Chapter 27

6.1K 273 90
                                    

Chapter 27

"Where's Caleb?" Tanong ko kay Lael habang papaakyat na kami papunta sa temple.

Nakita kong may mga tao rin sa itaas at mukhang kumukuha rin ng litrato ro'n. Nasa itaas kasi ang mismong temple at may malawak na hagdan sa magkabilang-gilid papa-akyat.

"Kumuha ng payong sa sasakyan," Lael said.

Nauuna s'ya sa akin paakyat at hawak-hawak n'ya ang kamay ko. Kanina ko pa winawala sa isipan ko ang ideyang hawak n'ya ang kamay ko pero hindi ko talaga mapigilang isipin lalo pa at bumabalik ang tingin ko sa mga kamay naming dalawa.

I adjusted his polo that is covering me from the sun. Amoy na amoy ko ang pabango ni Lael do'n. I can't help but appreciate how good it smells.

Nang tuluyan kaming maka-akyat, unti-unti naming binitawan ni Lael ang kamay ng isa't isa at nakita ko ang paghawak n'ya sa batok n'ya habang ibinabaling sa iba ang atensyon. Uminit ang mga pisngi ko at inilipat na lang ang tingin sa mismong templo. Namamangha kong pinagmasdan ang kabuuan no'n.

It's quiet. May mahihinang boses akong naririnig sa hindi kalayuan pero tahimik pa rin at payapa sa pandinig ang kapaligiran. It's windier up here than when we were still downstairs.

This is what I like about churches and temples—no matter what the religion is, it is quiet and peaceful. There's also this feeling of wonder whenever I visit places like this—like I know that there's someone who is above all things and is so powerful that I need to pay respect to.

Huminto kaming dalawa ni Lael sa bukana ng mismong templo at tinanaw ang altar sa malayo. May mga nagdadasal doon at nakaluhod sa tapat ng altar. May mga insenso rin doong sinindihan ng mga nananalangin.

I stood outside the temple silently beside Lael. Tahimik lang kaming dalawa na nakatanaw sa altar.

Nang lingunin ko si Lael, naabutan ko ang tingin n'ya sa polo n'yang nasa ibabaw pa rin ng buhok ko. His ears are red, but his eyes are giving me the impression that he's thinking about something deeply. May kinang din ng kung anong emosyon sa mga mata n'ya na hindi ko maipaliwanag.

"Lael," I softly called and he brought his gaze to me.

Walang ayos ang buhok n'ya sa araw na 'to—walang inilagay na kahit ano at hinayaan lang na nakabagsak. It gave him an innocent look, lalo na nang ibinaba n'ya ang tingin sa mga mata ko. Para bang handa s'yang makinig sa kahit anong sabihin ko.

I smiled at him and Lael's gaze went down to my lips. May gumuhit na maliit na ngiti sa mga labi n'ya bago n'ya inangat muli ang tingin sa mga mata ko.

"Can I be completely honest?" I asked.

Tumitig sa akin si Lael, hinihintay ang sasabihin ko.

There's this feeling that I can hear the city—pati na ang mga pag-uusap ng mga tao sa paligid—but not vividly. Everything sounds blurry in my ears. Mas malinaw pa ang tunog ng hangin at ang paghawi ng mga dahon mula sa mga puno kasabay no'n. The air feels more alive and its smell, fresher than how I remember it.

And although the sun is too up high, it doesn't feel irritatingly hot. The bright sun is giving me a happy feeling. I've always liked rainy lazy days and it surprises me that I like how bright and clear the sky is now.

"I don't want to go home yet," I mumbled softly as the wind blew in our direction and messed with my hair a little.

Napatitig sa akin si Lael at nakita kong lumambot ang titig n'ya sa akin.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें