Chapter 15

156 2 0
                                    

ALEX'S POV

"Lex, where are you?" Mariin na tanong ni Lolo sakin. Kausap ko siya ngayon sa phone.

"I'm fine Lo. Nothing to worry about." Bored kong sagot.

"I'm asking where are you?"

"I need to go now. Bye!" Then I ended the call.

He's acting like an overprotective parent again! Hindi niya pwedeng malaman kung nasaan ako ngayon.

Dahil for sure, pamilya nanaman ni Alshane ang guguluhin niya.

I heave a sigh.

"Hey Kuya Alex! Can we go to the payayuran mamaya po?" Tanong sakin ni Josh. Kinalong ko naman siya sa lap ko.

"Oo naman baby!" I cheerfully said.

"Yehey! Sama din po natin si Unnie!" Nakataas kamay niya pang sabi. Natawa nalang ako at tumango-tango.

"Syempre. Dapat laging magkakasama ang FAMILY." I said.

"You'll call me Papa, and you are our baby. You'll call Jeshane, Mama. Is that okay?" I ask. Ngumiti naman siya ng super lapad.

"Yes po Papa!" Nag salute pa siya sakin.

"Baby! Dito ka na muna ha! Papasok na si Unnie!" Sabi ni Alshane kay Josh. Tumango naman ito bilang sagot.

"Yes Mama!" Sagot niya at hinalikan kami sa magkabilang cheeks.

"What? Anong Mama? Diba sabi ko you should call me Unnie?" Tanong ni Alshane sabay pout.

"Then I'll just call you Mama Unnie!" Nag-isip naman saglit si Alshane.

"Hindi ba pwedeng Unnie Mama nalang? I think it sounds better!"

"No!" Agad kong sabi. Napatingin naman silang dalawa sakin.

"Nasa pilipinas ka tas Unnie itatawag sayo? Dapat Mama Unnie nalang!"

"Ang panget naman nun! Mamaya isipin nila na Unnie yung name ko!"

"Basta! Mama Unnie!"

"Unnie Mama!"

"Mama Unnie!"

"Unnie Mama!"

"Okay fine! Mama nalang!" Bigla niyang sagot. I smirked.

"Mam, Ser. Male-late na po kayo sa school." Tawag samin nung driver ko na nakasilip sa labas ng pinto.

"Sige bye baby! Behave ka kay Tita ha!" Sabi ni Alshane kay Josh.

"Opo Mama!" Sagot naman ni Josh at pinisil niya ang magkabilang pisngi ng Ate niya sabay halik dito.

"Hayy namiss ko tong batang to ha! Sige, ako ng bahala sa kanya Jesh!" Sabi ni Tita Jane kay Jesh.

"Thanks po Tita Jane!" Tinanguan lang siya ni Tita Jane. Nginitian ko naman si Tita at hinalikan ko sa forehead si Josh.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay na ng kotse.

Si Manong Driver, ako nagpapasweldo sa kanya kaya naman ako ang kinikilala niyang boss at hindi si Lolo.

Nagpapartime job kasi ako. Wala lang, pampalipas oras. Kesa naman magbarkada ako or maglaro ng mga computer games. At least dun makakaipon ka ng sarili mong pera.

"Ano bang pinagsasasabi mo kay Josh at tinatawag akong Mama ha?!" Masungit na tanong ni Alshane. I shrug.

"Ewan. Ba't ako tinatanong mo?" Inosente kong tanong.

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Where stories live. Discover now