Chapter 6

228 4 0
                                    

JESHANE'S POV

"Unnie! Gising ka na daw! Kakayin na yayo! " Josh, inaalog alog niya ako

"Hmmm... " dumilat na ako at nakita ko si Josh na nagkukusot nang mata niya.

Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo. Pagkatapos ko maligo, wala na si Josh. Siguro bumaba na, bumaba na din ako at naupo na silang lahat pero si Josh nanunuod lang nang TV habang nakahiga sa sofa.

Lumapit ako kay Josh then niyakap ko siya at kiniss sa cheeks, pero teka, may lagnat ba to? Ang init niya eh!

"Good Morning Unnie! " sabi niya nang malamya

"Okay ka lang? "

"Masakit ulo ko "

"Wait lang, kukuha si Unnie nang gamot! "

Pumunta ako kila Momsie

"Oh anak kain na" Momsie

"Nasan si Josh? Pinatawag ka namin sa kanya eh " Dadsie

Di siguro nila alam na may sakit si Josh.

"Nasan po yung tempra natin? " tanong ko

"Anak hindi na pwede sayo yun! Pambata lang yun eh! " Momsie

Ay tanga! Alam ko namang pamabata yun noh!

"Bakit anak? Sino bang may sakit? " Dadsie

"Josh " nagulat sila bigla at sabay napatayo. Ganyan talaga yang mga yan, kapag may sakit kami.

"Nasan si Josh? " Dadsie

"Nasa ref. yung tempra " Momsie

"Nasa sofa si Josh nakahiga " pumunta naman sila dun. Kinuha ko na yung tempra tapos naghanda na din ako nang tubig at bumalik sa sofa.

"Nasan na yung tempra? " tinaas ko yung hawak ko at umupo ako sa tabi ni Josh.

"Ano pong temperature niya? " tanong ko kay Dadsie habang pinapainom ko kay Josh yung gamot.

"38"

Tumango lang ako, pagkatapos ko painumin si Josh pinahiga ko siya sa lap ko at sinuklay suklay ko yung buhok niya gamit kamay ko.

Tumayo naman sila Momsie tapos pumasok sila sa kwarto nila. Siguro may pag-uusapan.

Napatingin naman ako sa orasan namin, Sh*t! 45 mins. nalang! May pasok pa ako! Di pa nga ako kumakain eh!

Tatayo na sana ako nang maalala kong nakahiga si Josh sa lap ko. Paano naman si Josh? Wag na kaya ako pumasok? Si Dadsie kasi may pasok, si Momsie naman maraming ginagawa sa bahay! May tindahan kasi kami dito. Para extra kita na din namin yun.

Pagkaalis lang namin nila Dadsie binubuksan yung tindahan. Tuwing Sabado at Linggo nagtitinda din ako pag wala akong ginagawa.

Paano mababantayan nang maayos ni Momsie si Josh?

Hinintay kong lumabas sila Momsie and after ilang minutes lumabas na sila at lumapit sa akin.

"Momsie /Anak" sabay naming sabing tatlo

Bakit hindi sila mapakali? Anong meron?

"Ikaw muna / Kayo po muna " sabay sabay nanaman naming sabi.

Di na muna ako nagsalita at hinintay ko sila ang mauna. Nagsenyasan pa sila gamit ang mata. Ano ba talagang meron?

"A-anak, a-a-ano ka-kasi " utal utal na sabi ni Momsie

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Where stories live. Discover now