Chapter 5

315 5 0
                                    

YESHA'S POV

Nandito kami ngayon ni James sa canteen. Ewan ko kung bakit di sumabay sila Jenny! Kumakain na kami ngayon.

"Bakit kaya hindi sila sumabay? " tanong ko. Baka kasi alam nang mokong na toh!

"Abah! Malay ko! Ikaw ang kaklase ni Jenny tapos hindi mo alam?! " James

Kahit kailan talaga tong lalaking toh! Aish! Wala ka talagang maaasahan sa kanya! Psh! Bakit ko nga ba to minahal?!

"Ang sabi niya kasi mag c-cr lang siya, mauna na daw ako! Pero hindi naman sila sumunod! Tapos si Jesh naman, kasama si Gelo! " sabi ko

"Baka naman kasama nun si Zach! "

"Oo nga noh! "

"Tsk! Kumain ka na nga lang! " sabi niya at kumain na. Pinagpatuloy ko na din ang pagkain ko.

~~~~~~~~~~

Uwian na ngayon at kasama ko sila Jenny at Jesh papunta sa Locker Room.

Ang awkward! Ang tahimik kasi nila eh! Di ako sanay na ganito kami. Pag magkakasama kami nagsasabunutan kami at nagsisigawan pero ngayon, halos walang umiimik sa kanila! Napipi ba tong mga to?!

At para gumaan ang atmosphere may naisip akong idea!

"Guys! Kain tayo! " Cheerful kong sabi habang binubuksan yung locker ko.

"May gagawin pa ako. " sabay na sabi nila. Bigla tuloy akong nalungkot!

Nilagay ko na lahat nang gamit ko sa locker at napansin kong tapos na sila, ako hindi pa.

"Wait lang hintayin niyo ko! " sigaw ko

"Bilisan mo! " Jenny

"Ang tagal mo naman! " Jesh

Grabe! Bakit ang susungit nila ngayon?!

Pagkatapos kong i-lock yung locker ko tumayo na ako at kinuha ko yung bag ko tapos nagsimula na kaming maglakad. At ang tahimik nanaman nila!

Di ko na kaya ang katahimikan kaya nagsalita na ako.

"So care to share? " tanong ko. Napatingin naman sila sa akin.

"Ano bang problema? "tanong ko ulit. Di kasi sila sumagot.

"Look! Magkakaibigan tayo dito! Kung may problema kayo, pwede niyo naman sabihin sa akin diba? " sabi ko ulit. Bakit ba hindi sila nagsasalita? My Gosh! Mukha akong tanga nito!

Naghintay pa ako nang ilang segundo kung sasagot sila. Pero isang minuto na yata ang nakalipas di parin sila nagsasalita. Naiinis na ako ha!

"ANO BA! WALA BA KAYONG BALAK MAGSALITA? KAUSAPIN NIYO NAMAN AKO! NAGMUMUKHA NA AKONG TANGA DITO OH! " Sigaw ko tapos humarang ako sa harap nila. Tumingin naman sila sa akin.

Tapos biglang napatawa si Jesh pero bakit parang pilit yung tawa niya?

"Hahahahaha! Nakakatawa ka! Wala kaming problema noh!" Jesh

Tinignan ko si Jenny at seryoso siyang nakatingin kay Jesh tapos napa smirk siya. Ano ba talagang nangyayari? Alam kong may mali! Sisiguraduhin kong hindi matatapos ang araw na toh na wala akong alam sa nangyayari!

Napa smirk naman ako kay Jesh! Kasi alam ko ginagawa niya akong tanga eh!

"WAG MO NA NGA AKONG GAWING TANGA JESH! ALAM KO MAY PROBLEMA KA! PWEDE BA SABIHIN MO NAMAN SA AKIN! WAG MO NGANG SINASARILI YAN! " Sigaw ko, nagulat naman siya.

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Where stories live. Discover now