Chapter 18

198 4 0
                                    

ALEX'S POV

I opened my eyes at nakita ko si Mang Carding na natutulog sa tabi ko. Nasan si Alshane?

All I remember is pumunta ako kila Jenny at nakita ko si Alshane dun then sumakay kami sa kotse ko. So that means nasa ospital ako ngayon...

"Si Alshane?" Tanong ko kay Mang Carding na kakapasok lang sa loob ng room ko.

"Ser, umalis na po kanina pa. Pero babalik daw po siya mamaya." Sabi nito.

"San siya pumunta?"

"Hindi ko po alam ser ee. Ayaw niya nga pong magpahatid." Tumango nalang ako.

Sana bumalik siya dito. Namimiss ko na siya ee. Wala naman akong pake kahit ilang bugbog, pasa, sugat at suntok pa ang matamo ko, basta makasama ko lang siya...

Ilang beses ko na rin kasing sinubukang tumakas sa Mansyon pero lagi akong nahuhuli kaya bugbog sarado ako. Pero buti nalang at nakatakas ako sa impyernong yun!

JESHANE'S POV

Nasa school ako ngayon. Maaga akong umalis nang ospital para hindi ako ma-late. Ang panget naman kasi kung unang araw ko palang late na agad ako, diba? Pero babalik pa naman ako sa ospital. Yun nga lang hindi ako magpapakita kay Alex.

Hindi kasi pwede... Lalala lang yung sitwasyon. Hangga't kaya ko siyang iwasan gagawin ko.

Mababait naman yung mga kaklase ko dito. Makukulit din sila. Pero mas gusto ko talaga dun sa Meteor Academy, dun kase matatagal na kaming magkaka-batch kaya di na kayo magkakailangan.

Ayoko talaga sa lahat yung na-o-OP ako. Kaya naman kinausap ko agad yung katabi kong girl sa right side, lalake naman katabi ko sa left side.

"Hello Ate!" Bati ko habang nakangiti. Nginitian niya din naman ako.

"Hi!" Bati niya.

"Miss wag kang nakikipag-usap diyan baka magkaron ka ng germs." Bulong ng lalaking katabi ko.

"O TALAGA?! KWENTO MO SA TURTLE NA MAY CONDO!" Sigaw naman nung babae. Jusme! Feeling ko matatanggal na yung eardrums ko sa sigaw niya ee. Kanina okay naman siyang kausap pero nung nag-usap sila netong lalake parang nasa palengke lang sila.

"Wag kang makikipag-usap diyan. Baka mahawaan ka ng Ebola." Sabi naman sakin nung Girl.

"Ako nga pala si Christina. Chris for short." She said at nakipag-shake hands sakin.

"Oh Miss, hand sanitizer. Para matanggal yung germs na kumapit diyan sa kamay mo." Inabutan naman ako nung lalake ng hand sanitizer. Di ko naman binuksan kaya siya na yung naglagay sakin. Napa-iling nalang ako. Buti nalang at wala pa yung teacher. Pero parang ang tagal naman yata?

"By the way, I'm Christian. Chris for short." Pakilala niya. Tae! Ano yun?! Dalawa silang Chris?!

"Chris?! So parehas kayong Chris?"

"Yup! I'm the VP Internal." Sabi ni Chris G. I mean yung girl.

"And I'm the VP External." Sabi naman ni Chris B. Yung boy.

Natawa naman ako sa pangalan nila. Aakalain mo talagang kambal sila dahil sa pangalan pero hindi.

"Then I'll just call you, Chris G" tinuro ko yung girl. "At ikaw naman si Chris B" sabi ko naman dun sa boy.

"I'm Jeshane. You can call me, Jesh for short." Tumango-tango naman silang dalawa.

Nagkwentuhan pa kami about sakin at nalaman ko ring may program palang pinaghahandaan ang mga teachers kaya walang klase ngayon.

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Where stories live. Discover now