09: The Call

519 39 10
                                    

CHAPTER 09: The Call

Yulo’s Point Of View

NANDITO ako ngayon sa isang upuan na nasa gilid ng vending machine. Napatingala na lang ako sa mga bituin at pilit na huwag alalahin ang nangyari sa game kanina. 10:00PM na kaya alam kong natutulog na ngayon ang mga players. Kinuha ko ang cellphone ko saka hinanap ang pangalan ni Alyssa saka tinawagan ito. Marami akong gustong ikwento at itanong, siya lang ang una kong malalapitan maliban sa dalawa ko pang kaibigan. Ilang minuto rin bago niya sinagot kaya ako na ang unang nagsalita.

“I played in a game and—”

“And you didn’t pitch until the end?” Pinutol niya ang sasabihin ko. Ang boses niya ay halatang kagigising pa lang.

“P-paano mo nalaman?” Hindi mo maiwasang magtaka at mamangha. May lahing manghuhula yata ’tong si Alyssa. Hindi ko siya narinig kaya nagtapat na lang ako. “T-the batters overwhelmed me.”

“You’re just too happy and excited to play.” Napangiwi ako. Tama lahat ng sinasabi niya. “You overwhelmed yourself.”

“A-ano ang gagawin ko?” Alam kong alam na niya ang problema ko. Madalas akong nakakaranas ng sitwasyon na sobrang saya at excited ko.

“Do you want to meet me?”

May sayang nabubuhay sa puso ko pero kalaunan ay nangitim na naman ito dahil sa layo niya. Alam ko naman ns gusto niya lang pagaanin ang loob ko pero umaasa akong magkikita kami. “A-akala ko ba nasa probinsiya ka nag-aaral?”

Narinig ko ang munting tawa niya sa kabilang linya. “I didn’t said that. Wala pa ako sa school dahil may inaasikaso pa ako.”

“Huwag mong sabihin, nag-aasikaso ka na dahil ayaw mo ng mag-aral? Kahit tamad ka, kailangan mo pa ring mag-aral.” Narinig ko lang siyang nagmumura habang tumatawa. Alam ko kung gaano katamad si Alyssa kaya posibleng gusto na niya talagang tumigil. Dati pa siya laging nagsasabi na titigil na siya dahil wala naman siyang pangarap..

“I will help you tomorrow. Alam kong wala kayong training.”

“Stalker ba kita?” Nasa tabi-tabi lang siguro si Alyssa at hindi niya sinabi sa akin o hindi kaya hindi siya sa probinsiya nag-aaral.

“Nalaman ko kay James.”

“Naglalaro ka pa ba ng baseball?” Ayoko ko munang ibaba niya ang linya. Gusto ko pa siyang makausap dahil hindi naman siya mahilig magkwento.

“Oo naman.”

“Ayos lang ba ang mga kalaban mo sa probinsiya?” Ayaw na ayaw niya sa mga kalarong hindi niya gusto ang ugali. Natatakot lang akong masangkot na naman siya sa isang away.

Narinig ko siyang tumawa. “Kapag sinagot ko ang tanong mo ay iiyak ka na lang. Nasa probinsiya nga ako pero lahat sila ay magagaling.”

Napakunot ang noo ko. “Saan ang nakakaiyak doon? Expected na ’yon dahil sa probinsiya tayo nanggaling.” Hindi ko maiwasang maging proud. Sino naman ako para i-degrade ang pinanggalingan ko?

“Pfft. Lumalaki yata ang ulo mo?”

“Kapag ikaw ang kausap ko.” Si Alyssa ang tipong hindi mo mapapatawa nang mabilis. Sa sobrang seryoso at misteryoso ay para na lang siyang hangin kung minsan sa mga gala namin dahil laging pagod.

Nagpaalam na si Alyssa dahil matutulog daw siya ulit kaya nagpaalam na rin ako.

“Yulo?”

Agad kong tinago ang cellphone ko sa likod at tumingin sa tumawag sa akin. “K-Kuya Levi?”

“Sino ang kausap mo?”

“K-kaibigan ko.” Napatayo ako saka napaatras nang lumapit siya. Papagalitan kaya niya ako?

Napakunot ang noo niya habang napapangiwi. “Bakit ka natatakot?”

“B-bawal bang gumamit ng cellphone rito? O bawal hindi matulog ng 9:00PM?” Sa pagkakaalam ko ay ang curfew namin ay 9:00PM iyon ang sabi ni Romel tapos lagpas 10:00PM na.
Malalaman ni Kuya Levi na hindi ko binasa ang rules at regulations ng baseball team at puwede niya akong isumbong kay Coach. Kapag nalaman naman ni Coach, papagalitan ako at may posibilidad na hindi na ako makakasali sa team dahil simpleng rules lang ay hindi ko pa nasunod idagdag pa ang performance ko kanina sa laro.

“Oo. Kaya ako nandito para kunin ng phone mo at kailangan mo ng matulog. Huwag kang mag-aalala dahil ibabalik ito pagkatapos ng training bukas at hindi ko sasabihin kay Coach.”

Napabuntong hininga na lang ako at binigay ang cellphone ko saka tumungo na sa kwarto.

Ice’s Point Of View

Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko nang makita kong nakalayo na si Yulo habang nakabusangot ito.

“Gusto mong makilala kung sino si Alyssa? Tawagan mo.” Levi handed the phone but I didn’t bother to get it. Wala akong oras para kilalanin ang mga taong hindi parte ng buhay ko. Hindi ko rin ugaling makichismis tungkol kay Yulo.

“Mga kaibigan niya ba ’to?”

Lumaki bigla ang tainga ko sa sinabi ni Romel na ngayon ay nakatingin sa wallpaper ng phone ni Yulo.

“Saan si Alyssa dito? Ang astig ng grupo nila, may dalawang babae.”

Agad kong binawi ang phone. Lima silang lahat sa wallpaper tatlong lalaki at dalawang babae. Lahat sila ay nakasuot ng isang baseball uniform at my mga gloves, bats at bola na hawak. Lahat sila ay may malapad na ngiti. Maganda ang uniform nila, itim ang kulay habang ang letra na nasa kalawang dibdib ay may mga letrang AL. Napakunot ang noo ko habang inaalala kung saan ko ’to nakita. Pamilyar na pamilyar sa akin ang mga letra.

Tinungo ko ang call history at tinawagan ang nasa pinakauna na ang nakalagay ay A. A means Alyssa? Nakikisilip lang din si Levi at pinindot ang speaker hanggang sa sinagot ito.

“Who’s this?” Boses ng babae ang sumalubong pero ang boses ay halatang naiirita. Pareho kaming nagkatinginan ni Levi sa tanong ni Alyssa. How did she know?

“Huwag na kayong magtaka kung bakit ko alam na hindi si Yulo ang tumawag. Si Yulo ang unang nagsasalita kapag tumawag siya.”

“Si Alyssa ba ’to?” tanong ni Levi habang ang mukha ay hindi maipinta.

“Yes, Levi Bernal.” Walang halong birong sagot ni Alyssa dahilan para mapalingon-lingon ako sa paligid. Baka nanonood lang siya?

“K-kilala mo ako?”

“Hindi ko alam kung bakit nasa inyo ang phone ni Yulo. Alam ko rin na nandiyan si Ice Tan.” Napaayos ako ng tayo. This is creepy.

“Huwag kayong matakot. Hindi ako stalker o manghuhula. Alam kong magkaibigan kayo at alam ko na si Ice ay laging nakabuntot kay Yulo.”

Huh? I’m not a dog to follow him around and it’s just coincidence. Yes Ice, it’s just all a coincidences. You did nothing wrong. Hindi ka bumubuntot sa Yulo na ’yon dahil wala kang rason para gawin ’yon.

“Ice Tan, bakit gusto mong pumasok sa buhay ni Yulo? Pasalamat ka at si Yulo ang tipong tanga na kahit ang obvious na nga ng paligid ay hindi pa rin niya malalaman kung hindi sasabihin nang maayos.”

“What’s your point?”

“You like him.” Three words, one statement, and not a question so I didn’t know what to say. Sa pagkakasabi lang niya ay parang sigurado na talaga. Bakit ba ang dami nilang nagtatanong? I only like him because he’s my pitcher!

“I don’t love him!” Hindi ko man kilala itong Alyssa ay kung makipag-usap siya sa akin ay parang kilalang kilala na niya ako.

“I didn’t said love, but you trapped yourself. You can’t escape anymore.” I heard her smirked. “Wanting him isn’t bad unless you have the rights to do so.”

Rights?

Blame it on the Rain [B×B]✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat