“Ains?”

            “Nasa inyo ba si Chloe?”

            Mas lalo siyang napakunot ng noo sa sinabi nito. Nagpaalam siya sa mga magulang niya na lalabas lang muna siya para mas makausap niya ng maayos si Ainsley lalo pa at mukhang tarantang-taranta na ito sa kabilang linya.

            “Relax Ainsley-.” Napakunot siya ng noo ng marinig ang boses ni Monica sa kabilang linya mukhang conference call eh.

            “I can’t relax kami ang magkasama pero nawala siya please tell me jinojoke niyo lang ako,” narinig niya ang mahinang hikbi nito.

            “Ains tell us what happened?” maawtoridad na tanong ni Georgette.

            “Hindi ko rin alam girls, basta nagjoyride lang kami. And then nakatulog ako sa biyahe after that ay nagising nalang ako na nakapark ang car ko s tabi ng isang beach resort at wala na doon si Chloe. Nasa car ang mga gamit niya I searched for her but she was nowhere.”

            “Baka naman may pinuntahan lang hindi ba ganyan naman si Chloe nawawala nalang bigla?” tanong ni Karylle.

            “Not this time, nasa sasakyan ko ang sketchpad niya pati na rin iyong wallet niya and cellphone. I am really scared.”

            “Huwag kang umiyak diyan gaga ka, para saan pa at nanging pulis ako kung hindi ko mahahanap ang kaibigan natin. I am going to search for her, I need to go I’ll beep you all if my improvements na.”

            Pagkatapos magpaalam ay binalikan niya ang tatay niya at sinabi niya ang nangyari kay Chloe. Kaagad naman itong kumilos at sinabing hihingi daw ito ng tulong sa mga heads nila. Kung mawawala si Chloe alam niya isang malaking gulo ang mangyayari. Ito ang nag-iisang anak na babae ng may-ari ng RJS.

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now