EPILOGUE

272 6 2
                                    

YESHA'S POV

"Happy 18th Birthday Jesh!" Sabay-sabay naming sigaw nila Jenny, James at Gelo.

Isa-isa naming nilagay yung rose namin sa puntod niya. Tig-apat kami ng rose ni Jenny at tig-anim naman sila James at Gelo. Kami na yung nagbigay para sa 18 roses niya.

Nilagay na din namin yung 18 candles na nakapalibot sa puntod niya.

It's been 3 years since namatay si Jesh, and today is her 18th birthday. Sayang...kung buhay pa sana siya ngayon, baka nasa hotel na kami at nagpaparty-party. Sayang hindi na namin siya nakita na magsuot ng gown sa 18th birthday niya, hindi na rin kami nakapagselfie ngayong birthday niya.

Madalas kaming apat na bumibisita sa puntod niya. Ayaw naming nadudumihan yung puntod niya, at pumupunta rin kami dito kapag birthday ko o birthday nila Jenny, Gelo at James.

Kahit wala na siya, nandito parin siya sa isip at puso namin. Hinding-hindi namin siya makakalimutan. Okay na kaming lahat, siguradong yun ang gusto ni Jesh. Ayaw niya kasing may nag-aaway sa barkada.

Nalaman ko ding si James pala yung nagtetext sa akin dati. Kaya pala Dean kasi 'Style' daw by Taylor Swift yung tumugtog nung katext niya ako. Psh!

"Babe, umiiyak ka nanaman..." sabi sakin ni Gelo. Nginitian ko lang siya at pinahid yung luha kong nagsisimula nanamang tumulo. Naiiyak nanaman ako. Naalala ko kasi yung mga memories namin together. Namimiss ko na si Jesh. Alam kong masaya na siya kung nasan man siya.

Oo nga pala, kami na ni Gelo. Tama nga si Jesh, may sparks kami.

Malapit na din kaming mag-1 year ni Gelo. Sila Jenny at James naman malapit nang mag-2 years.

"Alam niyo, naisip ko meant to be talaga sila Alex at Jesh" sabi ni James.

"Oo nga, pati sa kabilang buhay magkasama parin sila..." Sabi naman ni Gelo. Napatango nalang kaming dalawa ni Jenny.

Tama sila, for sure masaya na silang magkasama sa langit.

Alex died 2 months after Jeshane died. Nalaman lang namin last year kay Mang Carding.

Hindi pa namin napupuntahan yung puntod niya kasi nasa states yun.

Si Josh naman nakatira na kila Jenny. Dumalaw na din sila Tita Shane at Tito Josh sa puntod ni Jesh.

Si Tito Josh nalang ang nagtratrabaho sa ibang bansa kasi walang mag-aalaga kay Josh. Nakakahiya din naman kay Tita Jane.

Naaawa nga ako sa parents ni Jesh ee. Kasi hindi na nila nakita si Jesh bago man lang ito pumanaw.

Si Josh hindi na siya ganun kakulit. Syempre, kakulitan niya yung Ate niya. Pero ngayon, medyo okay na naman siya. Tumatawa na ulit pero di na katulad nung dati.

Nakakamiss lang yung mga araw na magkakasama kaming magkakaibigan. Yung mga times na kumpleto kami.

Yung mga times na nandyan pa sisiya Jesh, si Zach, at si Alex.

Oo nga pala, si Zach nakakausap na ulit namin. Pero nandun parin siya sa Australia, pero sa philippines siya nagbabakasyon pag bakasyon na.

Syempre nasaktan siya nung malaman niyang sila na pala nila James at Jenny. Mahal niya pa pala si Jenny pero wala na siyang magagawa kasi may iba na tong mahal ee.

Natutunan niya nalang din tanggapin katulad ng pagtanggap ko. Kasi sa pagtanggap, dun mo lang mahahanap yung happiness mo.

Wala pa naman siyang girlfriend. Focus daw muna siya sa studies niya.

Yung dating bahay nga pala nila Jesh, binenta na nila Tita. Mahalaga yung bahay na yun para sa kanila pero binenta na nila kasi, wala na din daw naman titira.

Malulungkot lang daw sila pag dun pa sila tumira.

"Guys, balik tayong school!" Masiglang sabi ni Jenny. Nagsitayo na kami at naglakad na palayo sa puntod ni Jesh...

Goodbye Jeshane Santos...
You will forever be miss...

Be happy with Alex...
Be happy with your Childhood Sweetheart...

~~~~~
A/N:

Natapos ko rin! Salamat sa lahat ng sumuporta nang story na toh!

Siguro para sa inyo, tragic yung ending. Pero para sakin Happy Ending parin siya.

Lahat naman sila masaya, pati sila Alex at Jesh magkasama na sa kabilang buhay.

I'm just being a realist..
Bihira lang po ang nakakaligtas sa Leukemia, at bihira lang din ang makakaligtas pag nabangga ka ng 16 wheeler truck. Himala nalang po yun!

Si Zach naman, as I said sa Australia na sila for good.

Yun lang po! Thanks!

Please also read my other stories!
*Single But Engaged [Completed]
*Kidnapped [On-Going]

BELLEANNE22

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Where stories live. Discover now