03: Sand Baseball

762 56 9
                                    

CHAPTER 03: Sand Baseball

Yulo’s Point Of View

“TAMA na ’yan!” Inagaw ko ang atensiyon ng mga kalalakihan ngayon ay nasa isang field. Dali-dali akong pumunta sa kanila. Tinignan lang nila ako pagkatapos ay nagsagutan na naman.

“Ang hina n’yo naman! Hindi mo pa kayang magdala ng kasama.” Kinuwelyuhan ng payat na lalaki ang maliit na lalaki kaya mabilis kong tinanggal ang mga kamay niya.

“Anong grade na ba kayo?”

“Grade 12!” Halos sabay-sabay na sagot nila.

“College na kayo next year pero ang mga ugali n’yo ay parang elementary pa.” Hindi ko maiwasang sawayin sila. May nakikita akong iilan na mga elementary students na nagsusuntukan na akala mo ay nasa isang championship ng boxing na kailangan ipanalo.

“Huwag kang makialam! Labas ka sa away namin.”

“Let’s settle this with baseball.” Ngumiti ako saka pinulot ang baseball na nasa field. “A team only needs 2 runs to win. Hindi na natin ifa-follow ang paglalaro ng 9 ininings.”

“Nagpapatawa ka ba?”

Napakunot ang noo ko saka ibinigay sa lalaking payat ang baseball. Baseball ang tawag sa bolang ginagamit sa paglalaro baseball. “Mukha ba akong nagpapatawa?”

“Walo lang kayo—”

In playing baseball, you need 9 players each team pero dahil kinapos itong mga lalaking nandito ay walo lang kami.

“Okay lang ’yon sa akin.” Humihirit pa kasi e. Siyam silang lahat pero ang payat lang ang dada nang dada na animo’y kambing na napaulanan. Pumunta ako sa isang bench at inilagay ang mga dala ko at bumalik agad. “Kapag nanalo kami, lulubayan n’yo na sila,” tinuro ko ang pitong lalaki na nasa likod ko ngayon, “at kapag nanalo kayo, kayo na ang bahala kung ano nag gusto n’yo.”

Nagtinginan silang siyam saka sabay na napatango at napangisi. “Kapag nanalo kami ay tatakbo kayo sa field ng walang saplot.”

“Iyon lang ba?” Parang hindi naman fair ang kapalit. Masyadong mababa ang gusto nila.

“Maglalaro din kayo!”

Napatango ako. Ito ang pagiging pantay. Ang hirap kayang lumayo kaysa maghubad. Nanood na lang ako sa siyam na lumayo sa akin.

“M-maghuhubad?” nanginginig na tanong ng maliit na nasa likod ko kaya lumingon ako at kitag-kita ko ang takot at pangamba sa mga mata nila. “Magagaling sila. Hindi natin sila kaya.”
Ngumiti ako sa kanila nang malapad. “You need to trust yourselves. Alam kong may ibubuga kayo.”

“W-walang pitcher sa amin.”

Maganda ’yon dahil ayokong may kaagaw sa mound pero ayos lang sa akin kaapg marami ang pitchers na mas magagaling kaysa sa akin. Ngumiti na naman ako sa kanila. “Don’t worry. I’m a pitcher.”

Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa saka napapangiwi. Napakamot na lang ako sa ulo. Alam kong hindi sila naniniwala na isa akong pitcher. Nag-aalala rin ang mga mukha nila. Ang suot ko lang naman ay black shoes habang naka-white shirt saka naka-jeans habang sila ay naka-uniform na komportable para sa baseball.

“Huwag kayong mag-aalala. Ayos lang sa akin kahit na ganito ang suot ko.”

Napaginhawa naman sila ng sabay. “Wala rin kaming catcher—”

“Alam kong marunong kayong sumalo.”

Napataas ang kilay ng isa. “How about the signs?”

Napakamot ako sa batok ko. Nakakahiyang sabihin pero wala akong magagawa kundi ang sabihin sa kanila ang totoo. “To be honest, I’m a pitcher who doesn’t need signs to pitch. I’m just going to pitch the ball where the mitt is.”

Blame it on the Rain [B×B]✓Where stories live. Discover now