Chapter 33

151 4 5
                                    

JESHANE'S POV

Napahagulgol nalang ako sa iyak habang binabasa ko yung sulat ni Alex. Bakit ganun? Bakit ang hilig nilang mang-iwan?

Hi Alshane... Siguro nakaalis na ako sa panahong binabasa mo toh. I'm going to States. May sakit ako, I'm suffering from Leukemia. Alam kong magagalit ka sakin kasi hindi ko sinabi. But, you can't blame me, ayaw kong idamay ka pa sa problema ko. Ayaw kong mag-alala ka. I want you to be happy.

Remember the day we said our promises to each other? Natupad naman natin yun. Alshane forever diba? Lagi kang nasa puso ko, at alam kong lagi din akong nasa puso mo. Some stories, are meant to end up like our story. Pero wag mong isiping sad ending tayo. Kasi para sakin, Happy ending tayo.

Hindi man tayo sa huli, alam kong pareho naman tayong sasaya sa huli. Be happy, okay?

I love you Jeshane Santos! Take care of yourself...

PS: Be happy with Gelo. He's a Good Guy. I trust him.

Yung sulat niya, feeling ko mawawala na siya. Ang hirap tanggapin. Hindi man lang ako nakapaghanda. Ang sakit-sakit. Nagmukha akong tanga na naghihintay sa kanya, yun pala iiwan niya din ako.

Pero sa totoo lang, hindi naman ako nasasaktan dahil iniwan niya ako. Mas nasasaktan ako kasi may sakit siya, at wala man lang ako sa tabi niya para palakasin ang loob niya. Feeling ko, wala akong kwenta!

"Jesh, wag ka nang umiyak. Ayaw ni Alex na umiiyak ka" sabi sakin ni Yesha habang tinatapik tapik yung likod ko.

"E ano ngayon kung ayaw niya? Wala na naman siya dito. Hindi ko na naman siya makikita pa. Kaya...kahit gaano ako kamiserable ngayon...wala na siyang magagawa pa, para pagaanin yung loob ko..." umiiyak kong sabi.

"Shane, nandito naman kami." Sabi ni Gelo at niyakap ako. Naalala ko yung huling sinabi sakin ni Alex sa sulat. Gusto niya akong maging masaya kay Gelo.

Bakit ang dali sa kanyang ipamigay ako? Feeling ko, para akong isang laruan na pinapamigay pag di na kayang alagaan.

"Matagal niyo na bang alam toh?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Si Gelo tumango, napatingin naman ako kay Yesha.

"Kanina ko lang nalaman" sabi niya. Napatayo ako sa pagkakaupo sa gitna nila at nagsimula nang maglakad palayo.

"JESH!"

"SHANE!"

Tinatawag nila ako pero di ko sila nililingon. I feel betrayed by my friends. Pano nila nagawang itago sakin yun? Hindi naman nila ikakamatay kung sasabihin nila diba?

Oo, masasaktan ako. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa white lies. Yung magsisinungaling ka para sa ikakabuti.

Para kasi sakin, masama ang pagsisinungaling. Kahit ikakabuti pa yan, dapat hindi ka nagsisinungaling. Because lies are equal to trust. Kapag nagsinungaling ka, it means you don't trust them enough.

"Shane!" Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan ako ni Gelo sa braso at ngayon nasa harap ko na silang dalawa.

"Gusto naming sabihin sayo Jesh. Pero wala kaming magawa, desisyon ni Alex yun." Sabi ni Yesha sakin.

"Pucha! Desisyon niya?! Sige, sabihin na nating ayaw niyang ipasabi. Pero may sarili naman siguro kayong mga utak diba?! Kaya niyo na naman sigurong magdesisyon! Kaya niyo na sigurong maisip na mas masasaktan ako, diba?! O baka naman talaga hindi niyo naisip yun kasi wala kayong isip?!" Sigaw ko sa kanila. Nagulat ako nang bigla akong sampalin ni Yesha. Halatang nagulat din siya sa nagawa niya. This is the first time na nasampal niya ako. I deserve it. Alam kong masyado na akong naging harsh. I didn't know my limitations. Nadala ako ng galit ko at masyado akong nasasaktan.

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon