Chapter 12

191 4 0
                                    

JESHANE’S POV

“Nice one!” sabi ni Jenny sabay hampas sa braso ko. Tinignan ko naman siya ng masama.

“Tarush! Muling ibalik lang ampeg?!” Sabi naman ni Yesha sabay hampas din sa braso ko.

“Leshe! Sabay lang pumasok ee. Binibigyan niyo agad ng malisya? Grabe lungs!” sabi ko naman sabay irap.

Inaasar kasi nila ako, kasi sabay kaming pumasok sa room ni Alex. Mukhang wala pa silang alam na sa amin na nakatira si Alex ngayon. Buti naman, kasi sigurado pag nalaman nila todo asar nanaman sila sa akin. Like OMFG!

After ilang minutes dumating na yung teacher namin.
“Morning Clas!” sabi ni Mam.

“Morning Mam!” sabay-sabay na sabi namin.

“Okay, ibibigay ko na yung project niyo for the 1st grading.”

“Ano po yun Mam?” Tanong nung president naming.

“Sana naman madali lang.” bulong naman ni Jenny. Hayy! Project nanaman.

“Your project is a commercial. I want you to take a short film of a commercial. Gagayahin niyo yung isang commercial. Okay?”

“Sige Mam! Masaya yan!” sigaw naman ng mga kaklase ko. Oo nga masaya yan. Hahaha!

“Submission will be on July 30. No extension.” July 30? Next next week na.

“Pano po yung groupings Mam?” Tanong nung isa kong kaklase.

“By friends!” sigaw namin.

“Bunutan nalang Mam” sigaw naman nung iba. Eto nanaman po kami sa pagtatalo. Kami gusto namin by friends, syempre. Tapos yung iba naman gusto bunutan. Mas masaya kasi pag kasama mo kaibigan mo, tsaka para hindi ka mao-OP sa mg aka-group mo.

“Sige ganito nalang. Itaas yung gusto by friends” itinaas naman namin yung kamay namin. Nagsimula nang magbilang si Mam.

“25” sabi ni Mam. “Okay, by friends tayo!” nagsigawan naman kami. 35 lang kasi kami sa klase.

“Tig ilang members, Mam?”

“Bahala kayo. Isulat niyo name ng members nyo sa ¼.”

“Okay Mam”

Nagsimula nang magsitayuan ang mga kaklase ko para maghanap ng ka-group.

“Jesh! Sali kami sa inyo!” Sabi ni Lyn kasama si Hana. Tumango naman ako.

“Sino pa ba? Tayong lima lang?” Tanong ko sa mg aka-group ko.

“Yun pa oh!” Napatingin naman ako sa tinuro ni Hana. Si Alex. Tsk! Hindi man lang naghahanap ng ka-group.

“Wag na yan!” sabi ko naman.

“Bakit?” Lyn.

“Wala lang.” sabi ko naman.

“Kasi crush niya si Alex.” Pinalo ko naman sa braso si Yesha. Bwiset toh! Natawa naman silang apat sa akin. Wow ha! Tsk! Kaasar!

“Lahat na ba may ka-group? Sino pang wala?” Tanong ni Mam. Nagtaas naman ng kamay si Alex. Siya nalang pala walang ka-group. Kawawa naman, walang friends. Awwww. Hahaha!

“Si Mr. Ocampo nalang pala wala. Sinong may pinaka konting members sa inyo?”

“7 po kami Mam” sagot nung isa kong kaklase.

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Where stories live. Discover now