Paika ika siyang naglakad paalis.

Nagbalik ako kay Brent na kasalukuyang nakikipag agawan ng baril.

"Hoy taong mukhang lupa." Agaw pansin ko sa kaagaw niya.

"Bitawan mo 'yang patalim mo o papasabugin ko ulo mo?" Pananakot ko.

"Tsk. Sinong tinakot mo?" Sabi niya pa at itinutok pa ang kutsilyo sa leeg ni Brent.

"Ah ganun?" Tinutukan ko siya ng baril. May nararamdaman pa akong presensiya sa likod ko kaya patango tango ang sumasakal kay Brent.

Nang umaaray na si Brent dahil sa natutusok na siya ng patalim ay huminga ako nang malalim.

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Walang tatlong segundo akong umikot para paputukan ng dalawang beses ang nasa likod ko at kaagad naman itong bumagsak.

Hindi ako nag aksaya ng oras at pinatamaan ang magkabilang binti ng lalaking sumasakal kay Brent. Napaluhod naman ito habang iniinda ang paa. Si Brent naman ay pinupunasan gamit ang panyo sa leeg niya kung saan may maliit na sugat.

Nilapitan ko ang lalaki. "Ako pa tinatakot mo? Kahit tuluyan mo 'yang lalaking 'yan. Wala akong pake. Kaso kapag namatay 'yan, konsensya ko pa." Sabi ko dito at umalis.

"Why so harsh, 107?"

"Manahimik ka, Zamora."

Nasa ikalimang palapag na kami. Nangangalay na ako sa pagpapaputok ng baril kaya naman ay nakipag suntukan nalang ako. Lugi nga lang ako dahil wala na akong suot na bulletproof vest.

"Nakatakas ka pala ang Amazona." Nilingon ko ang nasa likod ko. Kaboses niya 'yung sumampal sa akin.

"Hoy tabachoy! Bakit ka lumalapit sa kamatayan mo? Atat ka?" Sabi ko at inilabas ang baril ko.

"Matapang ka dahil may baril ka. Pero sige, para patas." Inilabas niya ang patalim niya.

"Tsk 'para patas'. Utak mo patatas." Sinipa ko ang kutsilyong hawak niya kasabay ng pagsipa sa mukha niya.

Napahiga siya sa sipa ko. "Aray!" Sigaw niya pa.

"Tayo."

"Amazona ka talaga 'no!"

"Sabi ko tayo!" Sigaw ko.

Hirap man ay tumayo siya. Bago pa man siya makatayo ng maayos ay sinapa ko uli siya sa mukha dahilan para mapadapa siya. Tatayo pa sana siya ng sipain ko ang likod niya. Kaagad akong lumuhod para posasan siya.

"Yabang mo!" Sigaw ko pa.

"Pakyu!" Bulyaw niya saakin.

"Pasamalat ka pa at binuhay pa kita. Pero 'di bale, mabubulok ka sa kulungan at hindi kita pagbibigyan nang abogado. Ganyan ang naaabot ng mga sumasampal saakin, naiintindihan mo?" At iniwan ko siya.

Pagtalikod ko ay sinipa niya ang paa ko dahilan para mapahiga din ako, pagbukas ng mga mata ko ay may lalaking handa ng pumalo ng malaking cocolumber saakin kaya kaagad akong gumulong at pinaputukan ito ng baril.

"Are you okay?" May naglahad ng kamay saakin at nang lingunin ko ito ay mukha ni Brent ang bumungad saakin.

Hindi ko 'yon tinaggap at tumayo ako mag isa.

"Hindi mo dapat inaaksaya ang oras mo para lang tulungan ako sa ganitong klaseng sitwasiyon." Sabi ko pa.

"I'm trying to be nice here." Sabi pa niya.

Yes, I'm a Secret Agent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon