Chapter 1

16.7K 410 318
                                    

Chapter 1

"Zenica."

Napa-angat ang tingin ko at naabutan ang seryosong mga mata ni Lael na nakatunghay sa akin. Napansin ko ang makapal na pilikmata n'ya at ang tangos ng ilong.

Agad kong kinuha ang papel ko sa mesa ko at inabot sa kan'ya 'yon.

"Thanks!" Tipid kong ngiti sa kan'ya.

Lael smiled warmly at me and nodded, kinukuha ang papel galing sa akin.

"Ang hirap!" Reklamo ni Ynna habang nakatitig kay Lael na ngayon ay napatingin na sa kan'ya at tumawa.

"It is." Iling ni Lael natatawa habang inaayos ang mga papel na hawak n'ya.

Napanguso ako at tinitigan s'ya. Napatingin sa akin si Lael at nang nakitang nakatitig ako sa kan'ya ay napakurap s'ya pero ngumiti rin naman.

"Lael! Why don't we get lunch together." Ynna said sensually and I rolled my eyes.

"Oh, god." Tawa ko, umiiling at tumayo na. "Here we go again." Bulong-bulong ko habang umamba nang aalis.

Hindi pinansin ni Ynna ang reaksyon ko at patuloy ang malagkit na titig kay Lael. Umirap ako at naglakad na palabas.

"Ipapasa ko pa 'to, Ynna." Narinig kong sabi ni Lael bago ako tuluyang nakalabas ng classroom.

Naiiling ako habang naglalakad. My cone heeled black shoes were making sounds on the tiled floors of our building. St. Agatha University is one of the prestigious schools in the country kaya naman ang bawat pasilyo ng paaralan ay maganda, malinis, at maayos ang pagkakagawa.

I studied in Torrero University before in my junior high school years. Parang SAU rin iyon pero mas agresibo. At SAU, students are branded as good students.

But for me, the students in SAU are just a bunch of hypocrites. Grade 12 na ako at halos magdadalawang taon na ring nag-aaral sa St. Agatha University, pero sa loob ng dalawang taong iyon, I learned that most of the students here are kind on the outside but very disgusting in the inside.

Mayro'n namang mga mababait talaga... I think. But maybe, kakaunti lang sila. Most of the people I meet here are hypocrites to me.

"Zen!" Agad akong napatigil sa paglalakad at nilingon kung sino ang tumawag sa akin.

Kumunot ang noo ko nang makita si Lael na dala pa rin ang mga papel na nakolekta.

Kasunod n'ya si Ynna na mukhang iritado. Napangisi ako. Mukhang na-reject na naman.

"Ka-grupo kita sa project kay Ma'am Santos." Sabi ni Lael, may ngiti pa rin sa mga labi. Kitang-kita ko ang dimples n'ya sa magkabilang pisngi. "Gagawa na lang ako ng group chat kasama ang iba nating ka-grupo."

Gusto kong mapangiwi roon. Group works.

"Sure." I shrugged looking at Ynna na ngayon ay nakalapit na sa amin.

"We're not yet friends on Facebook." Sabi ni Lael kaya nabalik ang tingin ko sa kan'ya.

I nodded. "Alright. I'll add you na lang." I smiled.

Napatitig sa akin si Lael kaya tinitigan ko rin s'ya. Eventually, he smiled and bowed his head.

"Alright." He said before he looked at me again and smiled.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now