Chapter 2

558 8 0
                                    

*Kring Kring Kring* (Alarm Clock)

"Hmmm... Unnie patyayin mo yung kanya" (Unnie patayin mo yung kanta) sabi ni Josh, katabi ko kasi siya matulog kagabi...

Tumayo naman ako para patayin yung alarm clock, nasa side kasi ni Josh yung alarm clock kaya hindi ko maabot...

Pagkapatay ko nang alarm clock natulog ulit ako

Pero ilang segundo lang may padabog na nagbukas nang pinto, nagulat tuloy kaming dalawa ni Josh, umiyak pa tuloy siya! Hayy, sino ba kasi yun? Di ko naman kasi tinignan kung sino, nakapikit parin yung mata ko

"Hoy Jesh! Gumising ka na, nandito na yung Boyfriend mo! Male-late ka na sa school!" si Momsie pala yung nagbukas nang pinto eh, si Gelo yung sinasabi niyang boyfriend ko, gustong-gusto niya kasi si Gelo para sa akin, at dahil nga maingay na bumangon na ako at hanggang ngayon iyak pa din nang iyak si Josh

Niyakap ko naman si Josh at pinunasan ko yung luha niya gamit yung damit niya, nakapikit pa ako habang pinupunasan ko siya! Kasi sobrang inaantok pa ako eh...

"Stop Crying na Josh" sabi ko at pinunasan yung luha niya...

"Unnie, that's my nose!" sabi ni Josh at tinabig pa yung kamay ko! At dahil nga nakapikit ako hindi ko makita kung ano yung pinupunasan ko..

"Ooppss! Sorry Josh! Inaantok pa kasi si Unnie eh" sabi ko

"Okay lang po Unnie, nagulat lang naman ako kay Momsie eh" Josh

"Sige sama ka na muna kay Momsie, maliligo na si Unnie eh, may school pa kasi si Unnie!"

"Dito nalang muna ako, Unnie! Please? " Josh, at nagpuppy eyes pa! Sino ba namang makakatanggi sa ganito ka-cute na bata diba?

"Okay fine! Pero higa ka lang diyan ha! Wag kang magulo sa room ni Unnie habang naliligo ako, okay? " sabi ko, tumango naman siya

Pumunta naman ako sa closet ka at kinuha yung uniform ko tapos isinabit ko na siya sa CR sa kwarto ko tapos pumasok na ako sa CR at naligo

Pagkatapos nang ilang minutes tapos na ako maligo kaya nagbihis na ako tapos lumabas na ako nang CR, pagkalabas ko nakita kong natutulog nanaman si Josh, nilapitan ko siya at hinalikan sa noo then kinurot ko yung cheeks niya pero hindi naman masyadong madiin, para hindi siya magising...

Bumaba na ako at nakita kong nakahanda na yung pagkain at nakaupo na si Momsie, Dadsie at si Gelo, sanay na ako na dito kumakain si Gelo nang almusal, minsan lang siya hindi kumakain dito

Okay lang naman kila Momsie na dito siya kumain eh, kasi nga diba gusto nila si Gelo para sa akin? Ang bata-bata ko pa pinagbo-boyfriend na nila ako! Huhuhuhu!

Umupo na ako at siyempre katabi ko si Gelo, tapos kaharap ko si Dadsie katabi naman niya si Momsie, umaga din kasi ang pasok ni Dadsie kaya sabay kami laging umaalis, actually siya naman talaga ang naghahatid sa akin gamit yung kotse namin, sumasama lang si Gelo sa paghatid!

Minsan nga iniisip ko baka naman gusto lang maki-kain ni Gelo at magpa-hatid sa school! Pero siyempre hindi siya ganun! Mas mayaman kaya sila sa amin!

Habang kumakain, biglang may narinig kami na nagsara nang pinto siguro nagising na si Josh...

Pagkababa niya, siyempre ako agad ang hinahanap niya! Diba sabi ko naman sa inyo, mas mahal ako niyan kesa sa parents namin? Hahaha! Pero mahal na mahal niya pa din naman sila Momsie, sadyang mas mahal niya lang ako...

"Nasan si Unnie? " Josh, kinukusot-kusot niya pa yung mata niya! Ang Cute!

"Josh nandito si Unnie, bakit? "

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Where stories live. Discover now