26: Truth

335 24 11
                                    

CHAPTER 26: Truth

Yulo’s Point Of View

“Happiest birthday, Yulo.” Nakangiting bungad ni Phersimone sa akin habang may hawak na cake.
Birthday na birthday ko ngayon pero wala akong ganang mag-celebrate dahil kay Phersimone. “Please lang, tantanan mo na kami.”

Lagi na lang niya akong pinapapunta sa apartment niya at binubugbog pero ayos lang sa akin, para din ’to kina Ice. Ayokong mawalan na naman ng mahalaga sa buhay.

Tumawa siya ng marahan saka inilagay ang cake sa lamesa. “Hiwalayan mo muna si Ice at bumalik ka sa akin.”

“Ayoko na nga—”

Inilapag niya ang cake saka ngumiti sa akin. “Nalaman ko na mag-isa lang si Ice sa apartment niya at mag-isa lang siya sa dorm.”

“Huwag mo siyang sasaktan—”

“Kapalit ng katawan mo.” Napayuko ako habang napakagat sa labi. Hindi ko magawang sumagot sa gusto niya. Hindi ko mapigilang manginig sa tuwing naaalala ko ang bangungot na nakaraan ko na pilit ko ng inililibing.

“Bakit ’di ka makasagot? Ayos lang ba? Ayos lang hindi ba?” Marahas niyang hinila ang braso ko saka hinalikan ang leeg ko. “Walang namang mawawala sa ’yo.”

“Hinding-hindi ako gagawa ng hindi maganda sa likod ni Ice!”

“Ano ba ang tawag ng ginagawa mo ngayon?”

Napakuyom ang kamay ko sa sinabi niya. Ayokong malaman ’to ni Ice.

“Hindi mo sinabi sa kanya na nakikipagkita ka sa ex-boyfriend mo.”

“Pagod na ako, Phersi—”

“Pagod? Hindi pa nga tayo nagsisimula!” Sinakal na naman niya ako. Sakal, suntok, sampal, sipa, ano pa ba ang kulang para tantanan na niya ako?

“H-hindi ako makahinga...”

“Huwag kang umiyak!” sigaw niya sa akin. Tanga ba siya? Mapipigilan ko ba ang luha ko sa pagtulo? “Sinabing huwag kang umiyak!”

Galit niya ang isinalampak sa sahig at galit na tinapon ang nga pagkaing nakahanda sa iba’t ibang sulok ng apartment.

“Umalis ka na!” Halos mabingi ako sa lakas ng pagsigaw ni Phersimone.

Kahit na hindi niya ako sigawan ay aalis talaga ako at ito na ang huling araw na magkikita kami. Dali-dali akong tumakbo papalabas dala ang jacket ko saka isinuot ito. Dilikado kapag nakita ako ni Alyssa. Magkatabi lang sila ng apartment ni Phersimone at ayokong madamay na naman siya.

Dalawang taon na ang lumipas nang sinunog ni Phersimone ang equipment room ng Allisyri Baseball Team. At sa panahong iyon ay dalawa kaming nasa loob dahil sa kagagawan ni Phersimone: ako at si Dwayne.

Kapag naaalala ko ang pangyayaring ’yon ay sinisisi ko ng paulit-ulit ang sarili ko sa pagkamatay ni Dwayne. Hindi lang pamilya ni Dwayne ang sinaktan ko kundi pati na rin si Alyssa pero ni isa sa kanila ay hindi ako sinisi sa pagkawala ni Dwayne at hinding-hindi ko ’yon matatanggap!

Napahinto ako sa isang playground na nadaanan ko. Umupo ako sa swing saka napatingala at napangiti nang mapait. Pati ang kalangitan ay sumasang-ayon sa nararamdaman ko. Ni isang bituin man lang ay wala akong makita.

Sa sobrang tahimik ng kapaligiran ay makakapag-isip talaga ako ng maayos. Una, sasabihin ko na kay Ice ang totoo. Wala na akong pakialam kung magalit o kamuhian niya ako. Napakabigat lang isipin at napakabigat dalhin ang mga sakit na hindi ko kayang ipalabas.

“Bakit ba ako nagdudusa? Kung hindi ko ba minahal ang isang taong sobrang sama ng ugali ay hindi hahantong sa ganito?”

Unti-unting tumulo ang luha. Hindi na ako nag-abala pang punasan ang mga ’to. Dalawang taon kong dinadala ang sakit at pilit na tinatago sa likod ng pagngiti ko pero hindi ko na kaya. Pagod na ako.

Blame it on the Rain [B×B]✓Where stories live. Discover now