30: Preparing

354 22 7
                                    

CHAPTER 30: Preparing

Ice’s Point Of View

“Did you miss me?” nang-aasara na tanong ko kay Yulo nang sinagot niya ang tawag ko. Break namin ngayon kaya agad ko siyang tinawagan. I want to see Yulo so badly.

“Hindi naman.” Dahil sa sagot niya ay napawi ang ngiti ko sa labi.

“What? But why?” This Yulo is really something! Ngayon pa lang ako nakakilala kang taong kagaya niya. Napatawa na lang ako. He’s really different.

“Makikita naman kita bukas.”

Napangiti ako sa tono ng boses niya. Halatang-halata na nakanguso na siya ngayon. “What are you doing right now?” hindi ko maiwasang tanong nang makarinig ko ng kalampag sa kabilang linya.

“Naglalaro—ah! Tumigil ka na muna, kausap ko si Ice.”

“Yulo Castro!” Sinigawan ko na talaga siya. Is he cheating on me? He suddenly moaned and—damn!

“Ice Tan?”

Inis king dinampot ang bat ko saka mabilis na tinungo ang locker room. “Wait for me and I’ll kill that bastard! You’re messing with someone when I’m not around?”

“M-messing? Naglalaro lang kami ni Icy.”

At ano naman ang nilalaro n’yo?

“Is that a boy?”

“Oo naman—ouch! Huwag kang mangagat, Icy.”

Mangagat? May nangangagat na pala sa kanya except sa ’kin?

“I’m going back and if I ever see that guy on our room! I’ll fuck you in front of him!” Galit kong dinampot ang bag ko saka mabilis na inayos ang gamit ko. Hindi na ako makakapaghintay ng bukas, kailangan ko ng umuwi!

“W-wait! Huwag ka munang uuwi!”

“What the hell are you saying! Bakit ’di mo naman ako pinapauwi?”

“Huwag kang uuwi! Bukas ka na umuwi at huwag ngayon—tigilan mo na ang pagdila sa akin, Icy!”

“Idiot! Kilala mo ba kung sino ang kausap mo ngayon?”

“Syempre, ikaw si Ice Tan, ang catcher ng Aimers Baseball Team at boyfriend kita. Magtatanong ka pa ba kung ano pa?”

“Yeah, I’m your boyfriend but you’re cheating on me!”

“Hala? Huwag mo akong pagbintangan Ice! Hindi na ako nakaka-cheat simula highschool hanggang ngayon!”

“Then, what are you doing right now?”

“Hindi mo na kailangang malaman pa—aray!” Nakarinig ako ng mga kalabog. “Ang sakit ng balakang ko. Huwag kang pumatong Icy!”

“Yulo Castro! Who’s that fucking Icy?”

“H-huwag mo ng kilalanin pa. Ibababa ko na, lilinisin ko pa ang sarili ko at si Icy.”

Bakit naman siya nauutal? “Yulo—”

He ended the call? Fuck! Mabilis kong isinukbit ang sling ng bag ko.

“Where do you think you’re doing?”

“Uuwi na ako.”

Alyssa sighed. “Bukas ka na makakauwi.”

“Yulo’s cheating on me!” sigaw ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

“Pang-ilan mo na ba ’yan?” She rolled her eyes. “Hindi ko akalain na matitiis ni Yulo ang ugali mo. Ang seloso mo masyado to the point na hindi naman kailangan.”

“You don’t deserve him. You really don’t deserve Yulo in the first place.”

Napatigil ako sinabi ni Alyssa. I don’t deserve him?

“I don’t know if you trust him—”

“I trust him!”

“Then get rid of those fake thoughts running through your head, dumbass catcher.”

Dumbass what?

Yulo’s Point Of View

“Icy, huwag kang malikot. Nag-aaral ako rito kung paano mag-bake. Bukas na ang birthday ni Ice kaya dapat ma-perfect ko na bukas.”

Patuloy lang sa pagtahol si Icy. Napuno na rin ng flour ang apron at damit ko nang nadulas ako kanina nang tumawag si Ice. Paano kung uuwi si Ice rito ng biglaan? Hindi mangyayari ’yon dahil kasabwat ko si Alyssa. Tiyak na hindi niya hahayaang makauwi si Ice.

“Bibili pa ako ng regalo at mga ingredients para sa mga pagkain bukas—” Malungkot akong napangiti matapos kong matikman ang niluluto kong cake pero sa huli failed pa rin. “Pang-ilan ko na ba ’to?”

“Yulo?”

Agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang magandang mukha ng mama ni Ice. “Tita Freya!”

“Kailangan mo ba ng tulong?”

“E-eh?” Hindi ba ngayon ang flight niya?

“I cancelled my flight. I know, you’re preparing for Ice’s birthday. I want to help you!”

“Huwag ka po munang—”

“This is... this is a mess!”

Napakamot na lang ako sa ulo ko sa naging reaksyon ni Tita Freya pero kalaunan ay tumawa na rin.

“Ang sarap balikan ang mga araw kung saan ganito rin ang ginagawa ko para sa ama ni Ice,” nakangiting saad ni Tita Freya saka tumingin sa akin. “Mahal na mahal mo talaga ang anak ko. Ginagawa mo ang lahat para sa kanya.”

Blame it on the Rain [B×B]✓Where stories live. Discover now