Chapter 29

123 3 0
                                    

YESHA'S POV

"May problema ka ba sakin?!" Tanong sakin ni Jenny. Nandito kami sa room ko. Nagulat ako nang sabihin sakin ni Mommy na nandito siya. Actually, I didn't expect her to come here. Ngayon nalang din ulit kasi siya pumunta dito.

I look at her emotionless "Wala" Cold kong sagot. I don't know what's happening to me. Basta, kinakain ako ng selos. Hindi ko inexpect na ganito ang magiging epekto ng selos ko. Hayys!

Wala kaming pasok ngayon kasi kahapon yung JS namin. Actually meron talaga kaming pasok, pero sa tingin ba nila may papasok pa?! Duhh! Malamang mga pagod kami.

"Hindi na kita kilala Yesha..." umiiling niyang sabi. Medyo teary eyed na din siya. Aish! Masyado na ba akong harsh?!

"Hindi mo naman talaga ako kilala." Sagot ko sa kanya.

"Dahil ba kay James?!" Napatingin naman ako sa kanya. Ugh! Bakit kailangan niya pang banggitin pangalan nun?!

"You don't care!"

"Yesha please naman... ganun-ganun mo nalang ba itatapon yung friendship natin?!"

"Hindi ako ang nagtatapon. Ikaw!" She look at me in disbelief.

"Pakshet naman Yesha! Don't put the blame on me! Sa ilang years ng friendship natin ganun-ganun nalang?! Nang dahil lang diyan sa selos mo itatapon mo nalang ng ganun kabilis?! Hindi ko inakalang ganyan kakitid ang utak mo!" Naiyak na siya habang sinasabi yan. Tsk! Ako pa ang makitid ang utak?!

"At hindi ko rin inakalang ganyan ka ka-insensitive sa feelings ko!" Hindi ko na napigilan at napaiyak na din ako. Masakit para sakin na nag-aaway kami. Naging parte na siya ng buhay ko.

"Yesha ikaw ang insensitive sa feelings ko! Alam mong kailangan ko ng karamay, pero wala ka nung mga panahong yun! Dahil kinakain ka ng selos mo!" Ako pa ang sinisi niya?! Wow lang!

"Oh sige sabihin na nating nagseselos ako! Alam mo naman pala, ba't di mo pa siya nilalayuan?!"

"Hindi ko gagawin yun, at kahit kailan hinding-hindi ko magagawa yun. Dahil hindi ako katulad mo! I won't leave our friendship dahil lang sa isang makitid na utak katulad mo!"

"Umalis ka na..." yan nalang ang tanging nasabi ko at binuksan ko na yung pinto ng kwarto ko.

"Pag umalis ako dito, aalis na din ako sa buhay mo." Sabi niya at hinawakan niya ako sa braso. Hindi ko siya tinitignan kasi baka ano pang magawa ko sa kanya.

"Umalis ka na!" Sigaw ko pero hindi siya gumagalaw. Nakatingin lang siya sakin habang nakahawak sa braso ko.

"Yesha kailangan ko pa bang lumuhod sayo?!"

"Ang sabi ko umalis ka na!" Ipinagtulakan ko nalang siya palabas ng kwarto ko dahil ayaw niya namang lumabas.

"Yesha! Buksan mo toh!" Sigaw niya at kinakatok-katok niya yung pinto.

"Umalis ka nalang pwede?!"

"Okay Fine! Ayoko na! Sawa na akong suyuin ka kahit wala naman akong kasalanan! I was trying to save our friendship pero mukhang wala ka na naman yatang pakialam dun! Tandaan mo, simula ngayon hindi na kita kaibigan. Salamat sa lahat, sa mga memories natin together. Salamat kasi naging isa ka sa mahalagang tao sa buhay ko. Thank You and Goodbye Yesha!" Narinig kong sabi niya at naramdaman kong umalis na din siya.

Hindi ko na napigilan at napahagulgol nalang ako. I'm sorry Jenny...

JENNY'S POV

Umiiyak akong lumabas sa bahay nila Yesha. Ang sakit lang.

MY CHILDHOOD SWEETHEART ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ