27

0 0 0
                                    

ATA: yes, I'm going to write even I don't have a reader.

~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

"Ate... n-narinig ko 'y-yung sinabi ni mama... 'wag mo s'yang sundin," nauutal ngunit nakangiti pa ring sambit nito. Para bang kailangan n'yang isiping mabuti ang sasabihin n'ya dahil ayaw n'yang masaktan ako.









"Paniguradong hindi rin papayag si kuya sa gusto ni mama," huminto ito saglit upang kuhain ang kamay ko. "Ate, tutulungan kitang itakas ang baby. Wala na akong pake kung magagalit si mama. Anak mo 'yan e, syempre masasaktan ka kapag nawala pa sa'yo 'yung anak mo. Nasaktan ka na nga na wala na si kuya at mga kaibigan mo... paano pa kaya na 'yang anak mo pa ang mawala?" Ngumiti ito ngunit napalitan din agad ng seryosong mukha.









"Mahal ko 'yung bata... syempre, pamangkin ko 'yan e. Pero kung ganoon ang gusto ni mama? Na ilalayo ka sa anak mo. Mas gugustuhin ko nalang na mabuhay ako na hindi ko iniisip na may pamangkin ako." Ngumiti ito sa akin at nagpaalam. Ngayon ang libing ni Jiro. Nagpaiwan ako sa kanilang lahat. Gusto ko, na kahit sa huling pagkakataon, masolo ko s'ya. Parati nalang kasing kahati ko 'yung hospital e, pero hindi ako naiinis sakanya. Masaya ako dahil doktor s'ya at proud na proud ako ron.









"Hi," pagbati ko rito at umupo malapit sa puntod n'ya. "Ang daya... hindi mo man lang nalaman na buntis ako... hindi man lang tayo naikasal. Dapat pala hindi ko na ipinagpaliban ang kasal natin e," I chuckled.









"Ang sama talaga sa'kin ng mundo 'no? Kung kailan masaya ako sa isang tao, tyaka naman babawiin ito sa akin," unti-unting namumuo ang aking mga luha. "Noong una... si papa, tapos si mama... tapos 'yung mga pet ko," I smiled because pet isn't a person but it's really hurt. "Tapos si Ivon... tapos si lola... tapos si Amethyst, tapos ngayon ikaw... sino naman kaya ang sunod? Parang hindi ko na kaya 'pag may susunod pa," nag-uunahang bumagsak ang aking mga luha.









"Baka sa susunod na may mawala, susunod na rin ako," natawa ako sa sinabi ko. "Joke lang, syempre, susundin ko ang sinabi ni Jayra. Hindi ko pababayaan ang anak natin. Sana lang... gabayan mo kami mula dyan sa taas. Promise, in the right time, we'll be complete as a family. We love you. I miss you so much..." ngumiti ako pinahid ang mga luha ko.









Hindi ko alam kung paano ko muli bubuoin ang sarili ko. Naiiwan nanaman akong wasak na wasak. Wala man lang tinira sa akin na buo, grabe naman talaga ang kamalasan ko sa buhay. Totoo ngang masisira pa ang isang pasong sira.









Ang dami ko pang kailangang isipin. Una, kailangan ko munang magresign sa law firm na pinapasukan ko. Though, law firm naman ni Kat 'to... pero gusto ko munang lumayo sa lahat. Wala akong maihaharap na mukha sa kanila.










I talk to Merlyn, she said na pwede muna ako sa Bataan. For some reasons gusto ko rin... gusto ko ring pumunta sa kanila dahil mukhang marerelax ako ron. But I declined it. Nagsabi lang ako na pupunta sa birthday ni Yanna at Zeus. After Yanna and Kat's birthday, aalis na ako ng bansa. Hindi dapat ako mahanap ng mama ni Jiro.










I contacted Sam too. I told her I'm gonna live with her. She's happy and excited. But when I told her what's the reason of living with her, her excitement falls.










Tomorrow is Yanna's birthday, sabay naman sila ng mommy n'ya kaya makakapunta pa rin ako. Ang sabi ni Kat ay may bbq party nalang daw kami. She missed bbq so much. I ask them kung may ipapabili pa raw sila pero wala.










"Craving for cakes?" I turned around and saw Jiro's mom. Bumibili ako ng cake para kila Kat at Yanna ngayon.










"No, ma'am. I'm buying for my godchild's birthday." I honestly said it.










"Don't go too far and hide the baby from us." Huling sinambit ng mama ni Jiro. Para akong kinilabutan na ano. Natatakot? Oo sobra. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito ang nanay ni Jiro.










Pagkarating ko sa Bataan ay nagre-ready na sila ng baga para sa iihawin. Inilapag ko ang cake, at binigay ang regalo kay Yanna. Agad nitong binuksan at bakas ang tuwa sa bata.










"Unfair, ako wala," nagbibirong sambit ni Kat. "Just kidding babe, where do you wanna go after this? Pwede naman dito. Paban natin pamilya nila Jiro." Natatawang sambit nito.










"I really don't know, but I have a lots of houses abroad naman. You can dalaw naman me, if ever." Sabi ko sa kanila. Maraming friends daw sila Yanna dito, ang kaso lang ay nawala nang makasaksi ng krimen si Yanna.










Natrauma raw si Yanna, kahit ako man ay matro-trauma kung ako ang makakakita ng ganoon. Grabe, wala ka na talagang dapat pinagkakatiwalaan sa panahon ngayon, lahat nalang manloloko.










I ate a lot of barbeque, maybe because of the baby in my tummy. We were happily talking like before. Like when we were in high school. Hanggang ngayon ay suot pa rin namin ang matching bracelets namin. Noong last year lang ay pinaayos namin ito para maging mas matibay.










Nang makauwi sa condo ay pagod na pagod ako pero kailangan kong magmadali. If Jiro was alive, maybe he's the first person I'll call to help me in my things. Pero, wala e... wala na s'ya... kailangan ko nang masanay na mag-isa.










After packing my things. Dumiretsyo na agad ako sa private plane ko. No one will know where I'm going. My business in the Philippines will grow even without me. Nakayanan ko nga noon na nakafocus ako sa pagiging lawyer e.










Nang magland ako sa pinuntahan ko... agad akong dumiretsyo sa bahay namin doon. I want to be alone for a while... I know, I can do this... ako pa ba? E matagal na akong mag-isa... matagal na akong mag-isa sa mundong mapaglaro, na ang target palagi ay puso ko.


~~~~~~~~~
•LIGAYA•

A thousand Sunset with DeniseWhere stories live. Discover now