06: Quality Time

563 40 13
                                    

CHAPTER 06: Quality Time

Yulo’s Point Of View

“SABI ni Coach na maglalaro ako ngayon!” Kanina pa ako nag-iingay sa kwarto ni Ice. Hidni ko akalain na iiwanan ako nina Coach Zad. Ang seryoso pa niya nang sinabi niya na ako ang starting pitcher sa practice na ito pero hindi man lang ako ginising para hindi ako ma-late. Nagtatampo na rin ako kay Romel dahil siya lang ang nag-iisang roommate ko tapos iniwan niya lang ako?

“You need to learn signs.”

“Ayoko nga!” Naiinis na rin ako kay Ice. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nandito. Pagkagising ko ay si Ice na lang ang tao at pinapunta niya ako rito dahil may sasabihin siya. Akala ko naman ay mahalaga pero paulit-ulit na lang siya sa Science. Nakakasawa na.

Nakita kong tumaas ang kilay niya. “Bakit ayaw mo?”

“Sumasakit ang ulo ko sa Science na ’yan.” Sinambunutan ko pa ang sarili ko. Kapag naaalala ko ’yon ay hindi ko mapigilang mandiri. “Kapag naaalala ko ’yong nakaraan ko ay nakakaawa talaga. Lagi na lang akong zero.”

“Anong zero ang pinagsasabi mo?”

“Mathematics major ako at hindi Science. Halata namang ayaw ko sa science at saka bakit ko ba kailangang matutunan ang Science?” Humiga ako sa kama niya. “Graduate na ako riyan.”

“Damn. Tanga nga pala itong kasama ko,” narinig kong bulong niya saka pinatayo ako at pinaupo sa couch. Nakita ko siyang may hinilang maliit na white board.

“Before we proceed, mind to introduce yourself?”

Napakamot ako sa ulo ko. Kilala na namin ang isa’t isa. Ayaw ko na sanang magpakilala pero nakita kong magkasalubong ang mga kilay niya kaya ngumiti ako. “I’m Yulo Castro. I love flowers but ayaw ko sa Science. Nineteen years old na ako. Naging pitcher ako since highschool pero pinch hitter ako noong elementary.”

Nakita ko siyang patango-tango. “So, that’s why you can hit a pitch. And why are you wearing a wrist band?”

Agad kong itinago sa likod ko ang kamay kong may wrist band at pilit na tumawa. “Saka, noong bakasyon ay nagpa-practice ako bilang fielder.” Sasabihin ko na lang ang tungkol sa akin dahil wala namang masama kaysa tuturuan niya ako sa Science. Nakakamatay ng utak ang Biology lalo na sa part na genetics, sa Chemistry naman, ay sumasakit ang utak at mata ko, ang daming letter c, h at o kapag nagfo-form na ng formula. May pa structure-structure pa at numbers na hindi ko alam kung saan nanggling.

“Why did you practice as a fielder?”

Umayos ako ng upo. “May nakapagsabi sa akin na puwedeng hindi ako makasali sa laro.”

Kitang-kita ko namang nagulat siya pero mabilis siyang nakabawi. “Kung sino man siya ay sobrang practical niyang mag-isip.”

Napatango ako. Tama nga si Alyssa. iba ang college baseball sa highschool. Nakasalamuha ako ng maraming pitchers, si Kuya Levi, si Jinnrick at ’yong mga pitcher ng kalaban namin kahapon. Kuya Levi was their ace last season at parang ngayong season din. Magagaling silang lahat at ’yong kakayahan ko ay hindi college level. Nakakalungkot isipin na kahit pitcher ang gusto mong posisyon, may posibilidad na hindi mo ito makukuha.

“Kahit na hindi ako ang pitcher, ayos lang sa akin kahit anong posisyon basta makapaglaro ako ng baseball.”

Ice’s Point Of View

Yes, he’s an idiot but he’s a typical baseball nerd. Hindi ba niya alam ang kakayahan niya bilang pitcher? He doubted his self.

“Ice? Anong gagawin mo sa white board?”

Hinila ko ang isang upuan sabay upo at humarap sa kaniya. “I’ll teach you some catcher’s signal.” I don’t want to used the word signs anymore. He’s an idiot.

I saw him nodded slightly. “Tuturuan mo pa ako? May signs akong alam.”

Tumaas naman ang kilay ko. Did he mean Science?

Nakita kong tinaas niya ang dalawa niyang daliri at parang may bolang hinahawakan saka ipinakita sa akin. “Two-seam fastball.”

Nagulat ako sa sinabi niya dahil may alam siyang sign pero iba ang sign na ginagamit niya sa amin.
“Who taught you that signs?”

“Si Alyssa. Siya ang kauna-unahang catcher ko at siya lang din ang naging catcher ko na nagbibigay ng signs.”

Alyssa? A girl?

Ngumiti si Yulo habang nakatingin sa mga daliri niya. “Our signs will depend on what grips I’m going to used.”

“Huh? Why?” Ngayon ko lang nalaman na may ganoong signals.

“Sabi niya na ang tanga ko raw at makakalimutan kaya mas maganda raw kapag ang signs na ipapakita niya ay kung anong grip ang gagawin ko.”

Sa sobrang lawak ng pagkakangiti niya ay halos mapunit na ang bunganga niya. Siya lang ang catcher niya na gumamit ng sign. So, their battery is beyond limits?

“I want to learn those signs.”

“Exclusive ’yon para sa battery namin!”

I stared at him with a scowl on my face when he objected. Ganoon ba kahalaga kay Yulo ang battery nila at ayaw niyang bitiwan?

“May kontrata ba ’yan?” Pinilit kong hindi siya sigawan. Wala akong karapatang magalit pero hindi pa nga kami nakaka-form ng battery sa isang official match ay hindi na niya ako pinagkakatiwalan.

“Oo. Pang-habang buhay!”

“Just tell me o hindi ka makakalaro.”

Hindi ko na alam kung saan ito patungo. Nakita ko siyang napayuko saka napanguso na lang. Ilang minuto rin ang lumipas pero hindi pa siya nagsasalita.

“Napatahimik ka?”

He flashed a half smile. “Wala. Gusto kong sa amin lang ’yon at wala ng makakaalam na iba.”

I hit my forehead softly. Fine, importante ’yon sa kaniya. Hindi ka dapat mainis, Ice. Wala kang pakialam sa lalaking kausap mo.

“Dahil ayaw mo akong turuan ay tuturuan kita sa mga signs na gusto ko—”

“Tuturuan na kita!” Tumayo pa siya at saka inurong ang couch palapit sa akin saka kinuha ang baseball na nasa side table. “Nakakatamad kayang mag-aral.”

Pinakita niya ang kamay niya na may hawak na baseball. “Just imagine na wala ang baseball.” He made a circle using his thumb and index finger then he put the ball at the center of his three other fingers and he showed it to me. A change-up?

“A change-up sign!”

Tumango na lang ako kaya pinagpatuloy na niya ang pagpapakita ng mga grips. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at nakatitig lang ako sa mga mata ni Yulo. Masaya niyang ipinakita ang mga grips. Sa pagtuturo niya sa akin ay enjoy na enjoy siya pwera na lang kapag naaalala ko kung sino ang nagturo sa kaniya ng mga signs. Babae pa talaga.

“Gusto kong gumawa tayo ng bagong signs!”

“H-ha? Ang hirap kayang mag-explain at ipakita sa ’yo ang mga grips!”

Blame it on the Rain [B×B]✓Where stories live. Discover now