Chapter 13

6.6K 386 52
                                    

Chapter 13

Tiningnan ko si Lael habang nakahilig kami sa isa sa mga stalls sa cafeteria kung saan namin napiling kumain. Open space ang cafeteria na 'yon at bahagyang malayo sa senior high school building ng St. Agatha University. Mas madalas ang college students sa cafeteria na 'to kumpara sa ibang cafeteria.

Mahangin dahil walang mga pader pero dahil may bubong naman, hindi naman mainit. Tanaw ko mula sa puwesto namin ang building ng senior high school department at ang bakanteng lote na nababalutan ng bermuda. 

Maingay sa cafeteria dahil marami na ring may vacant na college students. May iilan ding mga senior high school students dito lalo na 'yong mga lalaking senior high na gustong magkaro'n ng college na girlfriend. I know because Vaughn and his friends do that before. Pati ang mga kaklase ko rin dati. When asked "why", they always say that they like older girls because they are more mature in handling relationships. 

Amoy na amoy ang mga niluluto kaya nga kanina, bago kami makarating ni Lael dito, sinabihan n'ya pa akong magtali ng buhok na sinunod ko naman. I did a low ponytail for my hair and Lael watched me while I did it. 

I'm wondering kung bakit kakain din si Lael kasabay ko. Hindi ba sila kumain ni Caleb kanina?

Napalingon sa akin si Lael at pinagtaasan n'ya ako ng kilay nang bahagya nang mapansin n'ya na ang tingin ko sa kan'ya. Pagkatapos ay ngumisi s'ya.

Dahil umihip ang hangin, nagulo rin ang buhok n'ya pero hindi naman masyado dahil hindi naman gano'n kahaba ang buhok n'ya at clean cut. He chuckled but I can see his red ears. 

"Why are you staring? Kaunti na lang, iisipin ko na talagang effective 'yung gayuma," he smiled.

Umirap ako at umusod palapit sa kan'ya nang may tumabi sa akin dahil bibili rin sa stall kung nasaan kami. This cafeteria is like a food park. Maraming choices at independent ang bawat stall sa isa't isa. Bahagyang nagdikit ang mga braso namin ni Lael kaya bumalik ang tingin ko sa kan'ya. Seryoso na ang titig n'ya sa'kin.

I think I know how to describe his physique. His shoulders make me feel like he's capable of defending and protecting me from anything and at the same time, give me comfort that I didn't know I needed. 

"Nasa'n si Caleb?" I asked.

"Kumain na," aniya.

Ngayong malapit sa akin si Lael, mas napansin ko ang agwat ng tangkad naming dalawa. I'm tall for a girl. Pero parang ang laki pa rin ng agwat ng height naming dalawa. I can also smell his perfume from here. It actually smells really good. Bahagya pa tuloy akong lumapit sa kan'ya para mas makabisa ang amoy na 'yon. I wonder what kind of perfume it was.

Napanguso ako at ibinalik ang mga mata sa tinderang hindi pa rin tapos sa binili namin ni Lael.

"Hindi ka sumabay?" I asked him.

Pero dahil hindi agad nakasagot si Lael, ibinalik ko ang tingin sa kan'ya. I saw him holding his nape and he looks hesitant. Ang kaliwang siko n'ya, nasa counter pa rin at nakahilig pa rin ang katawan n'ya sa stall pero ang kanang braso, naka-angat na dahil sa paghawak sa batok. 

Mas naamoy ko ang pabango n'ya at hindi ko mapigilang mamangha sa bango no'n.

"Lael?" I called and he looked at me.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon