17: Avoiding while burying feelings

434 30 3
                                    

CHAPTER 17: Avoiding while burying feelings

Yulo’s Point Of View

“YULO!” Humarang si Ice sa harap ko habang nakakunot na naman ang noo at nakasuot pa ng mask. Inis niya itong tinanggal. “Why are you avoiding me?”

“Bakit naman kita iiwasan?” Pinilit ko pang ibaba at hinaan ang boses ko para ’di tumaas. Iyon lang ba ang problema niya?

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso lalo na kapag naiisip ko ang pagtapat niya noong nakaraang linggo.

“Iyan din ang gusto kong malaman. It’s been fucking one week!” Niyugyog niya ang magkabilang balikat ko. Hindi ako makasagot. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Isang linggo ko na rin siyang iniiwasan dahil sa pagtatapat niya at sa naging sagot ko. Bakit ba kasi sorry ang lumabas sa bibig ko?

Hindi ko naman ’yon sinasadya. Sadyang kinabahan lang ako dahil ang astig niyang nagtapat sa kanya. Seryoso ba siya ro’n?

“Yulo? Bakit ayaw mo na akong maging partner?”

Napabalik ako sa reyalidad kaya napaiwas ako at napakagat labi na lang. “Iyon ba?”

“Oo!”

“Hindi kita iniiwasan. Wala lang akong oras sa iyo,” nakayukong saad ko kaya kitang-kita ko ang paghigpit ni Ice sa paghahawak sa mask. “Wala akong oras sa iyo dahil sinabi ni Coach Zad na dapat si Kotaru ang catcher ko sa practice.”

Kahit na sa totoo lang ay ako ang humingi ng permiso kay Coach na kami na muna ni Kotaru ang partners saka si Levi at Ice naman talaga ang main battery kaya ayos lang ’yon.

Inangat ko ang tingin ko saka binigyan si Ice ng pekeng ngiti. “Sige, maiiwan na kita. Kapag may oras ako ay sasabihan kita na maging catcher ko.”

Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sa pinagtapat niya dahil hindi na niya ito binabanggit pa. Lumalapit nga siya at nagagalit pero lahat ng ’yon ay dahil lang sa baseball. Paano ko malalaman kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya kung isang beses niya lang pinakita at sinabi?

Maraming bumabagabag sa isip ko pero sa kalagayan ni Ice ay hindi siya namomroblema sa nangyari. Kaya mahirap maniwala sa sinabi niya.

Ayos lang sa siguro sa kanya ang sinagot ko...

Ice’s Point Of View

“Got rejected again?” salubong na tanong ni Levi sa akin habang pinapaikot ang baseball sa mga daliri niya.

“Why do you care?” Bumalik na ako sa pwesto ko saka inis na sinuntok ang loob ng glove para linisin ang utak at puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin.

“Oho! I don’t care about you. I cared about our team. You’re affecting our plays.”

Alam ko. Bumabalik na rin ang nakaraan ko. Ako na naman ang magigig dahilan ng pagkatalo namin lalo na kapag nagsimula na ang season. Next week na ang opening ng season kaya kailangan kong ayusin ang sarili ko.

He suddenly pitched and thankfully I caught it. I glared at him but he just smirked. “You need to be honest to your heart, Ice. I know you want to confess, just do it already to get rid of that frustrations and jealou—”

“I’m not jealous!” Inis kong ibinalik sa kanya ang baseball sa yumaka ulit.

“You need to make him yours. That’s my only advice I can give you.”

I caught the ball and played it on my fingers. I keep the ball rolling as my eyes staring at it. Ang buhay ko ay parang baseball na ’to. Kapag walang taong nagpapagalaw nito ay nakahinto lang ito na parang walang buhay. Yulo, galawin mo rin minsan.

“I confessed.”

“Confessed? Kayo na ba?” Lumapit si Levi saka kinuha ang baseball sa kamay ko at lumakad na ulit sa pwesto niya pero napahinto ito sa sinabi ko.

“He rejected me.”

“Oho. Seryoso?” Tumawa pa siya pero halata na pinilo niya lang maging masaya. May malaking problema ngayon si Levi pero pilit niya pa ring pinapalakas ang loob niya pagkatapos ay inaalala pa niya ang pagiging heartbroken ko.

“You rushed it.”

Inis kong ginulo ang buhok ko. “Yeah and worst, I don’t know what to do since he’s avoiding me.”

“Wow. Ice, you’re too fast. Dinaig mo pa si Flash kaya ka na-reject. Kailangan mong isipin ang time, date and the weather,” pangaral niya sa akin kaya napakunot ang noo kong nakatingin sa kanya at ’di na lang sumagot sa walang kwentang pinagsasabi niya.

“Akala ko may pagtingin din si Yulo sa ’yo.”

Narinig ko siyang may sinasabi na naman pero ’di ko maintindihan. “May sinasabi ka ba?”

“Wala. Ano ang plano mo? Heartbroken ka na ngayon.” He gestured me to stand so I did it. I head to the vending machine and select a milk.

As I sip I talk nonchalantly, “Heartbroken? Yeah, on that day when I confessed.”

“Huh? Heartbreak isn’t easy to fix unless your feelings for Yulo aren’t real.” Ininom niya ang kape.

“My feelings for him are real.” Hindi ko alam kung paano siya nakakaisip ng maayos. How can he judge my feelings for Yulo? Kape nang kape kahit na ang init ng panahon kaya iba na ang naiisip.

“Then why? Parang ’di ka nagluluksa?”

“Magluluksa? Bakit ko naman ’yon gagawin?”
Napaubo pa siya saka uminom at iniluwa sa akin kaya dali-dali akong umiwas. “What a jerk!”

Fuck this asshole! Kadiri.

“My confession for him is just like a trial and error. If he rejects me, it’s an error and I will try again until he accepts me.”

Moving on and giving up aren’t the options. There are many options and one of them is the try again.

“Engineer din naman ako pero hindi ako ganiyan mag-isip. Trial and error? Lessons lang ’yan at hindi connected sa love.”

Blame it on the Rain [B×B]✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora