Mabuti naman at hindi sila nagtanong saakin dahil hindi ko rin naman sila sasagutin. 


Napatigil ako ng makita kong wala ng puno at puno ng kweba ang nakita ko. "Ano ito?"


"hindi ko inaasahan na napakadaming kweba dito" ika ni Diamond na manghang nakatingin 


Napailing naman ako sa dami ng kweba. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung saan  sila pwedeng nakatago. Tumatakbo ang oras at kailangan naming habulin ito kung hindi mahuhuli kami.

"saglit.." biglang sabi ni Azriel saka nagpalingon-lingon "Kaya kong gamitin ang kapangyarihan ko at isang kweba lang ang hindi mapasukan ng kapangyarihan ko"

"Saan?" sabay-sabay naming sabi 

"Doon" sabay turo niya sa pinakadulo na kweba. Maliit lamang 'yon at hindi gaanong nakikita. Wala ring mga puno ngunit malalago ang dahon nito. 

"halika" sabi ko

Tumabi naman saakin si Azriel at si Clint naman ay tinabihan si Diamond na nasa likuran ko. Naging agresibo kami at pinatalas ang aming mga pandama. Hindi kami gumawa ng kahit anong ingay hanggang sa makarating kmai sa dulo sa kweba. 

Diretso kaming naglakad ngunit pinigilan kami na Azriel na maglakad kaya napatigil kami at siya ang naunang maglakad. "Bakit?" bulong na tanong ko

"May kakaiba sa lugar na 'yo" sabi niya. Napatingin naman ako sa mga bato ngunit hindi ko makita. 


"Wala ba kayong--"


"Kaya kong gumawa ng apoy sa konting oras" sabi ni Clint kaya tumango ako. Itinapat naman niya iyon sa pader at doon namin nakita ang kung ano-anong nakaukit. 


"Anong lenggawahe ito?" sabi ko saka hinawakan 'yon ngunit hindi ko maramdaman ang pagkaka-ukit nito. "Kakaiba nga" 

Sinundan namin 'yon at patagal ng patagal ay padami ng padami ang mga nakaukit at hindi namin maintindihan."Ano 'to--wah!"

Sabay-sabay kaming natumba sa lakas ng epekto saamin ng isang--walang pader o kung ano man sa dinadaanan namin. 

"Aray," sabi ni Azriel. Tinulungan ko naman sila sa pagtayo saka napatingin sa dinadaanan namin. "Akira, bakit ang lakas ng tama mo saamin?"

"Isang dimesyon o isang harang?" mahina kong tanong 

"Isang barrier...harang" sabi ni Diamond na nasa tabi ko.  Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at tama nga isang harang dahil hindi makalusot ang kamay ko

"Clint. Bote para mawala ang isang harang. Tatlong antas" 

Mabilis naman naibigay saakin 'yon ni Clint saakin at binuksan ko saka pinatakan ang daliri ko saka hinawak sa barrier. 

Napangiti naman ako ng mawala ang harang ngunit nawala ang ngiti ko ng makita ko ang walang malay na kasamahan ko at si Corwin na nakangisi saamin habang nakaturo saamin ang kanyang kapangyarihan. 

"Magaling" ika ni Corwin. 

"Corwin!" susugudin na sana ni Azriel si Corwin at mabuti ay napigilan agad ni Diamond at ni Clint "Bitawan niyo ako. Masasapak ko 'yan!"


"Wala siyang kasalanan, Azriel. Huminahon ka" sabi ko habang nakatingin sa walang malay na si Kez at Belle

Artius Academy :The Unknown GirlWhere stories live. Discover now