Chapter 5

7.7K 380 168
                                    

Chapter 5

"Ano'ng sa'yo?" Ngiti ni Lael nang mabigyan na kami ng menu.

I looked at the menu. Filipino dishes ang nandoon. Maganda ang restaurant. Simple lang pero kumportableng tingnan ang paligid. Hindi sobrang lapit sa Torrero University pero may nakikita akong ilang nag-aaral doon dahil sa uniform ng college students na may pasok ata kahit weekend.

College students din ang mga babaeng studyante na nandoon. Nililingon nila kami, mukhang nagustuhan si Lael. 

As I've said before, Lael is undeniably attractive kahit na simple lang naman kung umakto, manamit at kumilos. Mukha ngang ayaw n'ya pa ang nagii-stand out pero hindi n'ya maiwasang mapansin s'ya ng mga tao. Maybe it's his vibe that attracts people's eyes. Allen is attractive too pero kaya noong hindi mapansin ng mga tao ang presensya n'ya dahil magaling tumahimik sa isang tabi. Itong si Lael, parang kahit pilitin n'yang huwag mapansin, nakukuha n'ya pa rin ang atensyon ng mga tao.

"Ikaw?" I asked because I don't really know what to order. 

Baka magustuhan ko ang order n'ya at gayahin na lang. Agad na napatawa si Lael at napa-angat sa kan'ya ang tingin ko mula sa menu.

"Ako?" He raised an eyebrow, may malisya ang tingin and I frowned at him.

This guy! Hindi ba s'ya nauubusan ng kapilyuhan?

Natawa si Lael sa reaksyon ko at alam n'ya yatang maiinis ako sa kan'ya kaya sinagot din naman nang ayos ang tanong ko.

"Sinigang." Aniya. "What's yours?"

I scanned the menu again.

"Kare-kare." I said when I saw the picture of the dish.

Tumango si Lael at sinabi 'yon sa waiter na lumapit.

"Paborito mo 'yon?" Tanong n'ya nang umalis na ang waiter.

Umiling ako.

"Ita-try ko lang." I looked at him as he nodded with interest. "Ikaw? Favorite mo?"

Tumango si Lael at ngumisi.

"Masarap kasing magluto n'yan si Mama." He said.

"Sobrang miss mo na?" I asked.

Tumango si Lael. "I'm trying to learn it. Baka magaya ko." Aniya at tumango ako. 

"You cook?"

"Kailangan." He chuckled. "Gusto kong pag-uwi ni Ate, kakain na lang s'ya."

I really never thought that there was more to Lael. I just thought that he's the usual student. Masunurin, mabait, masipag mag-aral. Hindi ko alam na may mga ganito pala s'yang kuwento.

"What does she look like?" Takang tanong ko. Is she a girl version of Lael? Or medyo magka-iba ang features nila?

"Looks like me, but paler." Tawa ni Lael.

Kumunot ang noo ko. "How did that happen?"

"Maputi kasi si Mama. I got my skintone from my dad." Aniya.

That makes more sense now. 

"Ikaw? Your parents?" He asked.

"My dad's a civil engineer. My mom, she's a manager in a bank."

"Kapatid? Only child?" Tanong n'ya.

"Younger sister," I mentioned. "Grade 1 na."

Mukhang natuwa si Lael nang malaman 'yon because his eyes glinted admiration.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now