Muling nagring ang cellphone niya at wala sa sariling sinagot niya iyon. “Hello?”

            “Zyrene?”

            “Heinz, ikaw pala.” Hearing his voice soothe’s her senses.

            “Okay ka lang ba bakit kaboses mo yata si Crischel ngayon? May masama bang nangyari?”

            “Nawawala kasi ang isa sa mga kaibigan namin, si Chloe. Lahat kami ngayon ay abala sa paghahanap sa kanya.” Nanlulumong napahiga siya sa kama niya. “Sorry kung hindi kita natawagan kanina Heinz.”

            “It’s okay I understand. Nasaan ka ngayon?”

            “Sa bahay lang nagpapahinga.”

            “Gusto mong puntahan kita diyan?” napangisi siya sa sinabi nito.

            “Ano na naman iyang nasa isip mo?”

            “What? It’s an innocent invitation.” Painosenting wika nito.

            “Lokohin mong lelong mo alam kong may masama ka na namang balak.”

            “Hindi nga I am innocent here.”        

            Lumabi siya sa sinabi nito kahit sinong babae ay hindi iisipin na inosenti ang isang Heinrich Chua. “Innocent your face.”

            “Sige na babe I want to see you promise I will behave.”

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now