Chapter 31

113 3 0
                                    

A/N:
Short update :)
Asahan niyo na po na laging short updates kasi malapit na po itong matapos. 3 chapters to go then epilogue na.

JESHANE'S POV

"NO!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Yesha sakin. Ano nanamang problema neto?!

"Huh? Wag ka ngang sumigaw!" Sabi ko sa kanya at tuluyan na siyang hinila papasok sa loob ng ospital.

Nakakahiya nga siyang kasama kasi naglulupasay siya. Naka-drugs nanaman yata toh! Jusme naman!

"Kasi Jesh! Wag nga!" Umupo pa siya sa sahig habang nakahawak sa braso ko. Seriously? Para siyang batang nagta-tantrums.

Pinandilatan ko naman siya ng mata. Kaya ko naman sakyan lahat ng trip ng babaeng toh, pero sa ngayon...pass muna ako. May saltik na yata toh ee.

"Yesha ano ba! Tumayo ka nga diyan!" Sabi ko sabay hila sa kanya patayo. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito. Pati yung mga guards parang gusto na kaming palabasin.

"Jesh kasi!" Inis niyang sabi at napahawak pa siya sa batok niya. Yung mukha niya parang frustrated na frustrated.

"Ano bang problema mo?!"

"NATATAE KASI AKO!" Sigaw niya.

0_0

Nagsitinginan na lahat ng tao samin. Yung iba natatawa, yung iba naman parang nandidiri.

One word to describe this situation 'NAKAKAHIYA'

YESHA'S POV

Hinila ko nalang si Jesh palabas ng ospital bago pa ako gumawa nang mas malaking eskandalo dun. Whooo!

Sobra-sobra na yung sakripisyo ko para kay Alex ha! Pati pride ko nilunok ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Grabe lang!

"Yesha! Nakakahiya ka!" Sabi sakin ni Jesh pagkasakay namin sa taxi. Uuwi nalang muna kami sa bahay ko. Masyado nang maraming ganap ang nangyari ngayon. I kennat!

"Yeah I know. Wag mo nang ipamukha pa, pwede?" poker-face kong sabi sa kanya. Hayy nako Jesh! Kung alam mo lang na para sayo rin naman yun...tsk!

GELO'S POV

Papunta ako sa ospital ngayon kung saan naka-confine si Alex. Bibisitahin ko lang siya.

Matagal ko nang alam na nasa ospital siya, sinabi sakin ni Mang Carding.

Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya. Bata pa siya para makaranas nang ganito. Tsaka si Shane, isa pa yun siguradong magiging miserable nanaman buhay nun pag nalaman niya yung sitwasyon ni Alex.

Naala ko dati, nung una kong makilala si Shane.

I was only 12 years old when I met her on 4th Grade. Classmates kami, she's always the silent type.

Natatawa nga ako kasi yung mga kabigan niya ang iingay lalo na si Yesha, tapos siya sobrang tahimik.

Naging close kami dahil naging mag-partner kami sa isang group project.

Nalaman ko lang kila Yesha yung tungkol sa childhood sweetheart niya. He must have left Shane, so much happy memories kaya ganun nalang epekto sa kanya ni Alex.

Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ni Alex , as usual nakita ko nanaman yung mga lalaking nakablack na nagbabantay sa kanya. Pero this time wala naman yung lolo niya.

Hindi siya binabantayan para sa safety niya kaya lang siya binabantayan para hindi siya makatakas. Ang sarap bugbugin nung lolo niya, walang pakialam sa kanya.

"Hey!" Tawag ko sa kanya at nilapag yung dala kong prutas sa side table niya. He just smiled weakly at me.

"Pumunta si Yesha dito" Sabi niya. Si Yesha? Alam niya yung sakit ni Alex?

"Alam niya?" Tanong ko. Umiling naman si Alex.

"I guess nakita niya lang ako dito." Tumango-tango nalang ako sa kanya.

"Dude, hanggang kailan mo itatago kay Shane toh?"

"Hanggang sa mawala ako" Napa-iling nalang ako sa kanya. He's crazy. Kung ako yung nasa posisyon niya ngayon, sasabihin ko kay Shane kung anong nangyayari.

Sa totoo lang, sa tuwing magkasama kami ni Shane gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya yung kundisyon ni Alex. Pero wala akong magawa kasi desisyon ni Alex yun. Ayaw ko siyang pangunahan.

"Gelo, alagaan mo si Alshane. Make her feel loved everytime, the way I did for her. Ayokong maramdaman niyang iniiwan na siya ng mga taong mahalaga sa kanya. Ayokong maramdaman niyang wala na ako sa tabi niya." Sabi niya. Tinanguan ko lang siya.

ALEX'S POV

Nag-stay lang ng ilang minuto si Gelo dito at umalis na. Pupuntahan niya daw si Alshane.

Mahirap para sakin na ipaubaya si Jesh sa iba. Masakit makita siyang hawak ng iba. Pero wala akong magawa. Hindi ko siya kayang ipaglaban. Nanghihina na ako, alam ko na yung mga pwedeng mangyari kaya kahit masakit tanggapin na hindi ko na siya makakasama, ibinilin ko na siya kay Gelo.

Alam kong sasaya parin siya kahit wala na ako, maraming nagmamahal sa babaeng yun, at isa lang ako sa maraming taong nagmamahal sa kanya.

Mapaglaro talaga ang tadhana, minsan pasayahin ka pero sa huli ikaw parin naman angang matantalo. Siguro, ito na ang kapalaran ko. All I have to do is, accept it.

Si Lolo, galit parin siya sa pamilya ni Jesh. Wala na akong magagawa dun, hindi ko naman siya kayang baguhin. Pero sa pagkakaalam ko, hindi niya na pinapakialaman ang trabaho ng parents ni Jesh simula nung naconfine ako at naging stable na ang pamumuhay ng mga ito.

Dati kasi hindi makakuha nang matinong trabaho sila Tita at Tito.

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas.
"Lex, we're going to the states later evening" Sabi ni Lolo sakin.

Tsk! Gandang bati niya sakin aa! Ngayon nalang ulit siya dumalawa dito.

"Why?" Cold kong tanong Hindi niya ako masisisi kung ganito yung pakikitungo ko sa kanya.

"Dun na kita ipapagamot." Simpleng sagot niya at umalis na. Tsk! Bakit ipapagamot niya pa ako? Wala naman siyang pakialam sakin!

Nakita niya lang ako simula nung naconfine ako dito. Syempre, makakarating sa kanya yun.

Matagal ko nang tinataguan si Lolo, nahirapan nga akong tumakas sa mansyon nun at nabugbug pa niya ako. Pero thanks to Mang Carding nakatakas ako at nakita ko si Jesh. She brought me to the hospital dahil sobrang nanghihina ako nun dahil sa suntok nang magagaling na tauhan nang lolo ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako hinanap at pinabalik simula nang nakaalis ako sa mansyon. Siguro busy siya. Tsk!

Pupunta kaming states mamayang gabi? Okay lang naman sakin, pabor pa nga sakin yun kasi at least hindi na ako magwoworry kay Jesh, hindi ko na siya makikita.

~~~~~

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora