mas diniinan ko pa ito at pinanlisik siya ng mga mata.

Napatawa akong napailing. Wala akong balak na kilalanin siya at naiinis ako sa pagmumukha niya. “Kung sino ka man, layuan mo si Yulo habang maaga pa.” Inis ko siyang isinalampak sa sahig at tumalikod na. Narinig ko pa ang pagmura niya habang umuubo.

Bumalik na agad ako kay Yulo bago pa ako maunahan ni Kotaru. Inis kong sinuntok ang pader. I really hate that Kotaru...

“I-Ice? Okay ka lang ba?”

Agad akong lumingon at si Martin ang nakita ko na nakatingin ngayon sa kamao ko. “Alalahanin mo na importante ang kamay mo saka Ice, nakita ko ang ginawa mong pagsuntok sa lalaki kanina.”

I frowned on what Martin said. I saw the man that is now standing beside Martin while scratching the back of his neck.

Bumuntong-hininga si Martin. “Ice, this is my boyfriend and he’s one of Yulo’s friends. Hindi kita kayang suntukin dahil ganiyan din ako dati kaya naiintindihan ko ang sitwasyon mo kahit na naiinis ako.”

Blame it on the Rain [B×B]✓Where stories live. Discover now