Chapter 28

134 3 2
                                    

JESHANE'S POV

Nag-iimpake na ako ng gamit ko dahil sa condo muna ako nila Alex titira.

"Wag ka na kasing sumama sa kumag na yun!" Inis na sabi sakin ni Gelo, nakaupo siya sa kama ko at pinanonood akong mag-impake. Kanina pa ako kinukulit niyan.

Sinabi ko kasi sa kanya pagkauwing-pagkauwi namin kanina galing JS na dun na ako titira kila Alex for a month. Hindi ko alam kung bakit gusto ni Alex na ngayon na kami umalis.

"Hindi ako kumag!" Sabi naman ni Alex sa kanya. Parehas kasi silang nasa kwarto ko. Hayys! Magkasama nanaman silang dalawa.

"Oh talaga? Anong tawag mo sa sarili mo?"

"Tao malamang. Wag ka mag-alala di tayo magka-uri." Sabi naman ni Alex sabay ngisi. Tignan mo toh! Nang-aasar pa. Pag sila nagsuntukan dito! Nako! Di ko sila pipigilan! Tsk!

"So anong pinapalabas mo? Na hindi ako tao?" Halata sa boses ni Gelo na nagagalit na siya. Aish! Makikipag-asaran tapos pikon naman pala. Psh!

Bahala sila dyan! Patuloy lang ako sa pag-ayos ng gamit ko. Bahala sila kung gusto nilang magpatayan. Tsk!

"Wow!" Nag-slow clap pa si Alex at napatayo pa siya sa pagkakaupo. "Buti naman na-gets mo!" Sabi niya habang pumapalakpak. Baliw talaga! Lakas mang-asar. Kung ako kay Gelo, kanina pa yan nasa ospital. Hahaha!

"Fvck you!" Sigaw sa kanya ni Gelo. Buti naman at hindi sila nagsusuntukan sa harap ko. Psh! Dapat talaga hindi sila iniiwang mag-isa.

"Bless you too." Nakangising sabi ni Alex. Aish!

Pagkatapos ko mag-empake lumabas na ako sa kwarto ko. Bahala na sila kung mag-aaway pa sila dun. Pagod ako. Kakauwi lang namin galing JS ee.

Pumasok ako sa sasakyan ni Alex.
"Asan po si Ser, Mam?" Tanong ni Mang Carding.

"Ayun nakikipag-asaran. Tsk!" Sabi ko at ipinikit ko nalang yung mata ko. Hayys! Napagod ako kahit hindi naman ako pumunta sa JS namin. Nakakapagod kasing kasama si Alex ee and at the same time masaya siyang kasama. Hahaha!

*FLASHBACK*

Pumunta kaming Star City ni Alex dahil malapit lang naman yun dito sa Hotel. Pinabili namin ng damit si Mang Carding bago kami pumasok sa loob. Syempre hindi naman pwedeng naka-gown ako habang nagra-rides diba? Edi stunning kami nun. Hahaha!

Nilibre niya ako ng ticket. Aba dapat lang noh! Siya naman kasi nag-aya ee hahaha!

Ang tagal na din nung last time na nakapunta ako dito. Ngayon ko lang mararanasan na makapunta sa isang Amusement Park kasama si Alex.

"Where do we go first?" Tanong niya sakin.

"Ba't ka nag-eenglish?" Tanong ko naman sa kanya. Kasi naman pa-english english pa. Tsk!

"Masama?"

"May sinabi ba ako?"

"Tsk! Tara na nga lang! Bumpcar muna tayo!" Hinila niya na ako papunta sa Bump Car. Agad naman kaming nakasakay kasi wala nang masyadong tao kasi gabi na din.

After that sumakay naman kami sa Anchors Away. This is one of my favorite ride in Star City.

As usual medyo mahaba yung pila, lagi naman ee. Siguro dito nagpuntahan yung mga tao kaya walang pila sa ibang rides.

Then after that bumili muna kami ng pampalit na T-shirt kasi sasakay kami dun sa Wild River.

Pagkatapos nun, as expected nabasa nga kami pero di naman masyado. Nagpalit nalang kami sa CR.

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Where stories live. Discover now