Chapter 30

6.5K 307 64
                                    

Chapter 30

Napabaling si Lael sa gawi ko at nagtama ang mga tingin naming dalawa. Pero bago pa man magkaro'n ng pagbabago sa ekspresyon n'ya, umiwas na ako ng tingin at dumiretso sa upuan ko nang hindi s'ya tinitingnan pa ulit.

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana sa buong oras ng klase, hindi na nakikinig pa sa discussion dahil paulit-ulit na bumabalik sa isipan ang nakita kanina.

The girl was Lisa, 'yong kasama rin sa class officers ng klase at isa sa mga top students. She has long hair, round eyes, and kind personality. Wala naman talaga akong interes sa kan'ya kahit noon... kahit na madalas n'ya pang kausap si Lael dahil sa responsibilidad nila sa klase.

Pero ngayon, parang may kumakalat na lason sa dibdib ko. Nakita ko lang naman silang magkasama... bakit ganito ako kung mag-isip?

Mukhang may pinag-uusapan lang silang dalawa na sigurado naman akong tungkol sa klase. Ilang beses ko na rin naman silang naabutang magka-usap noon pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong inis.

Nakatayo lang silang dalawa kanina katabi ang teacher's table at may tinitingnang papel. Hindi sila magkalapit. The distance was normal. Why am I reacting like this?

Maybe because... I already named what I am feeling for him.

Napalunok ako at napalingon sa teacher namin sa araw na 'yon nang tumawag s'ya ng pangalan sa klase para sa recitation at bumagsak ang tingin ko kay Lisa na tahimik lang na nakikinig sa discussion. Nasa harapan s'ya ng klase, katabi ang mga kaibigan n'yang matatalino rin.

She's pretty, alright. The kind of pretty that is very reserved and conservative. Sa hawi pa lang ng buhok at sa pagkapino ng paggalaw, may ideya na ako sa mga lalaking nababagay para sa kan'ya.

I smirked at the thought. Right, someone who's like her—kind and perfect. Someone who will treat her right.

Those characteristics are too familiar for me.

Parang naramdaman ko ang galit sa mga mata ko dahil sa naisip kaya agad akong umiwas ng tingin. Kumuyom ang panga ko at hiniling na lang na sana, matapos na ang klase para maka-alis na ako ro'n.

"Pumasok na pala," I heard Ynna say beside me.

Kahit na hindi n'ya tinukoy kung sino ang sinasabi n'ya, alam ko na kaagad na si Lael 'yon dahil nakabaling ang tingin n'ya sa kung saan naka-upo si Lael.

"But you don't look happy."

Umirap ako at hindi sumagot.

"You really like him?" Ynna asked and I looked at her.

"If you're going to tell me that he's just a rebound, I don't want to hear any of it," I told her.

Ynna smirked and looked at our teacher.

"Kung kailan nalunod na nang tuluyan si Seve, t'saka mo na-realize na kailangan mo nang umahon," she said and I ignored her. "Poor Sev."

"You know that it just wouldn't work out," I mumbled but I'm sure she heard what I said.

"You just noticed that now?" Ynna asked and I looked at her, frowning.

I don't really get Ynna. Ang gulo-gulo n'ya para sa'kin. Hindi ko maintindihan kung ano talaga ang gusto n'yang sabihin. It's like she's doing the opposite of the things she means.

Sa nakikita ko sa mga mata n'ya, parang may iba s'yang tanong sa isipan. At kahit nagkatinginan lang kami, parang alam ko ang gusto n'yang sabihin.

Nang tumagal ang paninitig ko sa kan'ya, unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi n'ya at ang kaunting pagka-aliw sa mga mata. Maybe because she knew I knew what she meant with her question.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin