08: Studying with Him

572 39 9
                                    

CHAPTER 08: Studying with Him

Ice’s Point Of View

BUONG MAGDAMAG akong nag-aral sa lessons na tinulugan lang ni Yulo. Dahil konti lang ang nakopya ni Romel ay nagse-search pa ako para madagdagan ang kaalam ko.

“Mapapahiya ako nito kapag wala akong maituro sa kaniya.” Inis kong sinara ang mga notebook saka tumayo at nag-unat unat. “Kaya ko ’to.”

“Hindi ko akalain na ganiyan ka ka-motivated na mag-aral ng hindi mo naman subject.” Binuksan ni Levi ang hawak niyang energy drink saka uminom.

“Shut up, Levi.” I forgot that Levi is here. I can feel the coldness in my palms. Hindi ako mapakali. Hindi naman ito ang first time na makakapunta si Yulo.

Napailing na naman siya saka ngumisi sa akin. “Namumula na naman ang mga tainga mo. Ilang minuto o oras na lang ba ang hihintayin mo at makakasama mo na siya?”

Agad kong hinawakan ang tainga ko saka sinipa ang paa niya. “Umalis ka na nga!”

“Aalis na ako kapag nandiyan na si Yulo. Supporter mo ako pati si Coach Zad sinusuportahan ka idagdag mo na rin ’yong kapatid ko.” Tinapos na niya ang iniinom niya kaya napapunta na lang ako sa kama saka humiga.

Anong oras kaya pupunta si Yulo?

“Sabi rin ni Coach na ilalagay niya si Yulo sa starting player para sa practice game.”

Agad akong napatayo at ngumiti pero napawi rin ito sa sinabi niya. “But you’re not the catcher."

Hindi na naman ako? And they talked about supporting me. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Coach. Alam ko na alam niya na ang kakayahan ni Yulo ay pwede na maging starting pitcher.

“Ang practice game bukas ay para sa mga first years. Alam mo na, para sa experience.”

Alam kong ganito si Coach Zad. Ganito ang pamamalakad niya. Ang hindi ko lang matanggap ay bakit ako umaasang magiging catcher ako ni Yulo. Matagal pa bago ko siya masalo.

“Huwag masyadong ikunot ang noo. Suportahan mo na lang siya.”

Kahit hindi mo sabihin Levi, sinusuportahan ko na siya ng palihim. Every training ni Yulo, sumisilip na lang ako sa bullpen kahit na nakakainis ang pagmumukha ng Kotaru na ’yon.

Nakarinig kami ng katok kaya tumayo na si Levi at nagpagpag. “Oho. He’s here.”

Yulo’s here. Narinig ko ang tawa ni Levi nang makita niyang inayos ko ang higaan ko saka ang nag-organize sa mga librong nandito sa lamesa at pinagpagan ang couch. Baka kung ano pa ang masabi ni Yulo.

Levi opened the door and then Yulo’s smiling face appeared to us while carrying notebooks.  Even though he was smiling I didn’t smile at him.  He greeted Levi and so did Levi to him.

Levi ruffled Yulo’s hair and then he looked at me before heading out. “Huwag kang kampante. Kalaban mo ’yong catcher.”

Damn you, Levi.

“Pwede bang pumasok?” Tumango ako kaya pumasok siya at sinarado ang pinto. Shit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Papaupuin ko ba siya?

“U-umupo ka na.”

Nakangiti lang siyang nakatingin sa figurine at hindi sinusunod ang inutos ko. “I’ll give you that figurine kapag naipasa mo lahat ng subjects mo.”

Agad siyang napatayo at nangningning na naman ang mga mata niya. “Ano pa ang hinihintay mo? Mag-aral na tayo!”

Ilang oras ko rin siyang tinuruan. Sa tuwing inilalapit niya ang mukha niya sa akin upang makita ang itinuro ko ay napuputulan na lang ako ng hininga. Pilit kong pinipigilang huminga kapag nasa malapit siya. Natutuyo na rin ang lalamunan ko pero hindi ko kayang tumayo at uminom. Damn. Hindi ako makaka-concentrate nito at hindi ko rin alam kung may natutunan ba siya.

“May naintindihan ka ba?” tanong ko pero hindi siya sumagot at ngumiti na lang. Hindi ko ba naipaliwanag nang maayos? Mali ba kaya ang naituro? Mabilis lang ba ang pagtururo ko?

“Oo, mas naiintindihan ko. Ang galing mo naman.” Napakunot ako sa matagal niyang sagot.

“Pinag-aralan mo na ’to?” Tinuro ko pa ang mga notebooks ko at ang mga bond papers na ginamit namin para sa mga solutions.

“Ah, oo,” nahihiyang sagot ni Yulo saka malumanay na ngumiti. “Ang kaso nga lang ay hindi ko maintindihan ang notes ng kaklase ko at nang humiram naman ako kay Romel, sinabihan niya lang ako na hindi siya nagkopya.”

Nagsinungaling si Romel kay Yulo? Why? Mabuti na lang at hindi ko inilabas ang notes ni Romel.

He rested his head on the table why his left hand is playing the pen. “Ang hirap kapag matalino ang kaklase mo, hindi mo mahihingian ng notes.” Tinuro niya ang mga notes. “Kailangan ko ’tong ipasa para makasama sa practice game saka mapapasakamay ko na ang figurine na matagal ko ng hinahangad.”

“Bakit mo ba gustong-gusto ’yang figurine?” I am really annoyed by Yulo’s face when looking at the figurine as if it was a diamond that he couldn’t dare not to stare.

“Hindi lang ang figurine kundi ang tunay na Dente Ostin ang gusto ko!”

I hissed on his answered. I don’t know if I really want to give him the figurine. Pinagnanasahan niya ang isang figurine pero mas pinagnanasahan niya ang tunay nito.

“He’s a catcher, nanggaling din siya rito sa Aimers Baseball Team.”

“Kaya ka ba pumunta rito?” Hindi ko maiwasang itaas ang boses ko. Gusto lang itaas ang boses ko sa kaniya ng hindi ko alam. That’s the reason why he’s here, he wants to be part of the baseball team where his oh-so called idol was part of.

Nanlaki ang mga mata niya saka mabilis na umiling at napaiwas. “H-hindi. Iba ang dahilan ko.”

“Ano ang dahilan mo?”

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong malaman. Lahat ng players ay may mga rason kaya alam ko rin na may rason siya.

“A-ano...” Hindi siya makatingin sa akin nang maayos saka inayos ang mga pinag-aralan namin kanina saka kumaripas ng takbo. “W-wala! Matutulog na ako!”

Nagtataka lang akong nakatingin pintong nakasarado na. What was that? Hindi ko alam pero namula na lang siya bigla. Bakit ba siya namumula? Ganoon ba niya kagusto si Kuya Dente?

Blame it on the Rain [B×B]✓Where stories live. Discover now