Special Chapter

10.1K 527 162
                                    

This will be the first and last special chapter for "Will You Ever Notice?". 

I wasn't sure kung ano ba talaga ang ilalagay ko sa special chapter. Pero in the end, I just wrote what I wanted to see from Lael and Zenica. Out of all my characters (as of 02/14/2021), it is Lael who gave me a feeling of curiosity -- pa'no ba s'ya sa sarili n'yang pamilee? He has so much love to give that it makes me wonder kung pa'no n'ya 'yon ibubuhos pa sa mga ganitong pagkakataon. >< 

Happy heart's day! Gift ko 'to sa'yo today! <333

Thank you and I hope you enjoy this chapter! This is so out of my comfort zone but I hope I delivered it well. Hahahahahahahhahaa. If you want to tweet anything related to this, you can use #bgs2wp.

--

Special Chapter
#bgs2wp

Tunog ng dalampasigan ang payapang ingay na bumabalot sa paligid. I liked the sound of it because it's calming and gentle. Maganda ang dagat sa umaga lalo na kung natatamaan ng sikat ng araw ang dagat. Magandang panoorin ang pagkain ng tubig sa buhangin ng dalampasigan nang ilang saglit, pagkatapos, aatras ulit pabalik matapos mag-iwan ng bakas. 

I like the sea at night too. Lalo na sa ilalim ng kumot ng mga bituin at sa sinag ng maliwanag na buwan. I like the cold night wind and the peacefulness and mystery of the sea. Kumikinang na parang diyamante ang dagat sa gabi.

But I like the sea the most when Zenica's part of the picture.  

"Look, this one's bigger," inilahad n'ya sa akin ang seashell na nakuha n'ya sa kung saan, may kaunting buhangin ng dalampasigan ng La Union.

Napangiti ako at agad na hinawakan ang kamay na inilahad n'ya bago tiningnan ang ipinapakita n'ya sa'kin. 

"Oo nga," tawa ko nang kaunti bago kinuha 'yon at hinawakan ang kamay n'ya gamit ang isa pang kamay. 

Patuloy na tiningnan ni Zenica ang seashell at hindi n'ya siguro napansing hinawakan n'ya pabalik ang kamay ko at hinigpitan ang kapit do'n. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. 

She started walking ahead and I followed her, our hands still linked with each other.

Tumingala si Zenica sa mga bituin at huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako. I watched her as she continued gazing up at the sky before I looked up too. Maraming bituin sa langit--maganda tulad ng mga mata ni Zenica lalo na kapag nakatingin sa'kin. 

Binitawan ni Zenica ang kamay ko kaya bumaba ulit ang tingin ko sa kan'ya at naabutan ko s'yang nakapikit at unti-unting ipinupulupot ang mga braso sa baywang ko para sa isang yakap. 

Ipinatong ko ang kamay sa balikat n'ya. I rubbed her arm to give her warmth. Baka kasi nilalamig s'ya.  Ipinatong ni Zenica ang ulo sa dibdib ko at napangiti ako nang tuluyan kong maramdaman ang buong yakap n'ya. 

I caressed her long hair too and kissed the top of her head. 

"Ano 'yon?" Tanong ko. 

"I have a lot in my mind right now," she said.

Tumango ako at napangiti dahil para s'yang nagsusumbong kahit na may pagkamatapang pa rin kung magsalita. 

"Speak, child," biro ko at naramdaman kong kinurot ni Zenica ang likod ko kaya napatawa ako nang kaunti, niyayakap na s'ya nang tuluyan pabalik.

I've always told Zenica that we should always communicate with each other. Kung mayro'ng bumabagabag sa kan'ya, she should say it to me and I promised to always try to understand her. Gano'n din ako para sa kan'ya. It's to avoid misunderstandings and to always have each other's perspectives.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat