Chapter 9

255 6 0
                                    

JESHANE’S POV

Pagkatapos ko kunin yung mga records sa may Computer Lab. bumalik na ako sa classroom namin. Wala na yung ibang kong classmates, recess na kasi namin.

Teka… asan na sila Jenny at Yesha? Wag mong sabihing iniwan ako nung mga bruhang yun?! Argghh!
Lumapit ako sa upuan ko, nandun pa si Alex sa upuan niya. Nginitian ko naman siya pero umiwas siya ng tingin. Kinuha ko nalang yung pera at phone ko sa bag.

Pagkakuha ko tumayo din siya sa upuan niya tapos nagkasabay pa kami lumabas ng room. Grabe!Ang cold niya naman sa akin. Huhuhu!

Tinawagan ko nalang si Yesha…

“Hoy bababae!”

“Hoy Girl! San ka na? Nandito na kami sa canteen. Kumpleto kaming lahat dito. Hinahanap ka nga ni Gelo eh. Bilisan mo na!”

“Okay okay! Sige na! Bye!” tapos pinatay ko na yung call.

Lalakad na sana ako nang may humawak sa braso ko. “Shane…” Si Gelo lang pala. So hinanap niya talaga ako?! Hahaha! Ang sweet niya talaga. Ngumiti naman ako sa kanya, ngumiti din siya sa akin. Niyakap niya naman ako bigla.

“Wag mo kong iiwan ha!” sabi niya. Ano bang pinagsasasabi nito?! Tsk! Teka… Alam niya na ba na nandito si Alex?

“Alam ko nang nakabalik na siya…” Nag nod naman ako. “Ano ka ba Gelo! Di nama kita iiwan eh! Ikaw pa! Alam mo namang mahal kita eh!” sabi ko nalang para gumaan naman yung pakiramdam niya.

“Excuse me. Bawal po ang PDA dito…” bigla namang may nagsalita sa harap naming. Napabitaw tuloy kami sa yakap. Tinignan ko kung sino siya. Si Alex pala…

Dumaan siya sa gitna naming tapos bigla niyang sinanggi yung balikat ni Gelo. Di ko alam kung sinasadya niya yun o hindi. Pero bakit parang iba yata siya ngayon? Parang naiinis siya. Ahh ewan!

Naalala ko, mahilig nga pala siya sa away kaya hinila ko nalang paalis si Gelo. Baka kasi bigla pa silang magsuntukan dun eh.

“Sino yun? Ngayon ko palang siya nakita dito ahh! Ang angas naman niya! Tsk!” Gelo

Oo nga pala, di niya pa alam itsura ni Alex. Di ko kasi pinapakita sa kanya kahit picture lang eh. Siya lang yung hindi nakakaalam, sila Zach at James kasi sinabi ko na sa kanila dati yun at nakita na rin nila si Alex sa personal.

Si Gelo kasi yung huli kong nakilala, sabi ko kila Jenny wag na ipakita si Alex sa kanya. Pangalan nalang yung sinabi namin sa kanya.

“Uhmmm… wag kang mabibigla ha! At tsaka wag ka makikipag away ha.” Sabi ko. Alam ko namn na hindi siya pala-away eh.

“Tsk! Di naman ako ganun! Tsaka ayaw mo sa mga ganun diba?! Bakit naman ako makikipag-away? Maliban nalang kung agawin ka sa akin. Makikipag-away talaga ako…” Napalunok naman ako sa sinabi niya. Grabe naman kasi si Gelo eh! Akala mo kami na! Psh! Pero naiintindihan ko namn siya eh.

“Ano kasi Gelo… Yung ano… Yung…”

“Yung?” Putapete naman oh! Di ko masabi eh!

“Kasi… si ano…” Tumigil naman siya bigla sa paglalakad kaya napatigil din ako. Tinitigan niya naman ako sa mata, napalunok nanaman tuloy ako.

“Diretsuhin mo na nga ako Shane” seryosong sabi niya.

“Yung lalaki kanina, siya si A-Alex…” sabi ko habang nakatingin sa baba. Itinaas niya naman yung chin ko. “Tsk! Yun lang pala! Kaya naman pala ang angas niya eh!” tinignan ko siya nang mabuti. Nayabangan nga siya kay Alex kanina. Well, ganun naman talaga siya eeh! Hayys…

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Where stories live. Discover now